Jai's POV
Gabi na ng matapos kami sa pagpaplano namin para sa paparating na digmaan. Higit naming inaasahang gagana ang plano dahil matindi rin ang aming mga kalaban.
Pinadala babalik sa kanyang pinanggalingan si Leia upang makahingi ng tulong sa pamamagitan ni Guro Markus. Nga pala, isa siyang tagabantay ng mga lagusan ng Titania.
"Mag-iingat ka, Leia," sabi ko sa kanya.
"Mag-iingat rin kayo. Kita na lang tayo sa eskwelahan," sabi ni Leia saka ko siya niyakap bago tuluyan pumasok sa lagusan na ginawa ni Guro Markus.
"Sana magawa niya ang misyon niya," sabi ng Hari.
Babalik na sana kami sa loob ng palasyo nang nasagi sa isip ko yung pagkikita ni Guro Markus at ng mga magulang ko.
"Ah Guro Markus, pwede po ba tayo mag-usap?" tanong ko na ikinalingon nila sa akin.
Sumenyas naman ang Hari at si Xandrus na mauuna na sa loob ng palasyo at iniwan kami ni Guro rito.
"May tanong lang sana ako, Guro."
"Tungkol ba kay Xandrus?"
"Hindi po. Tungkol po sa mga magulang ko."
Sigurado ako na siya nga ang nakasalubong ni Ama at Ina sa gubat no'ng hinabol sila ng mga kawal.
"Bago po nagpakita sina Ama at Ina sa panaginip ko, pinakita muna nila yung mga pinagdaanan nila buhay at lahat na ng nangyari sa kanila.
At isa sa mga nakita ko ay ang pagtulong niyo sa kanila para makatakas . Baka po may naalala kayo labing-pitong taong nang nakakalipas."
"Pasensya ka na, Jai. Wala talaga akong maalala na may nakasalubong ako no'ng panahon na 'yan," sabi niya na ikinadismaya ko.
"Pero may naalala ako na nasa harap ako ng isang hari at reyna at hindi ko alam kung bakit nila ako dinakip," dagdag niya.
"Yun po yung panahong gusto po ni Reyna Valentina na malaman kung saan niyo po dinala yung mga magulang ko. Sapilitan pong kinuha mula sa inyo yung memorya niyo at ipinasok sa isip ng Reyna kaya wala po kayong maalala."
"Kung 'yan nga ang nangyari, totoong nakasalubong ko talaga ang mga magulang mo. Nalaman mo bang kung saan ko sila dinala?"
"Sa isang isla po sa lupain ng Echares. Yung po ang sabi niyo kay Ina at Ama."
Tila nag-iisip nang malalim si Guro Markus ngayon. Sana maalala man niya kung anong isla iyon.
"May napaginipan ako noon na isang isla at alam ko kung saan iyon. Paulit-ulit ko yun napaginipan sa hindi ko malamang dahilan.
Gusto mong pumunta ngayon doon?"
Tila nabuhayan ako sa sinabi ni Guro Markus. Sana nga iyon na nga ang lugar kung saan tumakas ang mga magulang ko.
"Kaya niyo po?"
"Syempre naman. Ako ang isa sa mga dakilang tagabantay ng mg lagusan ng Titania," sabi ni Guro sabay bigkas ng mga hindi ko maunawaang mga salita saka may sumulpot na maliwanag na lagusan sa harap namin.
Bigla namang kinuha ni Guro Markus ang aking kamay at pinulupot sa kanyang braso.
"Humawak ka nang mahigpit, future kong manugang!" sabi ni Guro at sabay kaming pumasok sa lagusan.
Napapikit na lang ako dahil sa sinag ng lagusan.
Dumilat ako at bumungad sa amin ang napakagandang lugar na nakita ko sa buong buhay ko.
Eto pala ang Enchares.
"Itikom mo yang bibig mo dahil mapapasukan yan ng langaw!" biro sa akin ni Guro.
"Pasensya na po. Nakakamangha lang po kasi ang tanawin."
Nasa tabi kami ng isang maliit na talon kung saan rumaragasa ang napakalinis na tubig. Medyo mabato ngunit mas nakakaagaw-pansin ang mga bulaklak sa paligid na nagbibigay kulay sa lugar.
Kahit na umaga pa ay may lumilipad nang mga alitaptap. Parang isang paraiso ang lugar na nasa gitna ng isang gubat.
"Ito ang Isla ng Paradies. Parte pa rin ito ng teritoryo ng Enchares, kaya mahiwaga rin ang islang ito. Binabantayan ang lugar na ito ng mga mahihiwagang nilalang, kaya napatili pa rin ang ganda ng isla sa loob ng maraming taon."
Habang nililibot ko ang aking tingin ay may nakita akong puting ibon na ngayon ko lang nakita. Nakatingin ito sa akin nang diretso sa akin mula sa isang sanga ng isang puno.
Bigla namang ito pinagaspas ang magandang niyang pakpak at lumipad patungo sa akin. Umikot muna sa akin saka lumipad palayo.
"Guro Markus, mukhang pinapasunod yata ako ng ibong iyon," sabi ko sa kanya.
"Sundan natin."
Sinundan namin ang mahiwagang ibon na papunta sa puso ng gubat. Hindi namin namalayan na unti-unting dumidilim ang paligid at bigla na lang naging gabi.
"Mag-ingat tayo, Jai. Baka pinaglalaruan lang tayo ng mga nilalang rito."
Isinawalang-bahala ko lang ang sinabi ni Guro nang makarating kami sa puso ng gubat kung saan may isang lawa. Maaliwalas lang ang paligid pati ang tubig sa lawa.
Kabilugan rin ng buwan ngayon kaya ang ganda ng repleksyon nito sa tubig.
Nagpakita ulit sa harap ko ang mahiwagang ibon at nagpaikot-ikot ito sa ibabaw ko. Bahagya kong iniangat ang braso ko upang doon bumaba ang ibon.
Nang nakababa na ang ibon ay saka ko siya nakita nang mas malapitan. Hinawakan ko siya para paamuhin.
"Guro, alam mo ba kung anong klaseng nilalang ito?" tanong ko kay Guro na nakatingin lang sa akin.
"Hindi ko alam. Ngayon ko lang rin yan nakita."
Pagkatapos ko siyang hawakan ay bigla ulit siyang lumipad patungo sa lawa at lumipad nang paikot-ikot.
Nag-ingay ang ibon saka nagbago ng anyo sa ibabaw ng tubig. Nasilawan kami sa pagbabagong anyo ng ibon at no'n dumilat na ako, nagulat ako.
"Ama?"
"Jairovski, anak ko," sabi niya at unti-unti kaming naglalakad patungo sa isa't isa.
Huli ko siyang nakita sa panaginip ko kagabi. Ngayon, totoong nakikita ko na siya.
Nilapitan ko siya upang yakapin ngunit nabigo ako dahil lumusot lang ako sa katawan niya.
"Pasensya ka na, anak, hindi kita mayakap ngayon." sabi niya.
"Ikaw... ikaw ang Ama ni Jai?" tanong naman ni Guro Markus na nasa likuran lang namin.
"Oo. At ikaw naman ang nakasalubong namin ng asawa ko doon sa gubat ng Tareen labing-pitong taon nang nakakalipas. Ang tagapagbantay na nagdala sa amin rito sa Isla," sabi ni Ama.
"Pwede ko ba mahiram ang katawan mo kahit sandali?" dagdag ni Ama na ikinatango lang ni Guro.
Lumapit si Ama kay Guro at nakita ko kung paano nag-isa ang katawan nila. Nagulat naman ako nang nag-iba ang itsura ni Guro at naging si Ama talaga siya.
Naglakad patungo sa akin si Ama at niyakap ako.
"Sa wakas, nayakap na rin kita, anak," sabi ni Ama at unti-unti kong naramdaman ang paghahagulgol sa pag-iyak.
"Ako rin po, Ama," sabi ko habang rumaragasa na rin ang mga luha sa mukha ko.
Ilang taon ako nananabik sa yakap ng isang totoong Ama. Minsan ko na ito hiniling sa mga bituin sa langit na sana mangyari at ngayon ay natupad na nga.
Umupo kami sa damuhan at tinitignan ang napakagandang tanawin ng Isla kahit na madilim na.
"Ano po yung totoong pangalan niyo, Ama?" panimula ko sa unang pagkakataon na magkausap kami.
"Robski Oclamidos," nakangiti niyang sabi.
"Pwede niyo bang ikwento sa akin ngayon kung paano kayo nagkakilala ni Ina?"
Huminga siya nang malalim bago nagkwento.
BINABASA MO ANG
Ave Fénix I [COMPLETED] - Currently Revising
FantasyBook 1 of 3 Formerly titled as "Pecularia I: Ang Unang Yugto" Sa pagpasok niya sa mahiwagang mundo ng Titania, lingid sa kaalaman ni Xandrus ang naghihintay na kanyang magiging mga kaibigan, pamilya, pag-ibig... at kaaway. Tunghayan natin ang paglal...