"Prometheus." Nawala ang tingin nito saakin ng tawagin ito ng isang katulong, kaagad akong tumalon pababa sa likurang parte ng puno upang hindi nila ako mapansin. Mabilis akong tumakbo papasok sa mansyon, panay ang linga ko sa paligid, ayokong malaman nila na bumaba na ako mula sa puno, nagtatampo pa ako.
Kahit hirap sa paggalaw dahil sa suot kong ball gown ay nagawa ko pa ring magtago sa sulok ng bawat pader, mabilis kong inakyat ang hagdan habang bitbit ang aking gown, tinanggal ko ang aking sapatos saka binitbit ito kasama ng laylayan ng gown ko. Mabilis akong nakarating sa may hallway, akma akong didiretso dito ng makitang unt-unting lumipat ang dulo nito pakanan.
Umawang ang aking labi at gulat na napahakbang paatras, nabitawan ko din ang bitbit na sapatos maging ang dulo ng aking gown dahil sa gulat, gumawa ng ingay ang pagkalaglag ng aking sapatos sa sahig. Kung kaya't dali-dali akong lumunok at pinulot ito bago tinuloy ang paglalakad, kumanan ako at binilisan ang aking takbo. Nanginig ang katawan ko ng makitang kumaliwa ag diretsong daanan, bumilis ang pintig ng aking puso.
Ano ba ang nangyayari sa mansyon ni Lola?
Muli akong tumuloy sa paglalakad kahit pa abot-abot ang aking kaba, hindi ko tuloy malaman kung ano ang susunod na hakbang, balak kong magpunta sa silid ni Ate Tanya, ngunit hindi ko na alam pa ang daan, tila ako nililigaw ng bawat pagbago-bagong direksyon. Nagtaasan ang aking balahibo at lumakas ang pintig ng aking puso sa kaba dahil sa patuloy na pagbabago ng direksyon, binalot na ng takot ang buong sistema ko.
Panay ang takbo ko kahit pa buong katawan ko ay nanginginig na sa takot, sa hindi malamang emosyon na bumabalot saaking katawan. At sa bawat pagtakbo ko ang siyang pagsilay ko sa pabago-bagong daan, hindi ko na maunawaan pa ang aking paligid. Tila ako nasa loob ng panaginip, pinaglalaruan ba ako ng isip? Ilusyon ba ito o imahinasyon?
Kaagad akong dumiretso sa aking silid ng makita ko ang pintuan nito, hindi ko na nais pang puntahan si Ate Tanya kung ganito lamang din pala ang aking makikita, nakakapagod, nakakahilo ang bawat pangyayari. Kagagawan ba ito ni Lola? Pinaglalaruan ba nila ako? Kaya ba nila ito ginagawa dahil ayaw kong makinig sakaniyang nais?
Ngayon ko lamang nakita ang ganitong estado ng mansyon, kakaiba, bakit kaya? Kailangan ko lang siguro ng tulog, nakakapagod ang araw na ito. Binalot ako ng lungkot ng makapasok saaking silid, sinarado ko ang pinto at kaagad na humiga sa kama, mariin ang titig ko sa kisame habang inaalala ang lahat ng nangyari.
Iiwan ako ni Ate, si Lola ay ihahalili ako sa lalaking iyon na hindi ko naman kilala, isa siyang estranghero saaming pamamahay. Ni hindi ko nga alam kung bakit at paano ako nagkaroon ng mapapang-asawa ng biglaan, hindi ko siya gaanong kilala bukod sakaniyang pangalan, paano nagagawang magtiwala ni Lola sa magkapatid na iyon?
Alam ba ito ni Mommy? Alam ba nila ito nila Daddy? Kung oo ay bakit sila pumayag? Paanong napapayag sila na magkaroon na kami ng mapapang-asawa ni Ate Tanya? Hindi ko maunawaan, batid ko namang palaging nasusunod ang gusto ni Lola, ngunit bakit wala man lang silang sinabi ukol sa desisyon nito? Marahil ay hindi pa nila alam. I should call them and tell them that I don't want to be here, alone with this man, ayoko.
Tumayo ako at marahang hinubad ang mabigat na ball gown, may suot pa naman ako na panloob na isang puti na dress, huminga ako ng malalim at itinabi ang ball gown bago hinanap ang telepono saaking silid. Sa paghahanap ko ay namataan ko ang isang libro sa tabi ng music box na bigay ni Prometheus.
Kinuha ko ang libro at inirapan ang music box, paano niya kaya napapayag si Lola sa mga kagustuhan niya? Kung ako nga na apo niya ay hindi niya ganoon tratuhin, ano kayang sinabi nito kay Lola?
Ngumuso ako ng maalala ang matagal na pagkawala ni Ate Tanya dito sa mansyon, kahit naman lagi akong nagpapasaway ay ayaw ko naman na wala siya dito sa mansyon, siya na nga lang ang kakampi ko. Iiwan niya pa ako, sino ba kasi ang lalaking iyon?
YOU ARE READING
Mythos
FantasyWhen the darkness started to creep.. And when the light wipe my tears.. Covers are not mine. Credits to the rightful owner.