"Ito lamang ba ang mga pangalan na iyong nakalap?" Marahang lumingon ang babaeng may suot na itim na panaklong, umabot ang itim na tela hanggang sakanyang talampakan, tinatakpan ang kanyang buong katawan. Maingat na ibinalik nito ang tingin sa lumulutang na apoy sakanyang harapan saka yumuko upang hindi malaglag ang suot na pandong.
Bahagyang yumukod ang may kaliitang babae sakanyang likuran, ang puti nitong kasuotan ay nakakabighani sa sobrang linis, hindi mababakas ang lihim na bumabalot sakanyang katauhan.
"Paumanhin, ngunit iyan lamang ang aking nakalap sa buong tatlong araw, masyadong malaki ang bilang ng mga babaeng iyan, isa pa ay kalat sila sa iba't-ibang panig ng mundo ng mga mortal, mahirap hanapin ang mga nilalang na pilit na nagtatago."
Sa gitna ng kadiliman, bumakas ang ngisi sa labi ng nakaitim na babae, wala mang umaalpas na liwanag mula sa buwan papasok sa silid, ngunit batid ng apoy ang naglalaro sa kanyang mga labi.
"Sa tingin mo, sino sakanila ang nakasaad sa mitolohiya?" Umangat ang ulo ng nakaputing babae, marahan itong lumakad papunta sa tabi ng babae, ni hindi man lang ito napapatid sa nakakalat na ugat sa paligid. Napupuno ng alikabok ang silid at nasa ilalim ng lupa, kung kaya't hindi nakakapagtakang nakapasok ang ugat ng isang puno.
"Sino nga ba?"
Kapwa nila itinapat ang kaliwang kamay palibot sa apoy, unti-unti ay lumalabas sakanilang palad ang puting liwanag na nagpasiklab sa apoy, naglulumikot sa gitna ng sulo. Hindi mapakali at tila nais sumabog, kapwa sila napahakbang paatras ng lumitaw ang mga salitang kanilang inaasam.
Nanlaki ang mga mata ng babaeng nakaitim saka lumingon sa nahiwalay na apoy, ngayon ay dalawa ng apoy ang nakalutang sakanilang harapan, isang pula at isang asul. Sa kulay pula nakalutang ang mga salita, habang sa asul naman na humiwalay mula sa pula nakalutang ang mga letra.
V
M
A
Z
R
K
K
K
K
M
M
"A-ano ito?! Bakit, bakit naging ganito ang mga pangalan!?! At letra na lamang ang natira???"
~~~~~
"Dumating na! Dumating na ang huling buwan ng taon!! Ang kadiliman, muli ko ng maamoy ang dugo ng nakatadhana!!" Tila baliw na humihiyaw ang isang babae habang nakaharap sa salamin, bakas sa repleksyon nito ang kanyang makinis na kutis, ang kanyang magandang mukha. Ngunit sa kabila nito ay nakakahilakbot ang tawang kanyang iginagawad na pumapainlalang sa buong silid, sumasabay sakanyang kasiyahan ang sama ng panahon sa labas, bawat kidlat ay kasabay ng tuwa ng babae. Tila ba batid ng kalangitan, ang delubyong hatid ng bawat halakhak ng babae.
![](https://img.wattpad.com/cover/193990102-288-k482654.jpg)
YOU ARE READING
Mythos
FantasyWhen the darkness started to creep.. And when the light wipe my tears.. Covers are not mine. Credits to the rightful owner.