Narito ako sa libingan sa tuktok ng isang bundok dito sa Pecularia, malapit lang sa boundary sa pagitan ng Pecularia at Indusia.
Ang sarap ng simoy ng hangin rito.
Sana madala ng hangin ang sakit na mula sa giyera no'ng nakalipas na isang linggo.
Nakaupo lang ako sa damuhan at katabi ko lang ang libing. Nilagyan ko ng mga bulaklak sa ibabaw nito pagkarating ko rito.
Hawak ko naman ang isang papel na ibinigay sa akin ni Leo. Ito raw ang sulat na naglalaman ng hulimg mensahe ni Jai sa akin bago sumabak sa digmaaan.
Binuklat ko ang puting papel at sinimulang basahin.
Mahal kong Xandrus,
Alam kong hindi naging maganda ang una nating pagkikita. Naalala ko, tinawag mo na ako sa aking pangalan kahit na hindi pa tayo pormal na nagkakilala.
Alam ko ring hindi naging maganda ang pakikitungo ko sa'yo. Eh kasi naman, mukha mo palang parang alam ko nang hambog ka, pero nagkamali ako.
Nalaman kong gusto mo nga talagang makipagkaibigan sa akin, at sa kanila.
Simula no'ng tagpuan natin sa Libraria, naging mas malapit na tayo sa isa't isa. Sinabi mo sa akin ang lahat kung bakit ka naparito sa mundo ng Titania.
Sana naman, makapunta rin ako sa mundo niyo.
Dumating ang malaking pagsubok sa ating pagkakaibigan at nagsimula tayong nag-away. Naalala ko kung paano ka nagalit sa akin at nagawa mo pang sigawan ako sa loob ng silid mo.
Alam kong hindi ikaw iyon, dahil hindi gano'n ang pagkakakilala kay Xandrus.
Kaya kampante ako na bumalik ka na sa dating ikaw no'ng natagpuan ka namin ni Rafaela sa gubat. Sa ikli nating pagsasama, nakilala na kita agad.
Akala ko, magiging kapatid lang ang turing ko sa'yo, ngunit ipinaramdam mo sa akin na magiging higit pa tayo roon.
Ikaw ang nagnakaw ng unang halik ko. Akala ko pagsisihan ko iyon, ngunit pagkatapos no'n, parang hinahanap ko na rin yung mga labi mo.
Tsaka alam mo bang muntik na akong mahimatay dahil halos matabunan ka na ng nyebe doon sa Apache? Buti na lang talaga niligtas tayo ng mga Granoso doon.
Mas nakilala kita sa paglalakbay natin, at dahil sa'yo, nagkakaroon ako ng lakas ng loob upang harapin ang digmaang ito.
Lagi kang andyan sa tabi no'ng kailangan ko ng kausap.
'Wag mong kalimutan ang ipinangako natin sa isa't isa, na walang iwanan.
Mahal na mahal kita.
Ang iyong asawa,
Jai
Isang ngiti sa aking labi ang gumuhit sa aking mukha matapos basahin ang kanyang sulat. Sa huling pagkakataon, nagawa pa niyang aalahanin ang lahat ng mga sandaling magkasama kami.
Mahal na mahal talaga niya ako.
"Uy, anong iniiyak mo 'jan?" kalabit niya sa akin.
Nakita ko siyang nilalagay ang mga bulaklak sa libing ni Ryubi.
"Nahuli lang ako ng sandali, umiiyak ka na 'jan. Eh 'di ba dapat ako ang iiyak dahil nawalan ako ng pusa?" dugtong pa niya.
Oo, buhay siya. Buhay na buhay.
***
Akala ko talaga, wala nang pag-asang mabuhay pa si Jai habang patuloy pa rin ang pagbagsak ng ulan sa buong lupain.Lumapit naman ang pusa ni Jai na si Ryubi kay sa katawan ni Jai at pumatong rito.
"Meow!"
Pagkatapos ng humiyaw ng pusa ay bigla siyang lumiwanag pati si Jai. Naramdaman kong dahan-dahang lumutang sa ere ang katawan ni Jai at hindi ko alam kung anong nangyayari.
Naglabas ng berdeng aura ang katawan ni Ryubi na lumilipat naman sa katawan ni Jai.
Ilang sandali lang ay tumigil ang paglipat ang aura ni Ryubi na nasa katawan na ni Jai.
"Meow," huling hiyaw ng pusa bago bumagsak sa katawan ni Jai.
Babagsak na sana si Jai sa sahig ngunit agad ko siyang nasalo.
Nakita kong nawalan na ng buhay ang pusa.
Hindi maaari.
Nakaramdaman ko namang unti-unting huminga si Jai.
At pagkakataong iyon, mirakulosong nabuhay ulit siya.
***
Kapalit ng buhay ni Jai ay ang buhay ni Ryubi. Hindi ako makapaniwala na kaya iyong gawin ng isang pusa.
Napag-alaman ko ring galing iyon kay Philip na childhood friend ni Jai. Labis ang aming pasasalamat sa kanya kahit na wla rin siyang alam na kaya iyong gawin ni Ryubi.
Taglay ko ngayon na ang kapangyarihan ni Jai samantalang taglay ni Jai ang kapangyarihan ni Ryubi.
"Anong pakiramdam na nasa iyo na ang Ave Fénix?" tanong niya sa akin.
"Palaging mainit ang pakiramdam ko," tugon ko na ikinatawa lang niya.
"Sino ba kasing hindi maiinitan sa makapal mong suot? Anong akala mo, nasa Apache pa rin tayo?"
"Eh akala ko medyo malamig rito kasi nasa tuktok tayo ng bundok," depensa ko.
"Ewan ko sa'yo--"
Sinunggaban ko siya ng halik ngunit nawalan kami ng balanse kaya napahiga kami sa damuhan.
Sabay naming tinatanaw ang maulap na kalangitan na tamang-tama lamang sa aming pagbisita rito.
Ang sarap sa pakiramdam na katabi mo ang pinakamamahal mong tao sa mundo.
Hinding-hindi ako magsasawa na mahalin ang isang katulad ni Jai--
I mean wala siyang katulad.
At hindi ko namalayang pumikit na pala ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently Revising
FantasyBook 1 of 3 Formerly titled as "Pecularia I: Ang Unang Yugto" Sa pagpasok niya sa mahiwagang mundo ng Titania, lingid sa kaalaman ni Xandrus ang naghihintay na kanyang magiging mga kaibigan, pamilya, pag-ibig... at kaaway. Tunghayan natin ang paglal...