Jai's POV
Parang akong dinadala sa hangin nang mabasag ko ang gintong holen at nang pagdilat ko, nakita ko na ang aking sarili na nasa gitna ng isang gubat. Unti-unti na ring nasisinagan ang lupa ng haring araw kaya nalaman ko kung nasaan na ako.
Nasa Pecularia na talaga ako.
Ang lupain kung saan ako lumaki.
Ang lupain kung saan nakatayo ang eskwelahan minsan ko nang naging tirahan.
Kahit na sumasapit na ang umaga, tila nararamdaman kong nababalot na sa kadiliman ang lupain na ito.
Sa pagkakaalam ko, nasa hilagang bahagi ako ng Pecularia. Kailangan ko nang magmadali. Nalalagay na ang lahat sa matinding panganib.
Ilang hakbang pa lang ang tinahak ko ay may sumulpot na mga balot-balot na mga tao sa aking paligid. Nakilala ko sila kaya napayuko ako nang bahagya.
Mga Gorgonos.
Hindi ako nag-atubiling gamitin ang kapangyarihan ko laban sa kanila nang hindi ko nasasalubong ang mga mata nila. Sumigaw ako kay lakas at nagtapon ng mga bolang apoy sa kanilang mga kinatatayuan.
Shemay, masyado silang marami para kalabanin ko. Hindi sila natatamaan nang husto sa mga tira ko kaya mahihirapan akong tumakas mula sa kanila.
Lumiliyab na rin ang lupa dahil sa mga itinapon kong mga bolang apoy kaya itigil ko na lang. Ayokong masira pa nang tuluyan ang lupain ito nang dahil lang sa kapangyarihan ko.
Hindi ko napansin na may nakalapit na pala sa aking likuran at agad naman nila akong nahawakan nang mahigpit. Sinubukan kong kumawala pero hindi ko magawa.
Napapikit na rin ako upang maiiwasan ang makita sila nang may humawak sa leeg ko at unti-unti akong sinasakal.
Shemay, hindi ako makahinga! Parang hinigop nila yung lakas ko!
"B-bitawan mo k-KOOO!"
Sa sigaw ko ay narinig kong tumilapon ang nanakal sa akin kaya pinagsamantala ko ang pagkakataon at kumawala sa mga kamay nila.
Yung nga lang parang mas minalas yata ako nang may dumating mga hukbo at papalapit sila sa pwesto namin.
Ako na nga lang mag-isa rito tapos tatawag pa sila ng kasam---
"Jai, ayos ka lang ba?"
Paglingon ko ay bumungad sa akin ang babaeng kanina pa namin na hinahanap sa palasyo.
"Leia!" sabi ko at niyakap siya nang mahigpit.
"Kung makatawag ka sa akin, parang hindi tayo nagkita kahapon," sabi niya.
"Sila na ba ang tutulong sa atin?" tanong ko na ikinatango lang niya.
Kasalukuyan namang tinatalo ng mga kasama ni Leia na galing sa Faran ang mga umatake sa akin na mga Gorgonos.
"Bakit ka nga ba andito? 'Di ba dapat nasa palasyo ka ngayon kasama si Haring Harold?" tanong niya.
"Sumunod na agad ako rito dahil nasa panganib na ang Ina ni Xandrus."
"Ano? Paano?!"
"Ewan. Basta na lang nahanap ni Reyna Valentina ang pinagtaguan nila tsaka siya kinuha at ngayon, gusto naman niyang kunin si Xandrus."
"Leia!" rinig kong sigaw mula sa kasamahan ni Leia kaya lumapit agad kami sa kanila.
"Anong nangyari? Nasaan ang mga Gorgonos?" tanong ni Leia nang napansin namin na wala na yung nga umatake sa akin.
"Bigla na lang sila naglaho nang ginapos namin sila," sagot ng isang kawal.
"Kung gano'n, dumiretso na lang tayo sa eskwelahan. Siguradong nandoon na rin ang hukbo mula sa Hilagang Serentos," sabi ni Leia saka kami sumugod patungo sa eskwelahan.
"Jai, suotin mo 'to," sabi ni Leia sabay abot ng isang kwintas.
"Naglalaman 'yan ng mantra para hindi ka matatablan ng mga Gorgonos."
Kinuha ko naman iyon at agad na isinuot. Pagkatapos kong suotin, parang gumaan ang pakiramdam ko.
Nakita na namin ang malaking tarangkahan ng La Escuela de lo Pecularia. Nakabukas na ito at wala nang nagbabantay kaya agad na kaming pumasok.
Nariring namin ang mga kalansing ng mga espada at daing sa di-kalayuan kaya pinuntahan namin ang pinanggalingan ng mga iyon.
Nadatnan namin sa malawak na parang ang mga hukbo mula sa Hilagang Serentos na nakikipaglaban na sa mga kalaban.
"Mga kasama, lumusob na!" sigaw ng isang lalaki na mukhang pinuno sa grupo ni Leia.
Tinulungan namin ang mga hukbo ng Hilagang Serentos na mukhang kanina pa nakikipagbakbakan sa kanila.
Nakita kong may isang pinagtutulungan ng mga sundalo mula sa Silangang Serentos at sa isang sigaw ko lang ay tumilapon sila.
Nakita ko rin ang kambal na parang nahihirapan na sa kakagamit ng kanilang majika kaya tumalon na ako nang kay taas at bumagsak sa kanilang harapan, napaluhod nang bahagya sa lupa saka ako sumigaw nang napalakas.
Bumagsak naman sa lupa ang mga kawal na kanina pa sinubukang patumbahin ang kambal.
"Jai, ikaw na ba 'yan?" rinig kong sabi ni Rafaela sa aking likuran.
Tumayo ako agad at humarap sa kambal.
"Ako nga," sabi ko sabay tapon ng bolang apoy sa paparating na kawal.
"Woah, teka, ikaw ba 'yan talaga, Jairovski Oclamidos?" tanong naman ni Raphael.
"Ako nga, ano ba!" tugon ko bago ako nagkumpas ng aking kamay sa mga susugod ulit sa amin na natamaan sa apoy mula sa aking palad.
"Pwede ba, tulungan niyo rin ako dahil nawawalan rin ako ng lakas sa kagagamit ng kapangyarihan ko," sabi ko sa kanila na mukhang hindi pa rin nakumbinse na may kapangyarihan na talaga ako.
"Oh, mahinahon ka muna. Baka mamaya, tutustahin mo kami ng buhay," sabi ni Rafaela.
Tumakbo naman palapit sa akin si Raphael at niyakap ako nang kay higpit. "Nananabik na ako sa muli nating pagkikita," sabi niya.
"Ako rin," sabi ko at kumalas sa yakap. "Pero iligtas muna natin ang lahat bago tayo mag-usap!"
"Pangako 'yan ha!" sabi pa niya.
"Pangako!"
Nasagi naman sa isip ko ang Ina ni Xandrus na bihag ngayonat si Xandrus na balak pang kunin ni Reyna Valentina.
Nakita ko naman si Leonardo na abala pa rin sa pagpapatumba ng mga kalaban, kaya agad akong lumapit at tinulungan siya.
"Leo! Nasaan na sila Xandrus?" sabi ko at nagpakawala ng apoy mula sa palad ko.
"Hinahanap na nila ang mga estudyante at guro! Dumating na ba ang mga taga-Faran?"
"Dumating na sila at kasalukuyan na nilang iniisa-isa ang mga kalaban!"
"Mabuti naman! Dahil hindi sila mamatay-matay at pagod na ang lahat kakapaslang sa kanila!"
"Ano?!"
Napatingin ako sa mga natamaan kong mga kalaban na bumagsak sa lupa. Napansin kong unti-unti na naman silang umaahon.
Shemay.
"Sa tingin ko, Jai, nasa isang malakas na itim na majika sila kaya hindi sila basta-bastang namamatay!" dugtong pa ni Leo.
Alam ko na ang solusyon nito.
ANG HANAPIN ANG MAY KAGAGAWAN NITO.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently Revising
FantasyBook 1 of 3 Formerly titled as "Pecularia I: Ang Unang Yugto" Sa pagpasok niya sa mahiwagang mundo ng Titania, lingid sa kaalaman ni Xandrus ang naghihintay na kanyang magiging mga kaibigan, pamilya, pag-ibig... at kaaway. Tunghayan natin ang paglal...