Chapter 10. Mythos

64 4 0
                                    

"Mystica's POV"

"Ipinatawag ko kayong lahat dito upang salubungin ang ating mga panauhin, ilang daang taon na rin tayong hindi nabibisita ng mga taga-taas, at naparito kayong lahat upang bigyang pugay ang mga Dyosa sa ating harapan." Natigagal ako ng lahat sila ay humarap saamin at saka lumuhod at idinikit pa ang noo sa lupa.

Ang apoy sa gitnang bahagi ng lugar ay mas lalong lumakas at nag-sayaw sa hangin, hindi ko batid kung nasisiyahan rin ba siya saaming pagdating o sadyang may iba siyang ibig ipahiwatig?

"H-hindi ako Dyosa." Saad namin, habang ang mga lalaki naman ay tahimik lamang na nagmamasid sa paligid. Hindi ba sila aapila sa narinig?

Ngumiti ang nagsalitang babae, tumayo ito at pinagsiklop ang kanyang mga kamay, marahan itong lumakad palapit saamin habang may hindi maipaliwanag na ngiti.

"May nais akong ipakita sainyo, mga binibini. Igawad ang tingin sa nagsasayaw na apoy, huwag kumurap upang hindi masalisi. Tandaan niyo, sa sandaling ibaling ninyo ang tingin, mawawala ang inyong ninanais." Tumabi ito kay Kaizie na tahimik lamang na nakamasid sa pinuno.

"Batid kong nais ninyo ng kasagutan, at ang nais namin ay kalayaan. Tanging kayo lamang ang maaaring makatulong saamin sa pagkamit ng aming mithiin." Humarap ito sa apoy katulad namin.

"At sila, sila ang mga immortal na nais lamang ay kapayapaan, ito ang naging ganti saamin matapos naming protektahan ang palasyo at hadlangan si Kistal." Bumaba ang tingin ko sa mga immortal na hindi pa rin umaalis sakanilang pagkakaluhod.

"Kistal? Ang babaeng kumuha saamin?" Bumaling ang tingin namin kay Reneisse na nakakunot ang noo.

"Kung gayun ay kumilos na pala siya, sinasabi ko na nga ba. Walang pinalalagpas na pagkakataon ang ganid na iyon." Mas lalong humigpit ang siklop ng kanyang mga kamay.

"Maaari niyo na ho ba silang patayuin?" Ibinaling nito ang tingin saakin.

"Bakit? Hindi ka ba nasisiyahan dahil lumuluhod sila sa harap ninyo?" Mabilis akong umiling.

"Kailanman ay hindi ko hinangad na maluhudan ng mga immortal." Kunot ang noo na saad ni Kyzyll.

"Ako lamang ang luluhod sakanya." Siniko nito si Asger.

Napangiti ang babae.

"Kung gayun ay nahanap niyo na pala ang inyong mga kapareha." Kumunot ang noo ko.

"A-ano hong kapareha?"

Hindi ito sumagot, bagkos ay iniyuko niya ang kanyang ulo saaming harapan.

"Ikinagagalak ko kayong makitang muli, Dyosa." Nilingon nito ang apoy saaming harapan.

~Halina't tuklasin,

Ang dilim sa gitna ng liwanag,

Ang pighati ng isa't-isa,

Ang pagtangis ng aking kaluluwa.

Batidin mo ang sumamo,

Harapin mo ang takot,

Hanapin ang sagot,

Bigkasin ang mo ang mahiwagang kahapon.

Ibig kong ako'y dalhin,

Sa hampas ng hangin,

Tanglawin ang nilimot,

Damhin ang hilagpos~

MythosWhere stories live. Discover now