Jai's POV
Natapos rin ang aming pasulit sa klase ni Guro Demitrius. Buti na lang binigyan pa kami ng kaunting oras para mag-aral bago magpasulit. Nakalimutan ko lang talagang mag-aral kagabi sa kay raming nangyari kahapon.
Nag-aantay na rin sa akin sa labas si Kaiser. Aayain daw niya akong mananghalian bago kami tutungo sa susunod naming mga klase.
"Oy, yung mahal mong prinsipe, naghihintay na sa'yo sa labas. Dalian mo na," sabi sa akin ni Leia.
"Sya nga pala, hindi ako makakasabay sa inyo sa pananghalian. Hindi ko rin 'to matanggihan si Kaiser. Nakakahiya naman," sabi ko sa kanya.
"Ayos lang naman. Basta pananghalian lang ang kainin niyo ha," pang-aasar niya.
"Alam mo, ang dumi-dumi rin ng pag-iisip mo no," sabi ko nang sinamaan ko siya ng tingin.
"Oy, ikaw na ang magluluto ng pananghalian. Nagluto na ako kahapon," sabi naman ni Raphael nang lumapit siya sa akin.
"Ako na lang ang bahala sa pananghalian natin, Raphael, may lakad pa 'tong kaibigan natin," sabi ni Leia sabay turo kay Kaiser na nasa labas.
"Psh, siya na naman," sabi niya sabay labas ng silid.
Nagtatampo ata yung kumag na 'yon. Hays, ba't ba naiipit na ako ngayon?
Lumabas na rin kami at iniwanan na ako ni Leia kay Kaiser.
"Tara na," sabi naman ni Kaiser.
Habang naglalakad kami ay hindi naman maalis sa isip ko ang sinabi ni Kaiser kanina.
"Oy, malalim yata ang isip mo. Dahil ba 'yan sa pasulit niyo kanina?" tanong niya.
"Hindi naman. Sa katunayan nga, nasagutan ko lahat nang tama naman," sabi ko.
"Hindi ka lang pala mabait. Matalino ka rin pala," sabi pa niya.
Pupunta kami ngayon sa parang upang doon mananghalian. Dala-dala ngayon ni Kaiser ang pagkain na nasa isang basket. Sobrang nakakahiya. Ni wala man lang akong dala kundi sarili ko lang.
Nang nakahanap kami ng pwesto sa lilim ng isang malaking puno, naglapag ng isang munting banig si Kaiser at umupo doon.
"Upo ka," aya niya.
"Pasensya ka na kung eto lang yung pananghalian natin," sabi pa niya nang nilabas niya ang mga pagkain sa basket.
Shems, mukhang masasarap pa naman.
"Naku, sobra-sobra na nga eh, tsaka dapat nga ako yung mahiya kasi wala man akong dala para sa atin," sabi ko.
"Ano ka ba? Ako yung nag-aya sa'yo kaya 'wag ka nang mahiya," sabi niya.
Nagsimula na kaming kumain at yun nga, sobrang masasarap ang dinala niyang pagkain.
"Ikaw ba nagluto ng mga ito?" tanong ko.
"Oo, bakit? Masama ba ang lasa--"
"Naku, hindi ha. Sa katunayan nga, sobrang masarap nga. Ang galing mo palang magluto," sabi ko.
Habang tumatagal ang aming pagkakaibigan ay mas lalo ko pang nakikilala si Kaiser. Sobrang bait nya, magaling pa magluto, tsaka balita ko matalino rin 'to.
Tatanggihan ko ba pa siya?
Shemay, kung ano-ano na lang ang iniisip mo, Jairovski.
Pagkatapos ng masaya naming tanghalian ay sabay kaming bumalik sa dormitoryo upang maghanda sa susunod na klase. May pagsasanay pa pala kami ngayon.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently Revising
FantasyBook 1 of 3 Formerly titled as "Pecularia I: Ang Unang Yugto" Sa pagpasok niya sa mahiwagang mundo ng Titania, lingid sa kaalaman ni Xandrus ang naghihintay na kanyang magiging mga kaibigan, pamilya, pag-ibig... at kaaway. Tunghayan natin ang paglal...