Chapter 24. Twirled

17 1 3
                                    

"Mystica, anak.." Marahan akong napahiwalay dito, lumunok ako at dahan-dahang tumingin sakaniyang mga mata.

"Tulisa.." Gulat na dumulas ang tingin ko sa likuran nito, mabilis akong nag-iwas ng tingin ng makita ang halo-halong emosyon sakaniyang mga mata. Ibinalik ko ang mga mata sa babaeng nasa aking harapan.

"Mama.." Akma na itong lilingon sakaniyang likuran ng mahigpit kong hinawakan ang braso ni Gen, kaagad naman itong lumingon saakin, maliit akong ngumiti at itinuro ang kastilyo.

"Malalamigan ka, Mama. Pumasok na tayo sa loob ng iyong palasyo." Sinulyapan ko si Prometheus.

"Mahal na reyna." Tuluyan kong hinila palayo si Gen papasok ng kastilyo, mahigpit na pumalibot ang braso nito saakin habang patuloy ang lakad namin palapit sa kastilyo.

"Mystica.." Marahan akong lumingon dito.

Hindi na nakakapagtakang hindi nito alam ang ngalan ko, palagay ko'y maging sila Prometheus ay ganoon din, hindi alam kung sino ako. Hindi batid ang pagkakaiba ko sa babaeng iyon.

This woman can't even recognize her own daughter, I felt sorry for Mystica.

"I am glad you are back, hindi mo alam kung gaano kasaya si Mama na makita ka. Buong akala ko ay iniwan mo na ako.." So she didn't know her daughter already died?

"Kistal and Gade are already dead, ang mga utusan ko ay nauna pang mamatay kaysa saiyo, mahihina." Hindi ako nakaimik, itinaas nito ang kanang kamay at malakas na pumarte ang malaking kahoy na gate.

"Utusan?" Tumango ito saakin at ngumiti, nang makapasok kami sa loob ay kaagad niyang pinitik sa ere ang kaniyang daliri dahilan para sumarado muli ang gate.

Kistal and Gade, their names doesn't sounds like a maid, their names are familiar. Ngunit tila hindi utusan lang ang titulo para sakanilang ngalan.

"Now I have a new maids, Surfeni and SInrace." Those names are familiar too.

What is this feeling?

Umikot ang mga mata ko sa paligid, mariin akong napalunok ng makita ang paligid. Pula ang inilalabas na liwanag ng apoy mula sa sulo, napalilibutan ng bungo ang sahig, may mga nakasabit din sa pader na tila ginawang palamuti. May nakita pa akong kakaibang libro na may itim na bungo sa harapan.

Marahan kong pinadausdos ang palad sa itaas ng libro, napahawak ako saaking labi ng mapansin ang iilang talsik ng dugo sa paligid.

"Isn't it beautiful, Mystica?" Unti-unting bumaling ang tingin ko kay Gen, natigilan ako ng makita ang kakaibang kislap sa mga mata nito, lihim akong lumunok ng makita ang nakakakilabot na ngisi sakaniyang labi.

"Yes, mother. The book is beautiful, I can't take my eyes off from that thing, can I have it?" Dahan-dahan ang naging pananalita ko. Lumawak ang ngisi nito sakaniyang labi, marahan niyang itinaas ang kaniyang kamay at hinaplos ang aking pisngi.

"Ofcourse, Mystica. What's mine is yours." Really?

Napangiti ako sa sinabi nito, I lick my lips as I wonder my eyes.

"What happened here, mother? It's so messy, and disgusting. Ano ba ang mga nangyari habang wala ako?" Ibinalik ko ang tingin dito.

Pumalibot ang braso nito saaking braso saka ako hinatak papunta sa kung saan.

"Mystica, anak. You like messy and bloody castle, didn't you? You told me about it." What? The hell!?! This kind of castle made me sick, Mystica like this things? Really?

Lumunok ako habang nadarama ang pagbaliktad ng aking sikmura.

"When did I say that, mother? Hindi ko na maalala.." Natigil ito sa paglalakad dahilan para mapatingin ako dito, tumiim ang titig nito saakin kasabay ng malakas na kalabog saaking dibdib. The whole place is reeking of blood, amoy na amoy sa hangin ang malansang amoy nito. Unti-unting sumilay ang ngisi sa labi nito.

MythosWo Geschichten leben. Entdecke jetzt