Kabanata 37

1.3K 72 0
                                    

Jai's POV


Sana hindi ko na lang 'yon sinabi.

Pero kailangan eh.

Pagkatapos kong sabihin 'yong tungkol sa kanyang ama, parang siyang natulala sa kawalan nang ilang saglit. Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumayo at tumakbo.

Agad ko namang siyang hinabol.

"Xandrus, sandali!" sigaw ko.

Hindi niya ako pinakinggan kaya mas binilisan ko ang pagtakbo mahabol lang siya. Nang makalapit na ako sa kanya ay hinawakan ko agad ang kanyang braso at pinigilan siya. Tumigil naman siya sa pagtakbo kaya gano'n rin ako, at pareho kaming hiningal.

Hawak ko ang kanyang braso ngunit nakatalikod siya sa akin. May narinig akong mahinang hikbi mula sa kanya.

"Xandrus," sabi ko.

Hindi pa rin siya humaharap sa akin kaya humakbang na ako patungo sa harap niya. Nakita ko siyang umiiyak at agad na umiwas ng tingin sa akin.

"Nasaan ang lagusan palabas ng Titania?" tanong niya.

"Xandrus, wala pa namang kasiguraduhan na nawawal--"

"Kailangan ko silang puntahan agad, Jai. Hindi ko kayang may mangyari pa sa kanila," pagputol niya sa sinabi ko.

Sa pagkakataong iyon ay humarap na siya sa akin.

"Minsan na akong nawalan ng kapatid. Kaya hindi ko hahayaang madamay pa sila sa kaguluhang nangyayari dito sa mundong ito," sabi niya.

"Akala ko ba magiging mapayapa na aming buhay rito? Ba't ngayon, mas naging malala pa 'yong sitwasyon? Ba't gano'n, Jai?" dagdag pa niya.

Bago pa man na maibuhos niya ang kanyang mga luha ay agad ko siyang niyakap.

Ito ang unang pagkakataon na umiyak siya sa harap ko.

Ito ang unang pagkakataon na kinakaharap niya ang kanyang matinding kahinaan,

ang kanyang pamilya.

Oo, hindi ko siya lubos na maiintindihan dahil wala akong mga magulang na nagparamdam sa akin kung paano magmahal ang pamilya. Pero alam kong dahil mahal niya ng sobra ang kanyang pamilya, gagawin niya ang lahat maprotektahan lang sila.




Tinatahan ko siya habang niyayakap ko siya.

"Hindi ka dapat tumatakbo nang mag-isa. Narito naman kami para tulungan ka," sabi ko.

Buti na lang ay tumahan na siya. Kumalas na kami sa yakap saka siya tumingin sa akin at binigyan ako ng isang pilit na ngiti. "Salamat," sabi niya.

Napansin kong medyo basa ang kanyang mga pisngi dahil sa mga luha niya kaya pinahiran ko yun gamit ang aking mga kamay. Binigyan ko rin siya ng isang ngiti para naman tuluyan pumatag ang kalooban niya pansamatala.

"Tara, tanungin natin si Rafaela kung may alam ba siyang salamangka na makakatulong sa atin para mapuntahan natin ang mga magulang mo," sabi ko.

Nagkatinginan kami ng ilang saglit saka siya tumingin sa likuran ko. Nakita ko kung pa'no nag-iba ang ekspresyon sa kanyang mukha.

Napansin ko ring kumislap ang kwintas ko na parang may ibig ipahiwatig sa susunod na mangyayari. Pagkatapos ay bigla na lang niya ako hinila para tumakbo palayo.

Tumigil kami sa isang puno at nagtago muna doon. Nagtataka ko kung ano ang nakita niya kanina.

"Anong nakita m--"

Naputol ang tanong ko nang tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya.

Pinakiramdaman namin ang paligid at ilang sandali ay may narinig kaming mga kaluskos. Sinilip namin kung saan nanggaling iyon.

Nakakita kami ng dalawang naglilibot na mga naka-itim na balabal. "Mga alagad ni Miya," mahinang sabi niya saka kami bumalik sa pagsandal.

Naalala ko naman si Rafaela at Ryubi na naiwan namin doon sa tambayan namin.

"Sina Rafaela! Naiwan natin! Balikan muna natin!" mahinang sabi ko at humakbang paalis ngunit bigla akong hinila pabalik ni Xandrus. At sa hindi inaasahan, hindi ko namalayang naaapak ako ng isang maliit na sanga na nagdulot ng ingay.











~●~




Third Person' POV



Sa ingay na dinulot ni Jai sa pag-apak ng isang sanga, walang dudang narinig ito ng dalawang naglilibot na mga alagad ni Miya. Naging alerto sila at sinundan ang pinanggalingan ng ingay na iyon.

Matinding takot ang dinadama ngayon ni Jai, hindi dahil sa kasalukuyan kalagayan nila kundi dahil sa iniwan niya ang kaibigan niyang si Rafaela.

Nagdadalawang-isip si Xandrus kung babalikan nga ba nila si Rafaela. Sinisisi rin kasi niya ang kanyang sarili dahil bigla siyang napatakbo nang marinig niya ang balita tungkol sa kanyang ama.

Hinawakan ni Xandrus ang kamay ni Jai ng kay higpit at pilit na hinihiling na sana hindi sila makita ng dalawang alagad ni Miya sa likuran nila. Naririnig na kasi nilang unti-unti nang lumalapit ang mga hakbang ng mga kalaban sa kanilang pinagtataguang puno.

Ang dalawang alagad naman ay pilit na pinakiramdaman ang paligid at sinubukang alamin kung saan nanggaling ang ingay na narinig nila.

May naramdaman naman silang galaw mula sa likod ng isang puno na siyang pinagtataguan nila Jai at Xandrus. Hindi nila alam na unti-unti na silang nilalapitan at kaunting galaw na lang nila ay may malalagay sa kapamakan ang buhay nila.

Dalawang hakbang na lang ang lalakarin ng dalawang alagad para alamin kung sino ang nagtatago sa likod ng puno...

at sa huli nilang hakbang ay...



















agad namang naagaw ang atensyon ng dalawang alagad nang may dumating na kasamahan din nila.

"Nakita ko sila!" sabi ng bagong dating saka siya sinundan ng dalawang alagad patungo sa kabilang direksyon.

Kinabahan naman ang dalawa kung sino ang nakita ng mga alagad. Nasagi sa isip ni Jai si Rafaela, kaya mas natakot pa siya sa kanyang kaibigan.

"Si Rafaela..." mahinang sabi ni Jai.

Tuluyan nang nakaalis ang mga alagad ni Miya nang biglang sumunod si Jai upang maunahan niya ang mga kalaban sa paghuli kay Rafaela. Sumunod na rin si Xandrus kay Jai sa pagtakbo.

Sigurado si Jai na ang kanyang tinatahak na daan ay ang parehong daang tinahak din ng mga kalaban ngunit napansin niyang nawala sa kanyang paningin ang tatlo.

Kumislap ulit ang kanyang kwintas saka siya napahinto sa pagtakbo, gayon din si Xandrus. Napansin nilang sobrang tahimik ng paligid nila, ngunit silang nasa paligid lang ang mga kalaban.

Napaatras naman ang dalawa nang may narinig silang tawanan mula sa tatlong puno sa may harapan nila, na umalingawngaw naman sa loob ng gubat.


Nagulat ang dalawa nang biglang lumabas ang tatlo sa kanilang harapan at nakatingin nang diretso sa kanilang dalawa.

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon