Chapter 11. Mythos

81 5 4
                                    

Mystica..

Kumunot ang noo ko ng makaaninag ng liwanag di kalayuan saaking kinatatayuan

Mystica..

Someone is calling me.

Mystica..

Marahan akong lumakad palapit dito, sinusundan ang bawat paggalaw ng liwanag na iyon.

Mystica..

Habang marahan akong lumakad palapit dito ay palakas ng palakas ang kanyang tinig, hindi ko mapigilang kilabutan habang dahan-dahan kong nakikita ang hangganan ng aking nilalakaran.

Mystica..

Hindi ko mabatid, ngunit may kakaiba sakanyang tinig na pilit akong hinihila palapit dito, may hindi maipaliwanag na emosyon ang aking nadarama habang nakikita ko ang bulto ng isang babae na may hawak na lampara. Nakatalikod ito at tila ba may hinihintay lumapit.

Siya ba ang tumatawag saakin?

Mystica..

Ngunit papaano niya nalaman ang aking pangalan? Sino ba ang babaeng ito?

Marahan akong napalunok habang papalapit ako ng papalapit sakanyang kinatatayuan, ilang hakbang na lamang ay sigurado akong masisilayan ko na ang kaniyang mukha, ang kanyang itsura.

Mystica..

Bakit niya ako kilala?

"S-sino ka?" Ang lamparang hawak nito na siyang nagbibigay ng liwanag saaking paligid, ay unti-unting namamatayan ng apoy.

"S-sandali!"

Mystica..

"Sandali lamang!!" B-bakit ganun? Bakit unti-unti na lamang itong naglalaho? Tila ako sinasakal habang nakikita itong dahan-dahang lumilingon saakin.

Mystica..

Akmang tatakbo na ako ng madama ang bigat ng suot kong damit, dali-dali ko itong binuhat saka kagat-labing tumakbo palapit dito.

Mystica..

"S-sandali!!" Binilisan ko ang aking pagtakbo habang unti-unti nang namamatay ang ilaw mula sa lamparang hawak nito.

"Sandali!" Kasabay ng tuluyang pagkamatay ng apoy ang pagharap nito saakin.

Mystica..

"Mystica!!!" Mabilis akong napabalikwas ng bangon, dama ko ang tagaktak ng aking pawis at ang malalim kong paghinga, isang panaginip, isang masamang panaginip.

"A-ayos ka lang ba?" Napalingon ako kay Verchiel na puno ng pag-aalala ang mga mata, nasapo ko ang aking noo habang panay ang taas baba ng aking dibdib, pilit na hinahabol ang sariling hininga.

Lumunok ako habang pilit na pinapakalma ang aking sarili, pinunasan ko ang pawisang noo habang panay ang hawi saaking buhok.

Ang init, sobrang init. Hindi ko batid, bakit ganito ang aking nadarama, bakit tila mas tumindi ang init ngayon?

Tiningala ko ito.

"A-ano ba ang nangyari?" Huminga ito ng malalim saka umupo sa tabi ng kama.

"Bigla ka na lamang nawalan ng malay ng matapos magsalita ang pinuno ng tribo." Napakurap ako saka inilibot ang tingin sa paligid.

MythosWhere stories live. Discover now