Chapter 6. Mythos

50 5 0
                                    

Napakurap ako, ilang sandali lamang ay nawala ang babae saaking harapan. At mula sa portal ay nahulog ang anim na babae at tatlong lalaki.

Kaagad akong umatras ng mapagsino ang mga ito.

"Bakit niyo ako sinundan?" At papaanong nawala ang labing-isang babae at lalaki?

Mataman ko silang tinitigan habang dahan-dahang tumayo ang isang lalaki, kaagad akong napapikit ng tamaan ng sinag ng araw ang suot nitong makaibang pares na hikaw, nasinagan ang aking mga mata dahilan para kaagad kong iharang ang kanang kamay.

"Hindi ka dapat tumakas babae." Nagtindigan ang mga balahibo ko sa katawan sa lamig ng kanyang boses, ngunit nang magtama ang aming mga mata ay nag-aalab ang kanyang mga tingin, nakakapaso. Pinaghalong lamig at init, kakaibang pakiramdam.

"Hindi ako tumatakas, Sovereigns." Tumaas ang gilid ng labi nito saka namulsa.

"Hindi nga ba?" Kumuyom ang aking kamao.

"Hulihin niyo siya." Doon ko lamang namalayan ang mga guwardiya na nakalapit na saakin, mabilis nila akong hinawakan sa magkabilang braso ng magsalita ang isang babae.

Nagngitngit ang aking mga ngipin, sinamaan ko sila ng tingin.

"Pagkatapos ka naming tulungan, ganito ang igaganti mo saamin?" Nilingon ko ito.

"Hindi ko sinabing tulungan niyo ako--"

"At dahil ikaw ang nanalo, kailangan mong mahulaan ang panghuling laro." Nanalo?

Napipilan ako ng ilahad nito ang kanyang kamay saaking harapan, at mula dito ay lumabas ang imahe sa nangyari kanina bago ako mawalan ng malay. Doon ay nakita ko kung paano tumama ang nag-iisa kong bala sa gitnang botelya, at ng tumumba ito ay nagtumbahan na rin ang mga katabi nitong bote.

Napasinghap ako ng hilahin ako ng mga ito.

"S-sandali, saan niyo ako dadalhin?"

"At dahil ikaw lamang ang nag-iisang nakapagpatumba sa mga bote, nararapat lamang na masagutan mo ang huling palaro." At ano naman iyon?

Kaagad akong nagpumiglas ng humigpit ang hawak nila saakin.

Tumigil kami sa unang pinto sa loob ng gusali, itinulak ito ng isa sa mga babae saka ako kinaladkad ng mga guwardiya papasok. Napalunok ako ng makitang muli ang mga larawan, sa ibaba ay nakahilera ang mga letra na nakasulat sa gintong papel.

Paulit-ulit akong lumunok habang tinititigan ang mga letra, kasabay ng paglabog ng pinto ang unti-unting paglabas ng mga kasunod na letra. Bawat liwanag na magmumula sa ilalim ay uukit ng isang letra, nakagat ko ang aking labi habang nababasa ang nabuong salita, o mas tamang sabihin ang mga pangalan.

Nagulantang ako ng hilahin ng isang babae ang kamay ko at sugatan ito. Napangiwi ako saka mabilis ko itong hinila ngunit hindi niya binitawan ang aking pulso.

Kitang-kita ko kung paano nito iwinisik ang aking dugo sa mga larawan, naningkit ang mga mata ko ng tila isang hologram na lumabas ang mga pangalan na ito sa bawat larawan.

Nagngitngit ang aking mga ngipin.

"Mystica, ang mga botelyang ginamit sa palaro ay hindi ordinaryo, the magic that I inserted inside it can't be seen by your naked eyes. Tanging ang kadiliman lamang ang makakakita nito, madama mo man ngunit hindi ito kasing lakas lalo na kung hindi mo makikita." Lumingon ako dito.

"Are you telling me to close my eyes just to see what's inside?" Napasunod ang tingin ko sa hawak nito, ang botelyang ginamit sa palaro. Ang katawan nito ay nalusaw na at yuping-yupi.

MythosWhere stories live. Discover now