Chapter 2. Mythos

159 8 7
                                    

"Third Person POV"

"Kailangan natin silang maunahan, dahil siguradong ngayon pa lamang ay kumikilos na sila." Humarap ang babaeng nakaitim sa babaeng nasa kanyang likuran.

"Nasisiguro kong siya rin ang may dahilan kung bakit nabura ang mga pangalan at tanging ang unang letra na lamang ang natira, walang kasiguraduhan kung kailan muli ang kanilang pag-atake, ngunit kailangan nating mag-ingat. Hindi lamang ngayon, huwag tayong panatag, dahil na sa paligid lamang ang kalaban." Muling tumalikod ang babae at humarap sa dalawang bolang apoy sakanyang harapan.

"Ngunit, maaari naman akong bumalik muli sa mundo ng mga mortal, maaari ko ulit hanapin ang mga babae--"

"Hindi maaari, delikado ang lagay natin. Hindi lamang tayo ang naghahanap sakanila, maging ang iba't-ibang mundo sa Latisha Siofra ay pinaghahanap sila, mas malalagay tayo sa panganib dahil opisyal nang naging mundo ang dating kaharian lamang, mas malakas na ang kanilang pwersa. Isa pa, baka ibang babae ang iyong mahanap, tandaan mong hindi lamang iisa ang babaeng maaaring maghatid ng kapamahakan at katahimikan sa Latisha Siofra at sa mundo ng mga mortal." Bahagya nitong nilingon ang babae at ngumisi.

"Ngunit maaari kang makatulong, sa pamamagitan ng paghahanap sa mga nawalang letra, sa tingin mo. Saan napunta ang mga iyon?"

~The other side~

Sumupil ang isang ngisi sa labi ng babae habang matamang nakatingin sa bolang kristal na nasa kaniyang harapan. Humihiyaw ang kulay itim nitong kasuotan na siyang dahilan kung bakit madilim ang buong kapaligiran, ang mga dahon at ugat ng puno, maging ang mga bulaklak ay natuyot at nagsilanta. Maging ang kanyang makapal, tuwid at itim na buhok ay tinatakpan ang kanyang mukha at ang bolang kristal, maski ang sinag ng buwan ay hindi makatawid sa kanyang nakangising labi.

Humagikhik ito, napalitan ng ngiti ang nakangisi nitong labi, saka hingal na bumulong.

"Ang oras ay dumating na, makikita ko na sa wakas ang itinadhana.."

"Ashtrid POV"

Eh?

Napatigil ako sa paglalakad ng may matapakan, kaagad akong yumuko at tiningnan ito.

I.D.??

Umupo ako saka pinulot ito, inikot ko ito at doon ay nakita ko ang mukha ng isang babae. Bumaba ang tingin ko sa mga letrang nakasulat sa ibaba.

Keillyn Sabeulah

Sabeulah?

"Are you thinking about me?" Napaigtad ako at gulat na napatayo.

What the hell!?

Lilingon pa lamang ako dito ay kaagad na niyang naipatong ang braso niya saaking balikat saka niya pinatong ang kanyang baba, kaagad nagkanda-haba ang leeg ko makalayo lamang sakanya.

"A-ano ba!!" Pilit akong lumalayo dito ngunit hinigit niya lamang ang likod ng uniporme ko upang hindi ako makaalis, kaagad ko namang iwinasiwas ang kamay ko.

"Alis! Alis!!" Natigil lamang ako ng sakupin ng isang braso nito ang magkabila kong balikat saka dumukwang sa hawak kong I.D. dahilan para mapunta lahat saakin ang bigat niya.

"Ano ba, Hagan!! Mabigat! Mabigat ka!!" Pilit akong umupo upang makawala lamang sa braso niya ngunit wala ring nangyari, bagkos ay mas hinigpitan nito ang kanyang akap. Hindi ko na namalayang nahablot na nito mula saaking mga kamay ang I.D.

"Sabeulah?" Natigilan ako saka siyang nilingon.

"Hindi ba at Sabeulah ka rin? Hindi mo ba siya kamag-anak?" Nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan ng bumaling ang tingin nito saakin.

MythosWhere stories live. Discover now