Kabanata 34

1.3K 76 0
                                    

Jai's POV








Naramdaman kong may isang kamay ang bahagyang humahaplos sa mukha ko. Marahan niya akong niyugyog para magising ako.

Inimulat ko ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang isang pamilyar na mukha.

Siya yung sumulpot sa panaginip ko.

"Gising na siya," rinig kong sabi ni Raphael kung hindi ako nagkakamali.

Teka, hindi naman si Raphael 'tong nakahawak sa akin.

"Philip!" sabi ko at napabaligkwas ako mula sa pagkahiga sa lupa.

"Oo, ako nga," sabi niya at ngitian niya ako.

Nakita ko naman ang tatlo na nasa tabi niya.

"Teka, ba't... hala... ikaw... nakita na ka nil--"

"Sinabi na niya ang totoo, Jai. 'Wag ka nang magulat 'jan," sabi ni Leia.

"Huwag ka nang mag-alala. Ang dapat natin aalahanin ngayon ay ang eskwelahan," sabi ni Philip sa akin.

Nagising nga talaga ako, pero hindi pala panaginip ang lahat. Iyon ang napagtanto ko.

"Kung gano'n, totoo pala ang lahat," tanging nasabi ko.

Napansin kong nasa isang gubat kami. Narito pala kami sa tambayan naming magkakaibigan.

"Nga pala, bakit tayo nandito?" tanong ko.

"Masyadong delikado na ngayon sa loob mismo ng eskwelahan. Kasalukuyan nilolooban ang bawat gusali ng mga kampon ni Miya, pati ang bahay namin," sabi ni Philip.

"Bahay niyo? 'Di ba hindi basta-bastang nakakapasok dun?" taka kong tanong.

"Duda ko ay nalaman rin ni Miya ang daan papasok roon."

"Si Master Yves?"

"Nasa maayos na kalagayan siya ngayon. May sikretong lagusan naman doon sa bahay namin na tanging kami lang ang makakapasok."

Planado na pala lahat ni Miya ang mga nangyayari ngayon. Hindi ako makapaniwalang magagawa niya pala 'to sa amin.

"Hindi pa kami sigurado kung si Miya nga ba ang kagagawan ng lahat na ito o kasabwat lang siya," dagdag pa ni Philip.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko ulit.

"Malalaman mo rin. Tsaka may nalaman pa ako," sabi niya.

"Hindi pala lumiban si Guro Pascua kung hindi, nawawala siya. At no'ng sulat na ibinigay mo kay Xandrus, peke 'yon."

Sa mga narinig ko ay napayakap na lang ako kay Philip. Sinagot niya naman ang yakap ko.

"Natatakot na ako, Philip," sabi ko sa kanya nang tumutulo na ulit ang mga luha ko.

Hindi ko kaya ang mga nangyayari ngayon. Nasa malalang sitwasyon na ang lahat. Hindi ko na kayang isipin ang lahat-lahat na iyon.

"Tahan na, Jai-jai. 'Wag mo nang aalahanin ang mga sinabi ni Miya kanina. Hindi ito dahil sa'yo. 'Wag mong sisihin ang sarili mo rito," sabi ni Philip.

"Magiging maayos rin ang lahat, lalo na't may plano na kami," dagdag pa niya.

Kumalas ako sa yakap.

"Kaming tatlo ni Raphael at Leia, susubukan naming bumalik doon at iligtas ang mga natitirang estudyante at Guro na hindi pa nila napapasakamay. Si Raphaela naman, maiiwan kasama ka--"

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon