Xandrus' POV
Nasa kanya-kanya kaming mga silid upang magpahinga. Grabe yung pagsasanay namin, yung parang bang isasabak na kami sa giyera kinabukasan.
Eto ako ngayon nakahiga sa aking kama at nakapikit.
Siya nga lang pala, kamusta na kaya si Mom? Pati rin si Dad medyo mailap na siya sa paningin ko at hindi man lang ako binisita dito.
Bumangon ako at nagpasyang maligo dahil nanlalagkit na ako dahil sa pawis. Pagkatapos ay nagbihis ako para sa hapunan mamaya.
Habang nakatunganga ako ng ilang mga minuto sa aking sofa ay nakarinig ako ng mga katok sa aking pinto.
"Xandrus! Labas ka muna jan!" tinig ni Rafaela sa labas.
"Bakit?" tanong ko.
"Si Jai, nasa pagamutan, puntahan natin!"
Dahil sa narinig ko at agad akong napatayo tsaka binuksan ang pinto. Sinalubong ako ni Rafaela na may matinding pag-aalala sa kanyang mukha.
"Anong nangyari sa kanya?"
"Ewan ko, basta na lang akong pinasahan ng enerhiya ni kambal kanina. Sabi niya, nasa pagamutan sila ni Jai ngayon."
Agad kaming pumunta roon sa pagamutan at doon ay naabutan naming ang natutulog na si Jai na binabantayan ni Raphael.
"O, andito na pala kayo," sabi ni Raphael sa amin.
"Anong nangyari? Ba't andito kayo?" tanong ng kambal niya.
Nakaupo kami ngayon sa isang mahabang upuan malapit sa kamang hinihigaan ni Jai.
"Gusto ko sanang yayain si Jai na pumunta muna sa Barrio bago maghapunan kaso pagpasok ko sa kanyang kwarto, wala sa siya eh kaya sinubukan ko siyang hanapin. Pumunta ako sa Libraria dahil nagbabaka sakali akong makita siya roon pero wala rin siya roon. Pati sa mga silid-aralan ay wala rin siya. Kaya ayun, balak ko na lang sana pumunta roon nang mag-isa kaso nakita ko na siyang tumatakbo pabalik sa tarangkahan, yun nga lang parang siyang takot. Pagpasok niya ay hindi niya na ako napansin at nanghina agad kaya sinalo ko siya bago pa siya nawalan ng malay. Narinig ko pa siyang sumigaw ng 'lubayan mo 'ko' sa kawalan."
Lumabas pala siya ng eskwelahan nang mag-isa. Ano naman kaya ang ginagawa niya doon sa barrio?
Tumingin ako kay Jai na hanggang ngayon ay natutulog pa rin ngunit napansin ko na namang umilaw bigla ang kanyang kwintas. Hindi ko talaga inalis ang aking paningin rito at sa halip ay tinawag sila.
"Yung kwintas niya..."
"Ha? Anong kwintas?"
Sa paglingon ng dalawa ay biglang nawala ang ilaw. Pucha, ba't ako lang ang nakakapansin na umiilaw ang kwintas ni Jai, pati rin si Jai.
"Yung kwintas ni Jai? Bakit, anong meron?" tanong ni Rafaela.
"Wala naman. Di bale, ligtas naman siya ngayon kaya wala na tayong ipag-alala," tanging nasabi ko na lang.
"Sige na ako ang magbabantay ni Jai rito. Pumunta na kayo sa hapunan para hindi na kayo mahuli," sabi naman ni Raphael.
"Sigurado ka ba, kambal? Ayos lang naman sa amin na hintayin si Jai na magising."
"Hindi. Pumunta na kayo roon baka mapagalitan pa kayo dahil huli na kayo sa hapunan."
"O, sige. Balitaan mo na lang kami kapag nagising na siya."
Tumayo na kami ni Rafaela at humakbang na palabas ng pagamutan nang biglang may sumalubong sa amin sina Leia at Jasmiya.
"NASAAN SI JAI?! HUHU JAI!" sigaw ni Jasmiya.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently Revising
FantasíaBook 1 of 3 Formerly titled as "Pecularia I: Ang Unang Yugto" Sa pagpasok niya sa mahiwagang mundo ng Titania, lingid sa kaalaman ni Xandrus ang naghihintay na kanyang magiging mga kaibigan, pamilya, pag-ibig... at kaaway. Tunghayan natin ang paglal...