Chapter 25. Twirled

25 2 0
                                    

Gulat akong napalayo dito, dinig ko ang singhap mula kila Kyzyll, napalunok ako habang malakas ang kabog ng aking dibdib. Umaabot saaking lalamunan ang malakas na pintig ng aking puso, hinaharangan ang daluyan ng aking hangin. Did I misheard it? Nagkamali ba ako ng dinig o nagkamali siya ng salitang binanggit? That cannot be!!

Kumunot naman ang noo ni Gen habang ako ay tulala lamang nakatingin sakaniya.

"Bakit? Mystica, anak, may problema ba?" Hindi ko maalis ang tingin dito at unti-unting napasandal sa upuan. Ngumiti ito saakin habang ako ay patuloy sa paglunok, inilapat muli nito ang palad saaking pisngi.

"Oh, I understand. You are shocked of what I've said, Mama understand. Naiintindihan ko ang reaksyon mo, Mystica. You were killed while fighting for the antidote, binigay ka saakin ni Surfeni na bangkay na lamang, kaya gumawa kami ng paraan na tatlo, we use the antidote for the curse to you. Para lamang mabuhay ka anak, at para mabuhay pa ako."

Ibinaba nito ang kaniyang kamay saaking mga kamay saka iyon pinisil.

"Anak, pagalingin mo na si Mama.." Marahan kong nailayo ang aking mga kamay mula dito at dahan-dahang napalingon saaking harapan. Maging sila ay tulala at hindi makaimik, hindi maalis ang tingin nila saakin. Hindi ko na tiningnan pa si Prometheus, ayokong malaman ang kaniyang reaksyon.

Bumuntong-hininga ako.

This crown can hypnotize, I know she's the one who made this, but to whom? Sino nga ba ang unang pinaggamitan ng koronang ito?

"Your crown, it was wore by the King before I gave it to you." Tuluyan akong nawalan ng pakiramdam, how cruel this woman can be? Is this how one sided love goes? She's going crazy for her love to the King.

"Pagalingin mo na ako, anak." Itinaas ko ang aking kaliwang kamay.

"Na saan ang kopita?" Sumilay ang ngisi sa labi ni Gen, pumitik ito sa ere, kaagad namang lumapit ang isa sa mga utusan nito.

"Salamat, Sinrace." Tumungo lamang ito at inabot saaking kamay ang kopita, may laman na din itong kulay pulang inumin sa loob. Inabot saakin ni Gen ang isang kutsilyo. Inilapag ko ang kopita sa lamesa na siyang nasa aking kanan at kaagad na tinapat ang aking daliri, itinapat ko saaking daliri ang kutsilyo at daha-dahang hiniwa ang aking sarili.

Hindi na naka-angal pa sila Meloe dahil sa gulat, sa gilid ng aking mga mata ay kitang-kita ko ang kakaibang kislap sa mga mata ni Gen, siyang-siya sa nakikita.

Matapos pumatak ng aking dugo ay kaagad ko itong inilayo, tumayo ako dahilan ng pagtingin saakin ni Gen.

"What is it, Mystica?" Ipinakita ko dito ang nagdurugo kong daliri.

"I will treat this wound first, sayang naman ang tumutulong dugo ko sa sahig." Tumango naman ito saakin, lumakad ako palayo dito. Huminto ako hindi kalayuan at nilingon siya, kasalukuyan na nitong iniinom ang laman ng kopita.

~Be a poison that can kill,

Be the death of him,

Kill her slowly and softly,

Kill the monster, kill my mother~

Marahan kong inangat ang sugatang daliri saaking labi at kaagad na sinipsip ang dugo doon, dumiin ang hawak ko sa kutsilyo ng ibaba na nito ang hawak na kopita.

Now I know the truth, finally.

Mystica is the past, and me is the present, and I will become the future. Mystica is already dead, the princess of Halishian, the daughter of the King and Queen. And Tulisa is Gen's daughter, because she revive her, muli niya akong binigyang buhay. Mystica is the one who thrown at the ocean and drink the blood of the Goddess. And also, because of the antidote to the curse that was put inside her body because of Gen. My blood become like this.

MythosWhere stories live. Discover now