Kabanata 39

1.2K 64 2
                                    

Jai's POV



SHEMAY! NAHULOG PA 'TONG XANDRUS! NAKU ANO NANG GAGAWIN KO?

Isip! Isip! Isip!

Yung kanta...

Oo, may kanta para mapatulog 'tong mga jiangshi.

Yun nga lang, 'pag hindi ko kinanta ng maayos, magiging aggresibo yung mga jiangshi. ANG PANGIT PA NAMAN NG BOSES KO.

Ayoko, shemay! Ikakamatay lang ni Xandrus 'pag kumanta ako?! Pero wala na akong maiisip na eh?!

Pa'no ba 'to?

SHEMAAAAAAAAAY!













~●~




Xandrus' POV




Hindi ko magawang gumalaw pa dahil sa pagkakabagsak ko sa lupa. At hindi ko na rin maiiwasan ang nangangalit na bibig ng dalawang jiangshi na nasa tabi ko na.

Kakain na nila ako ng buhay.

Unti-unti na nilang nilapitan ang mga bibig nila sa dalawang braso kaya napapikit na lang ako dahil anumang oras ay kakagatin na nila ako.



"Sa pagsapit ng dilim
ay dapat na kayong nakapikit..."



Dumilat ako at nakita kong napatigil ang mga jiangshi sa paggalaw.

Inalam ko rin kung kanino nanggaling ang tinig na iyon.


"Natutulog nang mahimbing
tanging maririnig iyong hilik..."


Nagsipagtayunan naman ang mga jiangshi na nasa tabi ko at nagsimulang humakbang palayo, gayun din ang mga ibang jiangshing paparating.

Lumingon naman ako kay Jai, nakaupo sa itaas sa sanga ng puno, kumakanta habang kumikislap ang kanyang kwintas na sumasabay sa bawat bigkas ng mga salita sa kanta.

"Ang puso'y noon nangangalit
unti-unti babalik ito sa dati..."

Napakaganda ng boses ni Jai. Parang siyang anghel na humihele sa itaas ng puno. Nakapikit rin siya at seryoso lang sa pagkanta.

"Ngayon ay gumapang ka na
At bumalik sa lupa..."

Nang tuluyan na silang lumayo ay unti-unti silang gumapang at LITERAL kinain ng lupa. Napangiti na lang ako sa nangyari at tuluyan na ring kinain ng dilim ang aking paningin.












Naalimpungatan ako nang nakaramdam ako ng sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Bumangon ako ngunit agad rin dumaing dahil sa sakit ng likuran ko. Napansin ko ring may napunit na parte sa pantalon ko at may benda sa binti ko.

Tumingin ako sa paligid ko.

Parang akong nasa kagubatan ng isang paraiso. Sobrang tahimik. Ako lang ang nag-iisa ngayon. May pumasok naman sa isip ko na agad kong ikinatayo.

Di kaya...

Nasa langit na ako?!

"Sh*t," sabi ko ngunit agad kong tinakpan. Baka marinig ni Lord.

"Hello? Lord? Anjan ka po ba?" sabi ko sa kawalan.

May lumabas naman na isang lalaki ngunit hindi ko maaninag ko sino siya. Lumabo bigla yung paningin ko pagkakita sa kanya. Unti-unti naman siyang lumapit sa akin.

Hala, ganito ba talaga nangyayari kapag kaharap mo na talaga si Lord? Panahon na yata para manghingi ako ng kapatawaran.

Lumuhod ako sa harap niya at nagsalita.

"Lord, sorry po kung naging pasaway po akong bata no'ng nabubuhay pa ako. Lord, ikaw na po ang bahala sa akin at sana patuloy niyo pa ring gagabayin ang aking mga magulang," sabi ko habang nakayuko.

Nagulat naman ako nang bigla siyang tumawa nang kay lakas sa harap ko kaya tumingala ako.

"Ano ba yang pinagsasabi mo, Xandrus? Kung makahingi ka ng tawad sa'kin, parang ako ang Diyos ng Titania," sabi niya. Nawala naman ang labo ng aking paningin at napagtanto kong si Jai pala yun.





Agad akong tumayo. Pucha, nakakahiya yun! Akala ko patay na ako! At si Jai pa talaga yung sinabi ko no'n! Pucha naman oh!

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko kayang makatingin nang diretso sa kanya. Nakakahiya pa rin.

"Saan ka pala galing?" sabi ko na nakatingin sa kabilang direksyon.

"Alam mo, grabe talaga yung epekto ng pagkabagsak mo. Ayan oh, parang kalog ka na," sabi niya at tinawanan ako.

"Naglibot muna ako nang sandali. Nakakabagot na kasing titigan ka," dagdag pa niya na ikinangisi ko.

Lumingon naman ako sa kanya. "Ahh, so buong magdamag tinitigan mo 'ko? Buti na lang, hindi ako natunaw," sabi ko kaya na-realize niya yung huling sinabi niya.

Siya naman ngayon ang umiiwas sa akin ng tingin. Nakaganti rin ako.

"Hoy! H-hindi ah! Pasalamat ka nga, ginamot ko 'yang sugat sa binti mo!" sabi pa niya.

Humarap ako sa kanya. Tinignan niya ako ngunit agad rin tumalikod.

"Alis ka nga muna, Xandrus," sabi niya habang nakatalikod sa akin.

"Bakit?" taka kong tanong.

"Eh kasi... ano... yung ano mo," utal niyang sabi.

Tinignan ko naman kung anong tinutukoy sa akin at na-realize ko palang bumabakat yung harapan ko. "Sh*t," sabi ko at agad tumalikod saka naghanap ng magandang pwestong paglalabasan ko ng tubig sa pantog ko.

Takte, hindi ko pa namalayan yun habang nag-uusap kami.

Pagkatapos no'n ay nadatnan ko si Jai na nakatalikod pa rin. "Oy tapos na 'ko. Pwede ka nang humarap sa akin."

Ayaw pa rin niyang humarap sa kin.

"Naku, sa lahat pa naman ng parte ng katawan ko, iyon pa talaga--"

Naputol yung biro ko nang bigla niya akong hinampasan ng kanyang palad sa braso ko.

"Bastos! Hmp!" sabi niya saka nag-walk out.

Hala, ako pa 'tong tinawag na bastos? Tsk.

Sinundan ko naman siya. Hinila ko naman ang kanyang kamay nang naabot ko siya.

"Oy, biro lang naman oh. Eto naman, tinotoyo agad," sabi ko.

"Hindi ko talaga alam kung maiinis ba ako sa'yo o magagalit," sabi niya nang humarap siya sa akin.

Napabuntong-hininga naman ako bago magsalita. "Gusto ko lang magpasalamat dahil niligtas mo 'ko kagabi. Salamat dahil pinagaling mo ang sugat ko. Salamat dahil inalagaan mo 'ko habang tulog pa ako. Salamat."

"Walang anuman," sabi niya habang naka-crossed arms.

"Saka maganda pala yung boses mo ha," sabi ko pa. Iniwasan naman ako ulit ni Jai ng tingin at napansin kong namumula ang kanyang nga pisngi.

"Natyempuhan ko lang na hindi ako namaos kagabi sa kakasigaw. Akala ko nga, hindi kita maliligtas no'ng oras na yun, kasi 'pag hindi ko makanta ng maayos yun, mas magiging agresibo yung nga jiangshi na yun," pagpapaliwanag niya habang namumula ang kanyang mga pisngi.

"Hindi, maganda talaga. Parang kang anghel na kumakanta sa taa--"

Naputol ang sinabi ko nang narinig kong kumalam ang tyan ni Jai. Nakita ko ang reaksyon niya kaya natawa lang ako. "Tara hanap muna tayo ng makakain bago magpatuloy sa misyon natin," aya ko sa kanya.

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon