Chapter 21. Twirled

11 0 0
                                    

Namungay ang aking mga mata at tuluyang napatingin sa buwan, napakurap ako. I need to sleep, a rest. This day is making me insane, I need to get back inside.

Marahan akong napahawak saaking mga braso ng dumampi ang malamig na hangin saaking balat, kinagat ko ang ibabang labi at nakayukong naglakad papasok ng mansyon. I will never tell Lola and ate about this, they might freak out and will be end up leaving this mansion, and I don't want that to happen. Because this mansion came from the ancestors of Lolo.

Kaagad akong natigil sa paglalakad ng isang bulto ang humarang saakin, marahang umangat ang aking paningin dito. Makailang ulit akong napakurap ng makita kung sino ito.

"Derone.. I thought you already leave?" Kimi lamang itong ngumiti saakin saka inilahad ang kaniyang kamay.

"Let's go inside." Tumango ako dito ng hindi inaalis ang tingin sakaniyang mga mata, marahan ako nitong hinila papasok sa loob ng mansyon.

"Wala na tayong oras, Tulisa. You need to know, everything." Kumunot ang aking noo, lumingon ito saakin at ibinaba ang tingin sa hawak ko.

"So that is how you defeat that monster?' Iniwas ko ang tingin dito saka binawi ang aking kamay, mabilis din naman niya iyong pinakawalan.

"Now you know how precious your blood is? It can heal, extend a lifespan and also can kill." Marahan lamang akong lumakad palayo dito. Pinaglaruan ko saaking kamay ang pana.

"Iyon ba ang kailangan niyo saakin? Ang dugo ko?" Natigil ito sa paglalakad dahilan din ng pagtigil ko, marahan niya akong nilingon, malikot ang mga mata nito. At panay ang buka ng bibig, tila may nais sabihin na hindi magawang mabanggit.

"Sort of.." Tumaas ang kilay ko, ipinilig nito ang kaniyang ulo at hinawakan ako sa pala-pulsuhan bago ako hinila at mabilis kaming lumakad papunta sa isa sa mga silid sa ibaba ng mansyon.

Binuksan nito ang isang pinto at doon ko namataan silang lahat, kumunot ang noo ko ng mailibot ang tingin sa paligid.

"Bakit amoy dugo?" Napatingin silang lahat saakin bago nagkatinginan at muling ibinalik ang tingin saakin.

"Tulisa.."

"I thought you already leave?" Humakbang ako ng isa upang tuluyang makapasok saka sinarado ni Derone ang pinto, mabilis ako nitong nilagpasan at umupo sa tabi ni Kaizie na ngumiti lamang saakin.

"We won't leave, Tulisa. Nang hindi ka kasama." Kumunot ang noo ko.

"What do you mean? Hindi ba at dugo ko lang naman ang kailangan ninyo? Bakit kailangan kasama ako?" Napatuwid sila ng tayo at kaagad na napakurap, matalas ang mga matang sinulyapan nila si Derone.

"What did you told her you idiot!" Bulong ni Klowber ngunit tila sisigaw na sa galit.

"Tulisa—" Napayuko ito at pinaglaruan ang mga daliri, naglumikot ang mga mata nito sa sahig at tila humahabi ng mga salita.

"I don't know how to say this.." Bahagyang tumagilid ang ulo ko, kipkip ang pana ay pinagsiklop ko ang aking mga braso. Marahas akong bumuntong-hininga dahilan upang mapatingin sila saakin.

"Can I take a rest?" Kasabay ng pagtango ni Jahara ang pandidilim ng aking paningin, nawalan ako ng balanse at tuluyan akong kinain ng dilim.

"Sweetheart.. sweetheart. Come home, come back to me.."

Who are you? What do you want from me?

A voice, noong nakaraan ay nakikita ko pa ang kaniyang bulto. Ngunit dahil sa kadiliman na nakapalibot sa paligid ay hindi ko magawa pang aninagin, wala akong makita.

MythosDove le storie prendono vita. Scoprilo ora