Chapter 8. Mythos

51 4 0
                                    

"This will be your room. Just beside mine." I looked at Seppy while she instructed everything inside the room.

"So just knocked on my door if you need anything or your need answers to your questions." Lumingon ito saakin saka ngumiti.

"Kailan ako magsisimulang pumasok?" Mas lalong lumaki ang ngiti sa mukha nito.

"Bukas. Halika na, kumain na tayo, late na tayo sa dining hall." Kinaladkad ako nito palabas ng dorm saka kami tumakbo papasok ng dining hall.

"Maiintindihan naman ng principal." Kapwa kami ng natigilan ng itulak nito pabukas ang pinto at mapatingin saamin ang lahat ng nasa dining hall.

Napakurap ako ng makita kung gaano karami ang taong naroroon.

"Let's go." Bulong nito saka ako hinila papunta sa counter. Umugong ang mga bulong-bulungan, ngunit ng ihampas ng isang babae ang kanyang kamay sa lamesa ay natahimik kaagad ang lahat.

"That's Tara, ang anak ng Principal." Napalingon ako kay Seppy at inabot ang nakalahad na pagkain saaking harapan.

"She is glaring at me, aren't she?" I heard her laugh and tap my shoulders.

"Masanay ka na, ganyan talaga iyan. Inis sa bagong salta." Yeah, we are a prisoner here, inside this academy.

Kapwa umikot ang mga mata namin ng makakuha na ng pagkain, naghahanap ng mauupuan, sa di kalayuan ay nakita kong kumaway si Crill ngunit kaagad ding natigilan ng mapasulyap saakin. Bago tumalikod ay nagawa pa ako nitong irapan. Nasa gitnang unahan ang kanilang lamesa, at tanging tatlong upuan lamang ang naroroon na kulay pula at nasisiguro kong nababalutan ng malambot na unan. Maging ang kanilang lamesa ay nababalutan ng ginto.

"Doon, doon tayo." Nagpadala lamang ako dito ng hilahin niya ako kung saan.

"Dito na lang tayo." Sakto lamang ang pagitan na natira saaming dalawa. Nang biglang magsalita ang isang babae.

"Sovereign Seppy, pasensya na po pero may nauna riyan sa upuan ninyo." Kaagad naman itong ngumiti saka tumayo.

"Okay, doon lang muna ako kila Promotheus, Mystica. Puntahan na lang kita pagkatapos kumain."

Tahimik akong tumango dito saka nagsimulang kumain, kaagad din naman itong umalis. Namayani ang katahimikan sa paligid, ilang sandali lamang ay may tumabi saakin.

"A newbie, right?" Marahan ko itong nilingon saka tinanguan, muli kong ibinalik ang tingin sa aking pagkain.

"Siguro naman ay nalaman mo na mula kay Seppy na ako ang anak ng Principal? At alam mo ba kung paano namin sinasalubong ang mga baguhan dito?" Napakuyom ang aking kamao ng makadama ng basa saaking ulo. Napuno ng singhapan ang paligid, maging ang pag-atras ng upuan ay umalingawngaw sa buong dining hall.

Tiningala ko ito.

"You hate newcomers? Yet you can't stop your parent from bringing students here." Kita ko ang pagtangis ng bagang nito.

"Bakit hindi mo banggitin sakanila? Kasalanan ba namin na nakarating kami dito dahil sa pamimilit niya? Do you have a brain, lady? I didn't do anything to you, yet you have the guts to do bad things at me."

"You--!!" Mabilis kong sinapo kamay nito saka siya bahagyang itinulak sa kanyang tyan gamit ang aking libreng kamay, maging ako ay nagulat ng tumalsik ito sa pader.

Did I use too much force? Bakit umabot siya hanggang doon?

Napalunok ako ng tumama ito sa pader at magkaroon ito ng bitak. Umawang ang labi ko habang nakatitig dito, tulala ako habang pinanonood ang pagtulong ng Sovereigns na makatayo ito.

MythosWhere stories live. Discover now