Chapter 19. Twirled

11 0 0
                                    

"What?" Blood.. of demi-god?

Kumunot ang noo ko ng dumaan ang katahimikan sa paligid, is this people kidding me?

"A demi-god? Nabubuhay ba ang ganoong uri ng nilalang sa mundong ito?" Lumunok ako, hindi ko kinakaya ang katahimikan nila, marahan akong tumayo. Mabilis akong yumuko ng mapansin ang pagbaling ng tingin nila saakin.

"Tulisa—"

"Aakyat na ako sa itaas, I want to sleep." Maybe If I got back here, they are all gone, right. Aalis din naman ang mga 'yan.

Hindi pa man ako nakakahakbang palabas ng kusina ay nagsalita ang isa sakanila.

"We wait for this moment, this day to come. Tulisa. At iiwan mo lamang kami? Aalis ka na naman ng walang paalam?" Kumunot ang noo ko, napahawak ako sa hamba ng pinto saka marahang lumingon dito.

"What do you mean?" It was Kyzyll, she stood up along with Meloe Jahara. Matalas ang mga matang tumingin ang dalawa saakin.

"You keep us waiting, Tulisa. At hindi kami papayag na paghihintayin mo na naman kami." Napakurap ako at malakas na napasinghap ng mamalayang nasa tabi ko na si Craig, gulat akong napalayo dito ng bahagya dahilan para mapatingin siya saakin.

"Tulisa, you need to listen to us. Nauubusan na tayo ng oras, binigyan ka na namin ng oras para sa sarili, to think and to have a rest. Now it is our time, bigyan mo naman kami ng kaunting oras." Hindi ako nakaimik, nawala ang pagkakahawak ko sa hamba ng pintuan.

My heart is beating so fast, as if telling me something, that I shouldn't let them tell me the reason why they are here. Na huwag kong pakinggan ang kung ano mang sasabihin nila. But my brain says otherwise..

Kumuyom ang kamao ko at saka lumibot ang tingin sa paligid.

"I want to know something first." Kita ko ang bahagyang pagliliwanag ng mukha ni Reneisse.

Come to think of it, paano ko nakabisado ang mga pangalan nila?

"What is it?" Sabat ni Kaizie.

"Is this mansion, really alive?" Nagkatinginan ang mga ito, akmang lalapit na saakin si Craig ng magsalita si Myzlia, hinablot nito ang lalaki sa kwelyo at saka inilayo saakin.

"Earlier, you didn't believe of the word demi-god, but now you are asking that."

"Because maybe, Lola uses some sorcery or witchery in this mansion." Umiling ang isa sakanila saakin.

"No, Tulisa. This mansion is alive, because this is a person, a human who turned into a creature. A curse to be like this." Kaagad akong natigilan, nanigas ako sa aking kinatatayuan kasabay ng panginginig ng aking mga tuhod.

Lumunok ako at bahagyang humakbang palayo mula sakanila, a man named Indigo come near me. Inilahad nito ang kaniyang kamay saaking harapan, bumaba ang tingin ko dito, I suddenly felt really tired. But I know, there's more to come, hindi pa ito ang lahat ng dapat nilang sabihin saakin. Akmang ilalapat ko na ang palad dito ng madinig ang bulong ng hangin.

"Sweetheart.." Gulat kong nailayo ang aking kamay mula dito, napalunok ako at tuluyang napasandal sa pinto ng umatras ako.

"Tulisa, come here."

"You know, ikaw ang tumatakot sakaniya, Prometheus." Sinamaan nito ng tingin si Dark saka tinulak palayo mula saakin, dumiin ang pagkakasandig ko sa pinto ng lumakad ito palapit saakin.

"Tulisa.. sweetheart.." Inis kong inilapat ang hintuturo ko sakaniyang labi.

"Shut up, I don't want to hear that words." Napamulagat ako ng pumorma ng ngisi ang labi nito, malakas na kumabog ang aking dibdib ng bahagyang umawang ang labi nito. Napasinghap ako ng halikan nito ang daliri ko, mabilis kong nailayo ang aking daliri ng dilaan nito iyon.

MythosWhere stories live. Discover now