Third Person's POV
Tila nanlumo ang mga panauhin galing sa Pecularia dahil sa kanilang nakita. Hindi nila inaasahan ang sorpresa sa kaarawan mismo ng yumaong Prinsesa Jainia na inihanda nina Haring Gabriones at Reyna Valentina.
Si Leia.
Si Leia. Tila nakalutang lang siya sa ere na parang walang malay. May pasa pa at sariwang dugo mula sa kanilang mga natamong sugat, na tila binabahiran na ng kulay pula ang kanyang suot na puting bestida.
Parang may kumirot sa puso ni Guro Markus nang makita ang kahihinatnan ng isa sa mga mabubuting estudyante na kilala niya.
May namumuo namang galit mula sa loob naman ni Xandrus pagkatapos maabutan at masaksihan pa ang pakulo ng piging na inihanda ng kaharian.
Ang pinakamalapit na kaibigan naman ni Leia si Jai ay hindi makapaniwala sa nangyari sa kanya at nagbabadyang bubuhos ang kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata.
Bagamat ito ang saloobin ng mga panauhin galing sa Pecularia, salungat naman ito sa mga nararamdaman ng ibang panauhin, sapagkat bihira lamang sila makakita ng mga taong may kakaibang kakayahan. Kaya naman, natutuwa pa sila sa ganapan ng piging.
"Ipinapakilala ko sa inyo... si Leia na malayang nakakalipad!" malakas na sabi ni Haring Gabriones na siyang pinalakpakan ng lahat maliban sa mga tunay na nakakakilala kay Leia.
Hindi na natutuwa si Jai sa mga nangyayari.
Tila sinisisi niya ang kaniyang sarili hindi lang sa nangyari kay Leia, kundi pati na rin sa pagsalakay ng eskwelahan.
SA KAMALASANG NARARANASAN NIYA NA DINADAMAY ANG LAHAT NG MGA TAONG NAKAPALIGID SA KANYA.
Nasira na ang kanilang pagkakaibigan ni Jasmiya.
Nasa kapamahakan ang lahat ng mga Guro sa eskwelahan at ang eskwelahan mismo.
Nilagay pa niya sa bingid ng kamatayan si Xandrus.
Hindi na niya makontrol ang kanyang sasabog na emosyon. Parang gusto niyang manghina ngunit tila may namumuong lakas na gustong lumabas sa kanyang loob.
Hindi na.
Hinding-hindi na niya kayang tiisin pa.
"MGA...
WALANG...
HIYAAAAAAAAAA!"
Napasigaw nang malakas si Jai.
At hindi lang yun isang ordinaryong sigaw.
KUNDI ISANG NAKAKABINGING SIGAW.
Tinabunan ng lahat ang kani-kanilang mga tainga gamit ang kanilang mga palad upang hindi mabingi sa sigaw ni Jai.
Sa sigaw ni Jai ay siyang pagbasag ng bawat lampara't bumbilya na tanging nagbibigay-liwanag sa buong palasyo kung saan ginaganap ang piging.
Sa sigaw ni Jai ay ang pagsigawan rin sa takot ng mga panauhin.
Sa sigaw ni Jai ay biglang dumilim ang paligid dahil basag na ang lahat ng ilaw na siyang ikinasigaw sa takot ng mga panauhin.
Tumigil na si Jai sa pagsigaw ngunit ramdam na niya ang init na nasa kanyang loob na gustong kumawala sa kanyang katawan. Dumadaloy na sa kanilang mga ugat ang isang pwersang ngayon lang niya naranasan.
Nagulat naman ang lahat ng biglang bumalik ang ilaw ngunit nasa ibang kulay na ito.
KULAY PULA.
Kasing kulay ng lahat ng ilaw ang paligid ngayon sa loob ng palasyo.
Saka na rin nila napansin ang isang binatang unti-unting lumalapit sa hagdanan kung saan nakatayo ang Hari at Reyna.
Walang bahid ng kahit anong emosyon ang kanyang mukha na diretso lang nakatingin sa mag-asawa.
"Mga kawal, hulihin niyo siya!" sigaw ni Haring Gabriones na siyang sinunod ng mga kawal sa gilid.
Hindi pa naman nakakalapit ang mga kawal kay Jai ay bigla nag-apoy ang kanilang mga baluti na siyang ikinadaing nila saka bumagsak sa sahig. Umatras naman ang ibang kawal.
Hindi ito inaasahan ng Hari at Reyna na magaganap ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, gusto na nilang iligpit ang kaisa-isang Oclamidos na natitira sa lupain ng Titania sa kaarawan pa ni Prinsesa Hanne.
DAHIL ALAM NILA ANG TOTOONG KATAUHAN NI JAI NO'ONG IPINAKILALA NA NIYA ANG KANIYANG SARILI SA KANILA.
Nagulat ulit ang mga panauhin na tila nakatunganga lang sa nangyayari, nagtataka kung parte pa ba 'to ng surpresa ng Hari.
"Walang sinuman ang hahawak sa akin, hangal!"
Iyon na ang huling sinabi ni Jai bago naging pula ang kanyang mga mata saka sumigaw nang mas malakas.
Sa lakas ng sigaw ni Jai ay tumilapon ang Hari at Reyna at nabundol sa pader na siyang ikinawalan nila ng malay.
Nagsipagbasagan rin ang mga baso't pinggan sa paligid na siyang ikinatakbo ng mga panauhin palabas ng palasyo.
Sumiklab naman ang apoy at kumalat sa mga kurtina sa mga bintana kaya nagmumukha ng imperyno ang palasyo.
Sa ikatlong pagkakataon, sumigaw ulit si Jai na siyang pagkasira ng mga kadenang nakakabit sa katawan ni Leia.
Iniligtas man niya ang kanyang pinakamamahal na kaibigan ngunit inilapit naman niya sa kapahamakan ang kanyang sarili.
Nagbabadyang babasak ang malaking aranya (chandelier) sa itaas ni Jai at paniguradong tatama iyon diretso sa kanya.
"JAI!"
Tumakbo nang kay bilis si Xandrus palapit kay Jai at sa paglapit niya ay saka niya siya niyakap at itinulak ang kanilang mga katawan palayo sa babagsakan ng aranya.
Tuluyan namang bumagsak ang aranya na siyang pagbasag ng mga palamuti rito.
Umuwing tumatakbo at may dalang takot ang mga bisita sa piging. Buong akala nila ay natutuwa sila sa pasabog ng piging ngayong taon. Ibang pasabog pala ang susurpresa sa kanila.
Naging isang impyerno nga ang palasyo dahil sa mga apoy na nagkalat sa loob at sigawan ng mga tao.
Ang tanging naiwang buhay sa palasyo ay
ang Pamilyang Pascua,
Ang sugatang Leia,
At ang makapangyarihang Jairovski Oclamidos.
Samantala, unti-unti namang sumasalakay ang di pa kilalang angkan ang mortal na mundo at naghahasik ng kadiliman.
"Breaking news!
Halos 100 katao ang natagpuang walang buhay sa iba't ibang parte ng bansa! Lahat raw sila ay kinumpirmang inatake sa puso. Kaya naman, iniimbestigahan na ng pulisya at mga eksperto kung isa ba itong krimen o sadyang nagkataon lang sabay-sabay silang inatake sa puso..."
Unti-unti na silang kumakalat sa bansa pero ano kaya ang kinalaman nila sa kaganapan sa Titania?
BINABASA MO ANG
Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently Revising
FantasyBook 1 of 3 Formerly titled as "Pecularia I: Ang Unang Yugto" Sa pagpasok niya sa mahiwagang mundo ng Titania, lingid sa kaalaman ni Xandrus ang naghihintay na kanyang magiging mga kaibigan, pamilya, pag-ibig... at kaaway. Tunghayan natin ang paglal...