Kabanata 28

1.3K 77 3
                                    

Jai's POV




Nasa ikalabing-dalawang araw na ako mula no'ng pinarusahan akong maglilinis rito sa gusali ng mga Guro. Dalawang linggo na nga ang nakalipas...

...ngunit heto ako, pinipilit na kalimutan iyon.

Napagtanto kong ipinahiya ko lang ang sarili ko doon, at ang pag-aalala ko lang sa mga kaibigan ko ay mababalewala lang pala dahil lang sa pagsambat ko.

"Oclamidos, pagkatapos mong magwalis ng dumi sa sahig, punasan mo rin ang mga mesa ng mga guro rito. Naiintindihan mo ba?" utos sa akin ni Guro Calypso.

"Opo," walang buhay kong sagot at tuluyan nang nawala sa paningin ko ang kahuli-hulihang gurong aalis rito.

Pagkatapos kong magwalis ay iniligpit ko na ang walis sa lagayan at kumuha na ng malinis na bimpo para pangpunas.

Simula no'ng naparusahan ako ay lagi na akong pumupunta rito tuwing pagkatapos ng pagsasanay at tuwing Sabado at Linggo pagkatapos kong maglinis sa Libraria. Mukhang nagsasawa na nga sila sa akin eh.

Hindi naman medyo mabibigat ang mga utos nila rito. Minsan, pinapapasa ako ng mga papel sa kabilang opisina tapos balik ulit rito. Halos nakilala ko na nga ang lahat ng mga Guro rito sa loob ng ilang araw ng paglilinis rito.

Nagpupunas ako ng isang mesa nang nakita ko ang pangalan ng nagmamay-ari ng mesang nililinis ko.

G. Markus Alejandro Pascua

Ito ang mesa ng ama ni Xandrus. Saan na nga ba siya? Ilang araw na ko ring napapansin na wala si Guro Markus dito sa opisina. Parang lumiban ata siya ng ilang araw.

Habang nagpupunas ako ay may napansin akong nakaipit na sulat sa isang hanayan. Binuksan ko 'to at doon ay nabasa ko ang laman.

Dear Xandrus,

Pagkatapos kong malaman ang nangyari kay Jai ay nagdesisyon akong lumiban muna at pumunta sa Mommy mo upang masamahan siya roon at hindi maiiwang mag-isa. May mga namamatyag na sa labas ng eskwelahan, at mas lalo na rin sa labas ng Titania. Hindi ako nakapagpaalam sa'yo nang maayos, lalo na't busy ka pa sa pag-aaral rito. Just keep a good job!

- Dad

Kahit na may mga banyagang salita ay naiintindihan ko naman ang ibig ipahiwatig ni Guro Markus. Ang saya kaya siguro sa pakiramdan na may mga magulang na nag-aalala sa mga anak. Hindi ko kasi iyon naranasan dahil ulila nga ako.

Nagtaka naman ako dahil sa nakalagay na petsa sa sulat.

21 Oktubre 2019

Isang linggo na pala ito rito tapos hindi pa inaabot kay Xandrus. Mas mabuti't ako na lang ang magbibigay sa kanya rito. Mukhang wala kasing nakapansin nito.

Pagkatapos kong punasan ang huling mesa ay iniligpit ko na ang mga pamunas sa lagayan tsaka lumabas ng opisina at kinandado ito.

"Lumayo ka!"

Naalala ko na naman ang tagpong iyon.

Nagtungo ako sa dormitoryo upang bumalik sa silid ko at maibigay ang sulat kay Xandrus. Nagsipagtinginan naman sa akin ang mga kapwa-estudyante. Psh, nasanay na ako sa loob ng dalawang linggong pinagtitinginan ako at pinag-uusapan sa likod ko.

"Jai," rinig kong boses mula sa likod pero patuloy pa rin akong naglakad. Bigla na lang ako hinawakan sa mga braso at pinaharap ng sinumang tumawag sa akin.

"Jai, pwede ba kitang makausap?" tanong ni Kaiser sa akin.

"Pasensya ka na, Kaiser. Sobrang pagod ako sa paglilinis doon sa mga opisina. Magtutungo na ako sa silid ko," sagot ko.

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon