Chapter 22. Twirled

12 0 0
                                    

Nakapangalumbaba ako habang nakatingin sa labas, a big carriage is taking us to nowhere, sumasakit na ang balakang at pwetan ko sa kakaupo. Hindi ko alam kung ilang oras na kaming naririto, basta ang alam ko lang, gusto ko ng matapos ito.

"Ilang oras na ba tayong naririto, Verchiel?" I felt comfortable with her, kaya siya lamang ang kinakausap ko, ofcourse Craig too. Kaya lamang ay mas malapit si Verchiel saakin kaysa kay Craig.

"We've been travelling for five days." Marahas akong napalingon dito.

"Five days?" Nanlalaki ang mga matang saad ko, humigpit ang hawak ko saaking pana ng madama ang pagtingin ng iba saakin. Ngumiti saakin si Verchiel at hinawakan ang aking kamay.

"Mabilis talaga ang oras sa lugar na ito, at mabilis din ang patakbo ng karwahe kung kaya't hindi pansin. And you slept for three times, I think you should sleep more, Tulisa. Nang sa gayun ay pagdating natin sa Halishian ay mayroon kang sapat na lakas upang magawa ang plano natin." Bahagya lamang akong tumango dito saka inilingon ang mga mata sa labas.

Muli akong nangalumbaba at tumingin sa labas, I felt his stares, it creeps onto my skin. Kung tumingin ang lalaking ito ay tila nakikita niya na ang kaluluwa ko.

"Sweetheart.." Tuwid akong napaupo at pinilit na hindi lumingon, no way.

Ang tanging makikita lamang sa labas ay ang tila mga linya na paiba-iba ng kulay, noong una ay nakakamangha. Ngunit habang patagal ng patagal ay hindi na nakakatuwa, sumasakit na ang katawan ko at gusto ko ng tumayo, at nagsawa na ako sa nakikita ko.

"Tulisa, do you still have a question about our plan?" Gulat akong napalingon saaking tabi, napakurap ako at kaagad na kumunot ang noo.

"Paano ka napunta dyan?" Mabilis kong inilibot ang tingin sa paligid, Verchiel is now sitting beside with Eowyn, sa tabi ni Jahara at Phyre. Napakamot ako saaking noo, I know, magic.

"Wala naman akong tanong, I completely understand what you've said." Hindi ko alam ngunit tila nanlaki ang mga tenga ng mga nilalang na kasama namin sa loob ng karwahe, mariin kong inilapat ang aking mga labi.

"Then, are you hungry?" Marahan akong umiling ng hindi nililingon ang aking paningin.

"Nope, but my whole body is aching, ilang araw pa ba ang hihintayin ko bago ako makaalis dito?" Formal, civil, though my heart is still aching with pain. I need to do this first before anything else, saka na ako luluha ng dugo pagkatapos kong makalayo sa mga nilalang ito.

Nilingon ko ito ng hindi siya sumagot, kaagad akong napaatras ng makita kung gaano kalapit ang mukha nito saakin. Gulat akong tumalikod dito at nangalumbaba.

"Malapit na, Tulisa.." Kinagat ko ang ibabang labi, I know what he means, and yet, tila may iba pang iparating ang kaniyang mga salita. Napahaplos ako saaking braso ng makadama ng kilabot at panlalamig, kasabay ng malakas na pintig ng aking puso ang pagsasalita ni Milryz.

"Nandito na tayo." Napalunok ako at wala sa sariling dumukwang upang makita ang palasyo, nagtayuan ang mga balahibo ko ng makita ang halos guguho ng palasyo na siyang napapalibutan ng itim na halaman.

"I have a bad feeling with this castle." Gulat akong napaigtad ng isang mainit na palad ang humawak saaking kamay, napalingon ako kay Kaizie na ngumiti saakin. Tuwid akong napaupo ng pumalibot ang braso ni Prometheus saaking bewang.

"We will be here for you." Nginitian ko si Kaizie at pinisil ang kaniyang kamay.

I cried while I am taking a bath, when they are still in my room. Ngunit hindi iyon sapat ang oras na iyon upang mailabas ko lahat ng sakit na nadarama ko saaking dibdib, hindi sapat ang minuto upang mailuha ko lahat ng kirot at bigat saaking dibdib.

MythosWhere stories live. Discover now