Chapter 7. Mythos

48 3 0
                                    

"Mystica's POV"

"Goodmorning, sleeping beauty. Akala ko hindi ka na gigising pa." Bumaling ang tingin ko sa kaliwa, namataan ko doon ang pamilyar na lalaki. Nakasandal ito sa bedside table habang nakapamulsa, ang isang paa nito ay nakatapak sa gilid ng kinahihigaan kong kama.

"Tsk. Kung hindi ka naman isa't kalahating tanga, at sinabi na lang ang nakita mo, hindi ka mararatay sa higaang iyan. Idiot." Inis na bumangon ako

"What did you say?"

Napailing-iling ito saka sumulyap sa bintana.

"Bingi ka rin pala, kung bakit ba kasi ako pa ang pinagbantay sa'yo." Kumunot ang noo ko ng muling masilaw sa suot niyang hikaw.

"Na saan ako?" Palihim akong napasinghap ng lumingon ito saakin, shit this effect.

"Wala ka sana rito kung sinabi mo lang ang nakita mo." Tumayo ako saka naglakad palapit sa isang pinto.

"I won't tell anything." Mabilis akong pumasok sa banyo saka isinara ang pinto.

Napasok nga ba ang utak ko o talagang nagkita kami ng misteryosong lalaking iyon? Marahan kong tinitigan ang aking sarili sa harap ng salamin, yumuko ako saka binuksan ang faucet, I started to wash my face. Nang matapos ay tumindig ako saka pinunasan ang aking mukha, natigilan ako ng may makita sa salamin, isang pigura ng ahas na kulay puti, isang simbolismo. Gulat akong napalingon dito.

Nagtindigan ang mga balahibo ko sa batok ng muling marinig ang sipol na nadinig ko sa itaas ng puno. Pero nasa eskwelahan ba ako?

Marahan akong naglakad palapit sa pinto, dahan-dahan ko itong binuksan saka sinilip ang loob ng silid. Now he is facing the opened window, is he the one who's whistling?

Akmang lalabas na ako ng banyo ng lumingon ito saakin, nagtama ang aming mga paningin. Nadama kong muli ang init at lamig mula sakanyang mga mata. Para bang nakita ko na ang kanyang mga mata noon, ngunit saan?

Napakurap ako ng mag-iwas ito ng tingin.

"Nasa eskwelahan pa ba ako?"

"Oo, ngunit hindi sa dati mong paaralan." He faced me and walked towards my direction.

"Welcome to the Fief Academy, Mystica Drinjecka." He whisphered at my ears and walk pass by me.

Mabilis ko siyang hinawakan sa braso.

"I didn't agree on this, I didn't even have a chance to pick on to what school I am going. Ni hindi ko nga nasagutan ang huling palaro, at may isang linggo pa kayong pananatili sa eskwelahan ko. Papaanong dinala niyo ako dito ng walang pasabi? Without even my consent!?" Napalunok ako ng hilahin nito ang aking kamay na nakahawak sa kanyang braso, he pulled me towards him until his face is just an inch from me.

"The our, Sovereigns didn't know that our Principal brought you here, nalaman na lang namin ng pabantayan ka niya saakin. Don't blame us, stupid. Because we also don't know." Napadaing ako ng pitikin nito aking noo.

"Idiot." Inis na pinakli ko ang kamay nito.

"Sumosobra ka na!" Hinigit ko ang kwelyo nito saka akma siyang gagantihan ng bumukas ang pinto, kapwa kami napalingon dito. Napakurap ako ng suyudin ng tingin ng dalawang babae ang tindig ko. Tumikhim ito bago ako binigyan ng isang pilit na ngiti.

"Mystica Drinjecka, kami ang natalaga upang banggitin saiyo ang mga patakaran na dapat sundin at ang mga bagay na ipinagbabawal na gawin, kami rin ang naitalagang maglibot saiyo ng paaralan na ito. Siya si Crill Santana." Itinuro nito ang katabing babae na may pilit na ngiti.

"At ako naman si Seppy Romero." She pointed her fingers at the man beside me.

"And he is Prometheus Greesh." Ngumiti ito ng malaki saakin saka itinulak papasok si Crill.

MythosWhere stories live. Discover now