Jai's POV
Kailangan kong hanapin ang may kagagawan ng mga ito. Hindi pwedeng hindi ko siya maipatumba dahil hindi rin namin mapapaslang ang mga kalaban.
Ikinumpas ko ulit ang aking kamay sa mga susugod sa akin at ilang segundo lang ay natusta ko sila ng buhay dahil sa mga bolang apoy na pinakawala ko.
Ngunit nagbabadya silang bumagon ulit.
"Leonardo, kayo muna ang bahala rito. Hahanapin ko muna ang kumukontrol sa kanila," sabi ko kay Leo bago ako lumundag nang kay taas upang matakas ko ang mga kalabang aatake ulit sa akin.
Ngayon, problema ko naman ay kung saan ko siya mahahanap.
Bahala na. Hindi alintana kung malaki ang eskwelahan na ito. Mahahanap at mahahanap ko siya.
Kapag nalaman kong si Reyna Valentina talaga ang may gawa nito, iihawin ko talaga siya sa harap ko.
Pumunta ako sa gusali ng mga Guro. Iniisa ko ang mga silid roon ngunit wala akong nadatnan ni isang tao roon.
Sobrang gulo rin ng mga opisina.
Nagkalat ang lahat ng mga gamit sa loob.
Patay sindi rin ang mga ilaw.
Sana nasa mabuting kalagayan ang mga Guro at walang nasaktan sa kanila.
Pumunta ako sa opisina ni Master Yves sa ikalimang palapag at habang tinatahak ko ang daan patungo sa itaas, may narinig akong mga yapak ng mga paa.
Naghanda ako dahil baka Gorgonos na naman itong sasalubong sa akin.
Bago pa man ako makarating sa harap ng opisina ni Master Yves, sumulpot sa harap ko ang babaeng hindi ko inaakalang tatraydor sa amin.
"Miya--"
"Maligayang pagbabalik, mahal kong kaibigan," sarkastikong sabi ni Miya sa akin.
Sa totoo lang, nananabik na rin kasi ako na magkita kami ulit pero gano'n pa rin siya. Nilalamon pa rin ng kasamaan.
Hindi ko lubos maisip na ang dati kong kaibigan, ngayon ay kaaway ko na naman.
"Miya, nagmamakaawa ako. Itigil mo na ang lahat na it--"
"At sa tingin mo ba'y susunod ako sa gusto mo?"
"Oo, dahil naging magkaibigan tayo, Miya. Balewala na lamang ang lahat ng pinagsamahan natin?" sabi ko habang nagbabadyang tutulo ang mga luha sa mga mata ko.
"Balewala na lamang ba yung pagturing ko sa'yo bilang kapatid habang nangungulila ako sa pamilya ko?"
"Kahit kailan hindi mo 'ko itinuring na kapatid dahil hindi ako ahas kagaya mo!" nangangalit niyang tugon sabay sugod sa akin.
Nang mahawakan niya ang braso ko, may naramdaman akong kakaiba sa paligid na tila nagbabago hanggang sa nakita ko lang ang sarili namin na nakatayo sa may balkonahe.
Ito ang tuktok ng gusali.
Lumapit naman sa akin si Miya at agad niya akong sinakal sa leeg.
"Punyeta ka! Ahas ka! Ikaw ang dahilan kung bakit nagkakagulo ang lahat! Ikaw! Ikaw!"
Hindi ko na kinayang pigilan pa ang namumuong tubig sa aking mga mata kaya unti-unti nang dumadaos-daos sa aking mukha ang mga luha ko.
Habang tinitignan ko lamang ang mukha ni Miya na puno ng galit, hinanakit, kasamaan, nasagi ng aking isip ang lahat ng mga alaala na kasama ko siya at ang nga kaibigan namin.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently Revising
FantasyBook 1 of 3 Formerly titled as "Pecularia I: Ang Unang Yugto" Sa pagpasok niya sa mahiwagang mundo ng Titania, lingid sa kaalaman ni Xandrus ang naghihintay na kanyang magiging mga kaibigan, pamilya, pag-ibig... at kaaway. Tunghayan natin ang paglal...