"Third Person's POV"
"Nararamdaman ko na, nalalapit na.." Humampas ang malakas na hangin, kapwa nagulat ang dalawa ng maglaho ang dalawang bolang apoy.
"Hindi.. hindi dapat naglaho.." Nilingon ng babaeng nakaitim ang isa pang babae.
"Kapag nagpatuloy ito, mas lalo lamang mararamdaman ng kalaban ang presensya nila, kung mas lalo silang lalakas, nasisiguro kong mas dadami ang kikilos upang kunin sila. Lalo pa at ngayon ay may kumokontrol sa isa sakanila, paniguradong mas mahihirapan silang itago ang kanilang kapangyarihan at mas nakakatakot at hindi nila ito kaya pang kontrolin."
"Kung gayun ay ano dapat ang ating gawin?" Ibinalik nito ang tingin sakanyang harapan.
"Hindi dapat sila magkita, kailangan natin silang paghiwa-hiwalayin.."
"Jahara's POV"
"Ano ba iyan, dapat nag-suspend na lang sila." Inis na saad ni Kaye habang pinapagpagan ang kanyang basing damit.
Kapwa na kami naliligo sa ulan dahil hindi pa nagbubukas ang gate ng eskwelahan, nakakapagtaka nga at walang katao-tao sa loob pero hindi naman nag-anunsyo na walang pasok. Isa pa ay nakakapagtaka rin na wala ang mga guard sa labas, tanging purong mga estudyante lamang ang nakapaligid sa magkabilaang gate.
Napayakap ako saaking braso ng dumaan ang malakas at napakalamig na hangin. Kanina pa naghihiyawan ang mga kalalakihan sa likod, panay ang reklamo at kung ano-ano pa.
Hindi ko rin naman masilip ang loob sapagkat dagsa ang mga estudyante saaking harapan, malabo na rin ang paligid dahil s amalakas na ulan. Hindi na magkamayaw ang mga tao kung paano patutuyuin at iilag ang kanilang bag at uniporme upang hindi mabasa. Maging ako ay natutulak pa ng ilang kababaihan sa likod dahil sa paghaharutan.
"Nako Ate, naligo na tayo sa ulan at lahat, hindi pa rin sila nagpapapasok." Mahigpit ko na lamang niyakap ang basing-basa kong bag habang nadarama ang malamig na hangin saaking balat, pati ang buhok ko ay basa na rin, nadarama ko na ang pananakit ng ulo at lalamunan ko. Nahihilo na rin ako dahil sa basang buhok.
Naghiyawan at nagkagulo ang mga estudyante ng makita ang isang guard palapit sa gate.
"Suspend na po ang klase, pasensya na." Kanya-kanya ng pasaring at reklamo ang mga kabataan, habang ako ay iniinda ang pagkahilo at pananakit ng ulo.
Napatayo ako ng tuwid ng maalala ang aking buhok, mabilis akong dumukot ng salamin sa bag at tiningnan ang aking mata.
Kasabay ng pagkurap ko ang pagningas ng ginto saaking mga mata. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang unti-unting pagkalat ng kulay ginto saaking buhok.
Mabilis kong hinubad ang suot na blouse at ipinandong saaking ulo, may suot naman akong puting t-shirt sa loob ng aking blouse, kaya ayos lamang. Ang problema ko ay ang aking mga mata, paano ko ito tatakpan?
"Ah, Kaye. Uuwi na ako, mauna na ako kasi wala sila Mama. Nasa palengke."
Hindi ko na hinintay ang sagot nito, bagkos ay naglakad na ako paalis at iniwan siya doon. Kahit pa basing-basa ang buhok ko ay mahigpit ko itong ipinusod, kahit pa nahihilo ako sa higpit nito. Isinaklob ko ang aking blouse saaking buhok sa likod hanggang sa ibabaw ng aking mga mata, saka ako mas lalong dumikit sa payong na nasa aking likuran.
Dati rati naman ay nagbabago lamang ang kulay ng buhok at mga mata ko sa'twing kakagat ang dilim, ngunit hindi ko malaman kung bakit pati ngayong makulimlim lamang ay nagbago ang kulay nito.
Binilisan ko ang aking lakad at kaagad na nagkandado ng pinto ng makarating ako sa bahay.
Bumaling ang tingin saakin ni Mama na nagluluto sa kusina. Sa hindi malamang dahilan ay nangilid ang aking mga luha, mabilis kong tinanggal ang blouse saaking ulo at ibinaba ang bag sa pinakamalapit na upuan. Kita ko ang panlalaki ng mata ni Mama habang nakatitig saakin.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Mythos
FantasiaWhen the darkness started to creep.. And when the light wipe my tears.. Covers are not mine. Credits to the rightful owner.