Kabanata IX

2.6K 145 1
                                    

Xandrus

Pagkatapos naming mananghalian ay pumunta agad kami sa tambayan nilang magkakaibigan. Nasa likod na parte ito ng field nila. Isa itong malawak na gubat. Sila lang daw ang tumatambay rito dahil sa lawak nito, parang maliligaw daw ang sinumang pupunta rito. Dahil kabisado naman nila ang lugar, ito na ang naging tambayan nila.

Tanghaling tapat na at ang tindi ng sikat ng araw, pero ang sinag nito ang lumulusot lamang sa mga puno rito na nagbibigay liwanag sa gubat.

"Ang ganda naman rito!" sabi ko habang inikot ko ang aking tingin sa hardin.

"At ang presko pa ng hangin. Tamang sikat lang ng araw. Tahimik. Isang perpektong lugar na para lamang sa amin!" sabi ni Raphael. "Kaya kung gusto mong pumunta rito kasama kami, talunin mo muna si Jai."

Oo nga pala, kanina pa ako napapaisip sa laro na sinasabi ni Raphael. Ano ba ang laro? Paligsahan? Habulan? Tagisan ng talino? Board games? Kung meron nga lang sila rito ng board games.

"Anong laro?" tanong ko sa kanya.

"Simple lang. Talunin mo siya sa titigan."

"Titigan?"

Seryoso? Ito yung lalaruin namin?

"Wala pang nakakatalo dyan kay Jai. Tinalo niya kaming apat. Ewan ko ba, baka may ginagamit siyang pinagbabawal na mahika," sabi ni Jasmiya.

"Hindi mo lang kasi matanggap na ganda mong iyan ay pwede palang talunin sa titigan! HAHAHAHAHAHA" sabi naman ni Raphael.

"Che ikaw rin eh! Sa gwapo mong iyan ay pwede ring talunin nang hanggang 10 segundo lamang!"

"Hindi naman kasali yon ah! Nadulingan lang ako no'ng oras na iyon!"

Bigla namang dumaan si Jai sa gitna ng dalawa. "Tama na nga 'yan! Eto na o! Kung mag-away, parang kayo 'yong maglalaro!" sambat ni Jai sa kanila.

Nakahanap kami ng magandang pwesto at doon na kaming umupo para simulan na ang laro. Nasa harap ko na ang kalaban kong si Jai, habang ang apat sa nasa magkabilaan. Si Rafaela at Leia sa kanan ko, at si Jasmiya at Raphael sa kaliwa ko.

"Handa na kayo?" tanong ni Raphael sa amin.

Tumungo na lang kaming dalawa bilang sagot. Pumikit na kami para maghanda.

"Pagbilang ko na tatlo, idilat niyo na ang mga mata. Isa,"

Kailangan kong matalo si Jai...

"Dalawa,"

...Para mananatili pa rin ako sa grupong ito.

"Tatlo!"

Pagdilat ko ng aking mga mata ay nakasalubong ko ang tingin si Jai sa akin. Seryoso siya sa labanan na ito. Mukhang desidido siyang talunin ako. Parang ayaw niya talaga sa akin.

Pero kayang kong patunayan sa kanya na magiging mabuti akong kaibigan niya.

Teka, pamilyar na sa akin yung tingin niya. Di ko lang matandaan.

~●~

Jai

Bago pa nagsimula ang laro ay pinakalma ako ni Leia dahil kinakabahan kasi ako. Dumistansya muna kami mula sa puwesto nila Raphael.

"Bakit ka ba kinakabahan? Oy, ikaw si Jairovski Oclamidos! Ang kampyeonato sa labanang titigan! At yun isa don? Sus! Madali lang iyon!" sabi ni Leia sa akin.

"Ewan ko ba, ngayon lang ako kinabahan ng ganito."

"Kumalma ka lang. Huminga ng malalim..."

Huminga ako ng malalim. Sana nailabas ko na ang kaba ko sa hingang iyon.

"Oh, magsisimula na. Halika na!"

Pagdating namin doon sa puwesto nila ay naabutan naming nag-aaway ang dalawa. "Tama na nga 'yan! Eto na o! Kung mag-away kayo parang kayo yung maglalaro!" pagpigil ko sa dalawa.

Nang nakahanap na kami ng puwesto, umupo na ko at nag-ipon ng konsentrasyon para sa laro.

"Handa na kayo?" tanong ni Raphael na inaabangan ko.

Tumango na ako bilang sagot, at gano'n din si Alexandrus. Pagkatapos, pumikit na ako bilang hudyat na handa na talaga ako.

"Pagbilang ko na tatlo, idilat niyo na ang mga mata. Isa,"

Kailangan ko siyang talunin...

"Dalawa,"

...Para hindi na ako laging ganito...

"Tatlo!"

...Pero paano na siya?

Dinilat ko na ang aking mga mata at nakita ko ang mga mata ni Alexandrus. Desidido siyang manalo. Desidido siyang magkaroon ng kaibigan.

Magpapatalo na lang kaya ako? Wala namang 'tong silbing laro eh! Pero, paano na si Leia? May tiwala pa naman siya sa akin na talunin si Alexandrus. Hays, ewan!

Teka, pamilyar sa akin yang mga mata. Saan ko nga ba nakita yan?

Sa tagal ng aming pagtititigan ay hindi ko namalayan ang sumunod na nangyari.

Naglakbay ang aking isipan hanggang sa may nakita akong isang lalaking matipuno na walang saplot pangtaas at nakatalikod ito sa akin. Nasa malawak at madilim na silid kami at tanging kami lang ang naririto. Tanging naririnig ko lamang ay ang paghinga ng lalaki sa harap ko na sa tingin ko ay galing sa matinding labanan. Medyo magulo rin ang buhok nito. May mga pasa at sugat rin sa kanyang katawan. May hawak siyang sandata sa dalawa niyang kamay.

Lalapit na sana ako sa kanya kaso bilang umapoy ang paligid namin. Hindi ko alam na merong apoy sa likuran ko, kaya napaso ako. Bigla na lang ako tinutupok nang dahan-dahan ng apoy kaya napasigaw na ako.

"Tulong! Tulong!"

Mukhang narinig ng lalaking nasa harapan ko ang aking sigaw dahil unti-unti na itong lilingon sa akin. Tila bumagal ang takbo ng oras ng panahon iyon, ngunit huli na ang lahat dahil ramdam ko na sa buong katawan ang init, at bago ako tuluyang kainin ng apoy ay nakita ko ang mga mata ng lalaking iyon na nag-aapoy rin.

"Ahhhh!"

Bumalik ang aking ulirat at napapikit na lamang ako dahil sa aking nakita. Napasandal rin ako kina Leia. "Ahh!" daing ko dahil biglang sumakit ang ulo ko.

"Anong nangyari sa'yo?" sabi ni Leia habang tinatahan ako.

Maya-maya ay unting-unting nawala ang sakit ng ulo ko at inaayos ang pagkakaupo ko. Pinipilit kong tandaan ang lalaking nakita ko sa aking isip. Sino yun? Bakit siya nagpakita sa akin? 'Di kaya si Alexandrus yon?

"Ahem," ubo ni Raphael na nagpalingon sa amin sa kanya. "Dahil nanalo si Alexandrus, opisyal na siyang miyembro ng ating pagkakaibigan!"

Yakap-yakap pa rin ako ni Leia dahil sa nangyari sa akin. Naramdaman ko naman ang yapak ni Alexandrus na patungo sakin. "Ayos ka lang ba?"

Lumingon ako sa kanya at dumapo ang aking tingin sa kanyang mga mata. Bumabalik na naman ang aking nakita kanina kaya agad ko siyang iniwasan.

"Hindi maganda ang kanyang kalagayan ngayon, dahil siguro sa panahon. Ihahatid ko muna siya sa silid-pagamutan," maawtoridad na sabi ni Leia.

"Samahan na kita, Leia!" alok naman ni Miya na sinang-ayunan agad ni Leia.

Paglapit ni Miya sa amin ay nawalan na ako agad ng malay. Huling naalala ko ay nasa kama na ako ng silid-pagamutan.

Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently RevisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon