Chapter 17. Twirled

19 0 0
                                    

"W-who are you?" Dahan-dahan itong lumingon saakin, kasabay ng pagkurap ng aking mga mata ang pagkawala nito saaking harapan.

Umawang ang aking labi at malakas na napasinghap, nanlalamig na inilibot ko ang tingin sa paligid. Lumunok ako at malakas na kumabog ang dibdib ng isa-isang sumindi ang mga lampara na nakadikit sa pader.

Kaagad akong natigilan ng mapatingin ako saaking likuran, nakatayo ito sa gitna ng pasilyo, umawang ang labi nito kasabay ng malakas na kabog ng aking dibdib, umaalingawngaw saaking tenga ang malakas na pintig nito dahilan upang hindi ko maunawaan ang kaniyang sinabi. Bumuka ang kaniyang bibig at pilit ko na lamang binasa ang galaw nito.

Malakas akong suminghap ng bago pa man mamatay ang ilaw sa lampara ay nasilayan ko ang isang itim na bulto sakaniyang likuran. Umangat ang kamay ko at akmang tatakbo palapit ng tuluyang sumindi ang lahat ng ilaw sa pasilyo.

"Lyrica!" Isang pitik saaking ugat sa ulo ang nakapagpatigil saakin, pumintig ng malakas ang aking ulo dahilan para manigas ako saaking kinatatayuan, nagliliwanag muli ang mahaba at tuwid nitong buhok, ang mata niyang hugis kidlat ay muling kumislap.

Nanginig ang aking mga tuhod ng makita ang dahan-dahan nitong paglingon saakin, this kid is something. Her white and smooth skin is shining everytime the light from the lamp will touch it, her beauty is mesmerizing, she remind me of someone.

"So you knew her true name?" Nawala ang kirot saaking ulo kung kaya't mabilis akong nakalingon saaking likuran.

Kaagad akong napaatras ng makita ang kabuuan nito, she's too beautiful to be called a human. Ang mga mata nito ay nakalingon sa batang babae, marahan ko namang sinundan ang tinitingnan nito.

"She is not a daughter of Meloe and Phyre, and she will never be. They took care of her while her mother is nowhere to be found, but I guess. She already found her." Lumunok ako at bahagyang lumayo pa dito, her presence is intimidating, who is this woman? Paano sila napunta dito? Come to think of it, we are still inside the mansion, this is my property. Now what is she doing here?

"She already bid her goodbye to us, at ikaw na lang ang kulang." Kumunot ang noo ko, mariin akong napapikit ng madama ang kirot saaking ulo, nanginginig ang mga kamay ko ng ilagay ko ito saaking noo.

"Why does she need to bid her goodbye to me?" Napadilat ako ng tapikin nito ang aking balikat.

"You say her name." Marahas akong napalingon sa bata ng madinig ang malakas na pagsabog, kaagad kong naiharang ang dalawang braso saaking harapan ng tumalsik ang ilang parte ng pader at humarang ang makapal na usok saaking harapan. Dumiin ang pagkakaapak ko sa sahig ng isang malakas na pwersa ang nagtulak saamin palayo.

"Mystica.." Gulat na umangat ang aking tingin sa harapan, awang ang labi ko ng muling kumabog ng malakas ang aking dibdib, lumala ang kirot saaking ulo dahilan para mapangiwi ako.

"Tulisa!!" Napamulagat ako ng madinig ang tinig ni Prometheus, muli kong nadinig ang umaalingawngaw na tunog ng aking music box. Bumalik ang tingin ko sa harapan, naroroon pa rin ang babae.

"Tulisa!!" Nilagpasan ko ito at mabilis na tumakbo palayo.

"Wait!!" Hindi na ako lumingon pa kahit dinig ko dalawa na silang tumatawag saaking pangalan.

No, no this is not true. Pero paano nasira ang pader ng mansyon?

Kaagad akong natigilan at awang ang labing napahawak sa bibig saka nilingon ang aking likuran, natulala ako ng ilang minuto ng makita ang tumatakbo palapit na si Prometheus. Aligaga kong hinarap ang direksyon kasalungat nito saka muling tumakbo.

Lagot ako nito kay Lola!! Shit, Tulisa!!! Anong sasabihin ko nito!? Paniguradong paparusahan na naman ako ni Lola oras na malaman niyang may nasira sa mansyon. Alam ko namang kahit ang lalaking iyon ang sisihin ko, hindi naman ito maniniwala saakin.

MythosWhere stories live. Discover now