Chapter 1. Mythos

192 9 0
                                    


"Wow! Ang gaganda naman ng mga picture na 'yan, ano kayang gagawin dyan ng SSG?" Lumingon ito sakin.

"Ano sa tingin mo, Drinjecka?" Bumalik ang tingin ko sa bulletin board.

"Hindi ko alam, Morante." Ngumiti ito saka ako piniga ng yakap.

"Ackk!!"

Ang nakapatong nitong baba saaking balikat ay mas lalong dumiin, maging ang yakap nito saakin ay talagang nailipat ang buong bigat niya saakin.

"Goodmorning!! Thank you sa hug!!!" Napaigtad ako ng halikan ako nito sa pisngi, saka patalon-talon na umalis.

Bumalik ang tingin ko sa bulletin board.

"I'm sorry, Drinjecka. For the misbehaviour of my sister." Sinulyapan ko ito bago ibinalik ang tingin sa harap.

"And for not putting the announcement about the upcoming visit of the elite people from different schools, well it should be a surprise, just don't tell it to anybody." Hinarap ko ito.

"Yes." He wink at me and leave.

A surprise visit? Para saan naman?

I glance at the bulletin board.

What about those? Para saan naman ang mga iyan?

"Drinjecka!!"

Napasigaw ako sa gulat ng may humawak sa balikat ko.

"Kinulit ko si Kuya sa SSG corner! At nalaman ko kung para saan ang mga larawan na 'yan!!" Kumunot ang noo ko. SSG corner?

Humarap ako dito.

"P-para saan daw?" Kasama ko lang siya dito kanina! How come..

"Here." Hinarap nito saakin ang isang puting papel. Doon ay nakita ko ang mga letra na naka-isang linya.

V

M

A

Z

R

K

K

K

K

M

M

Kinuha ko ang papel saka ito mariing tinitigan.

"Sabi ni Kuya, may palaro daw bukas, dapat talaga ay hindi niya ito sasabihin saakin, pero dahil kinulit ko siya. Nalaman ko na ang gagawin daw ay ididikit ang bawat letra sa bawat larawan, tapos kapag tama daw ang sagot mo, iilaw daw iyong picture tapos pwede kang mamili ng bagong school bukas, tatlo kasing eskwelahan ang bibisita saatin. Puro galing sa mayayaman na paaralan." Mas lalong kumunot ang noo ko, ibinalik ko ang papel sakanya.

"Sino namang sasali sa ganyan?" I crossed my arms and stare at her.

Napatakip ito sakanyang bibig, tila ba gulat na gulat sa naging sagot ko.

"Hindi mo ba alam, Drinjecka? Na kapag pumasok ka sa isa sa mga eskwelahan nila ay susustentuhan ng pamahalaan ang pamilya mo, tapos iba pa iyong makukuha mo sa loob ng school, tapos mabibigyan ng magandang trabaho ang mga magulang mo, at kapag may sakit ang isa sa myembro ng pamilya mo. Sasagutin din ng pamahalaan ang lahat ng gastos sa Hospital, maging ang mga kapatid mo ay makakapasok sa magandang eskwelahan at mabibigyan din ng allowance. Hindi ba at maganda? Malaking oppurtunity iyon kapag nagkataon, kaya nga hinihiling ko na sana makatama ako kahit isa lang, para hindi na maghirap sila Mama." Natigagal ako saka siya matamang tinitigan.

"I don't get it, why would they risk a big amount of money just because of this stupid game, ano ngayon kung matama ang isang letra sa paglagay sa larawan? Para saan ba iyan? To determine what? The right student for their school? What for? I can't see the logic, yes they can just guess, but how sure are you that you will got a correct answer? And how would a picture lit up without even having a light? Saan manggagaling iyon?" She just stare at me.

MythosWhere stories live. Discover now