Chapter 20. Twirled

12 0 0
                                    

Mahigpit kong niyakap ang aking mga tuhod, mariin kong idiniin ang aking mukha sa pagitan ng mga ito. It's been hours since I left them in the dining hall, umalis na kaya sila? O talagang desidido silang sabihin saakin ang nais nila?

Bahagyang tumagilid ang aking ulo, ano naman ang pakielam mo, Tulisa?

Malalim akong bumuntong-hininga, hindi ko talaga nagustuhan ang nadinig ko kanina, who would like that kind of words? I never, ever got compared to anyone. Wala sa sarili akong napahawak saaking dibdib, lumunok ako kasabay ng malalim na pag-iisip.

Bakit nga ba ako nasaktan? Does it really this hurt when someone compared you?

Marahang umangat ang tingin ko saaking harapan, napalunok ako ng makadinig ng mga yabag, marahas akong napalingon saaking likuran ng malakas na kumalabog ang sinasandalan ko. Kaagad akong napatayo at napamulagat ng makita ito, gulat akong napaatras at natulala sa nakita.

The creature has a five eyes, four arms with six fingers and it's long and scary nails. It's eyes is blazing, and it is very tall. A hideous monster, how did it get in?

"Sweetheart.." Mariin akong napapikit, I really hate that endearment. Paano nito nagagawang sumayaw sa hangin at pumasok saaking tenga sa'twing nalalagay ako sa alanganin?

Sinuri ako nito ng tingin, matapos iyon ay unti-unti niyang ibinuka ang malaking bibig, lumitaw ang matatalas at mahahaba nitong ngipin. Malawak itong ngumiti dahilan para tila umabot ang dulo ng labi nito malapit sakaniyang mga mata. Naningkit ang mga mata ko at napalunok ng marahan itong lumakad palapit saakin.

"Damn you and your Sweetheart.." Sinulyapan ko ang aking kama saka dumulas ang tingin sa pintuan. Bumuntong-hininga ako, I can't believe that when I got into situation like this, I will not felt scared. Hindi ko akalaing hahantong ako sa ganitong klase ng sitwasyon, at ang mas hindi kapani-paniwala ay ang itsura ng nilalang na ito.

Umigting lalo ang paniniwala ko sa mahika, at sa halimaw. But the thing is, bakit nga ba hindi ako makadama ng takot? This creature here might end up devouring me, but I don't felt scared at all. What is happening, Tulisa?

Lumunok ako at marahang tumalikod, kasabay ng mabilis kong pagtakbo ang pagkabasag ng pinto ng balkonahe. Mabilis kong tinulak pabukas ang pintuan at tinakbo ang pasilyo, ngayon ko hiniling na sana ay gumalaw muli ang pasilyo at iligaw ang halimaw na iyon. Hindi dahil sa nakadarama ako ng takot sa halimaw na iyon, kung hindi dahil natatakot akong umabot ito sa may kusina.

I felt scared for them, all of a sudden, why is that? Bakit ba ako ganito? Kanina lamang ay galit pa ako sapagkat ikinumpara ako. But I don't want them to get hurt, hindi porket nasaktan ako ay kailangan ko na din manakit. They've hurt me, emotionally and now they will get hurt, physically.

No, I won't let that happen.

Dinig ko ang malakas na pagkawasak ng pinto ng aking silid, lumabas mula doon ang halimaw na tila nagliliyab na ang mga mata dahil sa gutom. Muli itong ngumiti dahilan para mapangiwi ako.

Disgusting.

I can't believe a hideous monster can enter our mansion, Craig told me that this mansion is alive. So why didn't it throw this monster out? Or maybe the mansion can't do it. Then every part of this mansion that will break is hurting this mansion.

Now I felt pity for this mansion, unbelievable, Tulisa.

Nilabas nito ang malaki niyang dila dahilan para mapaatras ako at tuluyang napatakip saaking bibig dahil sa pandidiri. Okay, I am not overreacting, it's just that. This monster is really look disgusting, in every move it makes.

Bahagya pang tumaas ang dalawa kong balikat sa pandidiri at kaunti na lamang ay kukuyom na ang kamao ko ng madilaan nito ang buong mukha niya at hanggang sakaniyang dibdib. Just ew, if ate will be here, mas malala pa ang magiging reaksyon nun panigurado. But I won't let that happen, hindi ko hahayaang makaharap niya ang halimaw na ito.

MythosWhere stories live. Discover now