Chapter 16. Twirled

21 1 0
                                        

Napaigtad ako ng madinig ang ritmo ng music box, na siyang nagmumula sa loob. Napalunok ako at mabilis na binaling ang tingin sa aking silid, umawang ang aking labi ng maalala kung saan nagmumula ang kanta. Sa drawer..

Lumunok ako at mabilis na lumakad papasok ng aking kwarto, marahan kong sinarado ang pinto ng balkonahe sa nanginginig na mga kamay. Hindi ko batid ngunit ako ay nasaktan, sa mga mata niya, sakaniyang mga tingin na iba ang dating saakin. Bakit ganoon siya kung tumititig?

Marahas kong pinunasan ang luhang nalalapit ng tumulo mula saaking mga mata, hindi ko kailanman naisip na luluha ako sa isang tingin lamang, kinandado ko ang pinto ng balkonahe at lumakad palapit sa drawer. Binuksan ko iyon at kaagad na pinihit ang likod ng music box.

Padabog ko iyong sinarado at kaagad na napaupo sa kama, nanghihina ako sa kaisipang bigla na lamang itong tumugtog mag-isa. Hindi ko mapigilang manginig habang ibinababa ang kumot mula saaking mga balikat, nanginginig ang katawan ko sa takot at sakit. Hindi ko na batid ang nangyayari saakin, bakit ganito na lamang ang nadarama ko?

Nanginginig ang mga kamay na napahawak ako saaking ulo at napayuko, may tao ba sa loob ng silid ko?

Malakas ang pintig ng aking puso, hindi ko mapigilang kilabutan habang pilit na inaalala ang mga kakaibang pangyayari sa silid at sa patyo ng mansyon. Bakit ba ito nangyayari saakin?

Panay ang takbo ko ngunit panay din ang habol saakin.

Kailangan ko na naman bang sumayaw at magbasa ng sa gayun ay mawala ito saaking isipan?

Unti-unti akong napahiga sa kama, namungay ang mga mata ko at tuluyang napapikit. Kasabay ng pagdaloy pababa ng aking luha sa pisngi ay ang siyang paghila ng kadiliman saakin.

"Mystica, bumalik ka na saakin.."

Kanino itong tinig? Sino ito? Sino ang nasa likod ng tinig na ito? Sino ang nananaghoy?

"Get back to me, Mystica. I need you.."

Marahan akong napadilat, napakamot ako saaking ulo ng madama ang init sa paligid. Napayuko ako at kaagad na hinilot ang nangalay na leeg at mga binti, hindi pa naman maayos ang pagkakahiga ko kagabi. Marahan akong nag-angat ng tingin.

Gulat akong napasandig sa pader saaking kama, malakas na dumagundong ang aking dibdib ng makita ang isang pigura ng babae. Hubog pa lamang ng katawan ay makikita ng babae ito, natatakpan ng puti kong kurtina ang kabuuan nito, ngunit dahil sa sinag ng buwan ay nasisilayan ko ang kahit pigura lamang nito.

Paano ito nakapunta sa balkonahe ko?

Makailang ulit akong napalunok at marahang humiga sa kama, nagtaklubong ako ng kumot at dahan-dahang humarap dito manipis lang ang kumot ko kaya naman kita ko pa rin ang labas. Umawang ang labi ng ilang minuto lamang ay isang pigura ng lalaki ang nakita kong naglalakad palapit sa babae.

Ilang ulit akong huminga ng malalim, pinikit ko na lamang ang aking mga mata at pinilit na matulog.

Saan nanggagaling ang hindi maipaliwanag na init? Hindi pa naman umaga, mataas pa ang sikat ng buwan sa kalangitan, nagniningning pa ang mga bituin sa kalangitan. Kung kaya't bakit may nadama akong init kanina?

Ingay ng sasakyan ang siyang nagpadilat saakin, mabilis akong napatayo at lumakad palapit sa balkonahe, marahan ko itong binuksan at nakaupong lumakad palapit sa railings.

"Bye Lola!!" Napayuko ako at mariing napapikit ng madinig ang tinig ni Ate Tanya, tuluyan niya talaga akong iiwan, hindi ko man lang siya nakausap, wala pa naman akong telepono dito upang tawagan siyan. Nasa ibaba pa iyon.

MythosDonde viven las historias. Descúbrelo ahora