Kabanata V

4.4K 213 14
                                    

Xandrus

Nanatili lang kaming nagkatitigan sa aming pwesto. Nanatili rin ang katahimikan sa buong hall hanggang sa pinutol ko ito.

"Hey, pwede bang--"

Hindi na natuloy ang pagtatanong ko nang biglang tumakbo ito palabas ng hall. Hindi na ako nagdalawang-isip na sundan siya.

Nakalabas na ako ng East Hall at nakita ko si Jai na bumababa na sa hagdanan. Takte, ang bilis niyang tumakbo, kaya bumaba na rin ako ng hagdanan.

"Jai!" pagtawag ko sa kanya.

Napahinto siya sandali, lumingon sa akin, at nagpatuloy sa kanyang pagbaba. Nga pala, lingid sa kanyang kaalaman ang pagkakaalam ko ng pangalan niya.

"Hintayin mo 'ko please!"

Hindi siya lumingon at narating na niya ang unang palapag. Binilisan ko na rin ang pagbaba ko at bago pa siya umabot sa malaking pintuan ay naabutan ko siya. Nahawakan ko ang cloak niya kaya bigla siyang napaatras at nawalan ng balanse. Bago pa siyang tuluyang bumagsak ay nasalo ko siya.

Sobrang lapit ng mga mukha namin, at kita ko pa rin ang pagkagulat sa mga mata niya. Napatitig kami sa isa't isa.

Napansin kong mamumula siya.

Klarong-klarong namumula siya dahil sa maputi siya.

"Ang hapunan!" bigla niyang sabi at tumayo.

Aalis na sana siya nang mahawakan ko ang kamay niya. Lumingon siya at tinaasan ako ng kilay. Tsk, masungit pala 'to.

"Sasama ako."

"Sige," sabi niya, "pero..." May tinignan siya at sinundan ko iyon.

Hawak ko pala ang kamay niya.

Agad ko siyang binitawan at naglakad na kami papuntang Great Dining Hall.

Tahimik lang siya at diretsong nakatingin habang naglalakad kami doon. Ako naman, hindi makapaniwala sa reaksyon niya kanina kaya napatawa ako bigla.

"Ba't ka tumatawa dyan?" tanong ni Jai na nakatingin na sa akin. Tinaasan rin niya ako ulit ng kilay.

"Wala," sabi ko na lang.

Mukha siyang nainis kaya binilisan niya ang paglakad niya. "Jai, teka! Huwag mo naman akong iwan!"

Huminto siya sa harap ng isang malaking pintuan tsaka humarap sa akin. "Ikaw na nga lang 'yong kilala ko rito, iiwanan mo pa ko," sabi ko sa kanya.

Napahalukipkip naman siya sa sinabi ko. "Kilala ba kita? Tsaka bakit alam mo ang pangalan ko? Siguro espiya ka rito, no?"

"Teka, teka, teka! Isa-isa lang, okay? Ako si Jedrick, anak ni Markus Pascua na guro niyo dito."

Napasinghap siya at napatakip ng bibig.

Bigla namang bumukas ang mga pinto sa harap namin at hindi ako makapaniwala sa nakita ko, at sa narinig ko.

"Oclamidos at Pascua ng East Hall. Kayo na lang ang hinihintay namin."

Boses iyon ng isang babae na umalingawngaw mula sa mga speaker sa loob.

Takte, unang hapunan ko pa nga lang, special mention na ako.

Dahan-dahan kaming pumasok ni Jai sa loob at nakita kong nakaupo na ang mga estudyante rito sa tapat ng apat na mahahabang mesa kung saan nakahain na rin ang mga pagkain.

Hindi ko alam ang pwesto ko nang may kumuha sa atensyon ko. Dalawang babae at isang lalaki ang sumesenyas gamit ang mga kamay na nagpapahiwatig na doon kami uupo ni Jai.

"Kabila ka ng mesa uupo," sabi ni Jai.

Sinunod ko ang sabi ni Jai at lumapit sa kinaroroonan ng mga sumenyas sa amin.

Nadatnan ko ang isang espasyo sa gitna ng isa sa sumenyas sa amin na lalaki at isang babae.

"Silid 75 ka diba?" tanong ng lalaki sa akin na mukhang kaedad ko lang.

Tumango ako bilang sagot at ngumiti siya. Napansin kong nakapulang cloak sila kagaya ng ibang estudyanteng nasa mesa rin namin. Sa likuran ko ang mga taga-West Hall na naka-violet cloak habang yung nasa likuran nila Jai yung mga taga-North Hall na naka-green na cloak at mga taga-South Hall na blue na cloak.

"Raphael nga pala ng Silid 74," sabi ulit ng lalaking katabi ko at nakipagkamay sa akin.

"Rafaela ng Silid 73, kakambal nito," sabi ng katabi ni Raphael. Napansin ko ngang magkamukha sila.

"Ako naman si Priyala Jasmiya Meradeis ng Silid 83. Ang pinakamaganda sa buong Academia!" sabi naman ng isang babae na katapat ni Rafaela. Maganda nga siya.

"Leia. Silid 84," tipid na sabi ng babaeng katabi ni Jai.

Napadako naman ang kanilang tingin kay Jai na walang imik. "Ano?!"

"Magpakilala ka naman!" sabi ni Raphael.

"Tsk. Oo na. Jai, Silid 85," sabi niya at inirapan ako. Anong problema nito?

Napadako naman ang tingin nila sa akin. Hindi pa pala ako nagpapakilala sa kanila.

"Jedrick Alexandrus Pascua ang pangalan ko," sabi ko at napasinghap sina Rafaela at Jasmiya. Si Raphael naman ay kay laki ng ngiti niya habang si Leia ay blanko lang na nakatingin sa akin.

Si Jai? Napailing na lang.

"Ahh, ikaw pala yung sinasabi nilang bumibisita na anak ni Ginoong Pascua dito sa Academia," sabi ni Raphael. "Naku, kailangan nating magpakabait sa kanya."

"Jedrick, anong pala yung kapangyarihan mo?" tanong niya nang magsimula na ang aming hapunan.

Hindi ako nakasagot diretso. Paano ko nga ba sasabihin na wala akong kapangyarihan?

"Tumigil ka nga dyan, Rap! Kakarating na nga lang niya dito sa Academia eh pinapaulanan mo na siya ng mga tanong!" bulyaw sa kanya ni Rafaela.

"Eh paano naman natin siya makilala?" singit naman ni Jasmiya.

Nakatingin lang naman sa akin sa Leia na parang bang kinikilatis ako. Si Jai naman ay tahimik na kumakain. Maya-maya ay may binulong si Leia kay Jai at tumango naman si Jai. Anong problema ng dalawang ito?

"Oy, anong binubulong nyo, jan? Ibahagi niyo naman sa amin iyan!" sabi ni Raphael sa dalawa.

"Pake mo?" tanging sagot ni Leia sa kanya. Umiwas ng tingin si Raphael at biglang natahimik.

Patuloy pa rin ang pakikipag-usap nila Jasmiya at Rafaela sa akin tungkol sa mga gawain nila dito. Sa katunayan, nalaman kong halo-halo pala ang mga estudyante sa bawat hall. May mga galing sa unang taon, ikalawang, ikatlong at ikaapat na taon. Nasa unang taon pa ako at kagaya ko rin sila Raphael, Rafaela, Jasmiya, Leia, at Jai na nasa unang taon rin.

Pagkatapos naming kumain, iniwan na namin ang mga pinagkainan namin dahil ang inatasang magliligpit ngayon ay ang mga taga-North Hall. Sa susunod pa na ang araw kami aatasan sa pagliligpit rito.

"Mabuti nga't magkakalapit lang ang mga silid natin," biglang sabi ni Raphael.

"Oo nga," sagot ko.

"Pa'no ba'yan? Bukas na lang ulit!" paalam niya.

Isa-isa na kaming nagsipasukan sa kanya-kanya naming silid. Naalala kong magkatapat lang kami ni Jai ng silid kaya lumingon ako pero bigla na lang niya isinara nang malakas ang pinto niya. Kanina pa siya ah? May regla kaya siya? Tuluyan na lang akong pumasok sa silid ko.

Unang gabi pa lang ng pamamalagi ko rito, marami nang nangyari. Nagkaroon pa ako agad ng mga kaibigan, at lima pa. Ewan ko lang kay Jai, parang inis na inis sa akin. 'Di kaya dahil yun sa pamumula niya kanina? Nakakatawa pa naman ang reaksiyon niya.

Nagpasya akong maligo, at pagkatapos ay agad akong nagbihis pantulog at humiga na sa kama ko. Pinilit kong pumikit pero isa pang bagay ang sumagi sa isip ko.

Sila Mom at Dad.

Kamusta kaya sila ngayon? Sana ligtas lang sila at nakahanap na ng bagong titirhan nila.

"I love you, Mom and Dad."

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon