"Mystica's POV"
"Drinjecka.." Napaigtad ako at napakurap.
Gulat akong lumingon dito.
"A-ah ano nga ulit iyon?" Kumunot naman ang noo nito.
"Sabi ko nandyan na ang mga representative ng iba't-ibang school." Lumakad ito palapit saakin saka ako malapitang sinipat.
"Ayos ka lang ba?" Lumunok ako saka tumango.
"O-oo." Alanganin kong sagot, napasinghap ako ng muli kong marinig ang sipol. Panay ang umpisa lamang na musika ng kanta ang kanyang ginagawa, tila ba hindi nais makarating sa liriko. Muli ay pumungay ang aking mga mata, lumakas ang hangin at natahimik ang aking kalooban, may kakaiba sa kanyang pagsipol, isang bagay na hindi ko mapangalanan at tila dinadala ako sa ibang dimensyon.
"Inaantok ka ba, Drinjecka? May masakit ba sa'yo? Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?" Marahan akong umiling dito ng makaramdam ng pagkahilo.
Hindi ko talaga batid, may hindi ako maipaliwanag na damdamin habang nadirinig ang kanyang pagsipol, animo'y isang mahika na siyang nakakapanghina saaking katawan.
Mahika?
Kaagad akong napamulagat, hindi man nawala ang pamimigat ng aking mga mata, ngunit batid kong nahimasmasan ako sa naisip.
"Mauna ka na, susunod na lamang ako."
"Pero--"
"Drinjecka!!" Natulos ako ng makita ang patalon-talon na si Gen na siyang papalapit saakin.
"Halika! halika! halika!! Magsisimula na yung game!!!" Saad nito saka ako malakas na hinila.
Natigilan ako ng mas lumakas ang kanyang sipol.
"Drinjecka, ayos ka lang?" Lumingon ako sa dalawa. Ngayon batid ko ng ako lamang ang nakaririnig sa sipol na iyon, ngunit bakit? Nasa itaas iyon ng puno, katabi lamang namin, bakit ako lamang ang nakadirinig?
"A-ayos lang ako, tara na?" Tiningala ko muna ang matayog na puno bago sila sinundan paalis.
Halos wala kaming madaanan ng makarating kami sa covert court ng eskwelahan, maging ang mga matataas na building na naharap sa court ay napuno ng mga estudyante, maski ang mga panghapong estudyante ay nagsipasok ng mga maaga para lamang makinuod.
"Tabi! Patabi po!! Excuse me, paadan po kami!!" Halos itulak na ni Gen ang lahat ng taong humaharang saaming daraanan, habang mas lalong humihigpit ang hawak niya saaking pulso.
Kapwa pa kami nakahinga ng maluwag ng makarating kami sa harapan, mariin kong pinunasan ang aking noo gamit ang likurang palad.
"So, paano sila mamimili ng mga estudyante kung ganyan karami ang sasali sa laro?" Lumingon ito saakin saka ngumiti.
"May 20 games naman every day, isa pa. Isang linggo sila dito, kaya makakasali tayong lahat." Kinunutan ko ito ng noo.
"Akala ko ba isa lang?" Humaba ang nguso nito saka ako binusangutan.
"Akala ko nga rin, nasabihan tuloy ako ng fake news kanina. Sabi ni Kuya pinadagdagan daw ng principal ang laro kaya ganyan."
"Gen, bawat classroom ay may maximum fifty students, sa bawat grading ay may twenty six classrooms, at apat ang graders na nasa school na ito, grade seven, eight, nine and ten. Kung pagsasama-samahin natin ang lahat ng estudyante sa bawat grading ay may one thousand three hundred na estudyante, kung isasama mo pa ang tatlong grading ay may three thousand nine hundred na estudyante dito sa paaralan. Kung hahatiin mo sa pitong araw ay may five hundred fifty-eight, at kung hahatiin mo sa twenty games ay magkakaroon ng twenty-eight participants, sa tingin mo makakikita nila lahat ng galaw ng bawat players?" Natigilan ako ng makitang lahat ng katabi ko ay nakatingin saakin, sumulyap ako kay Gen na ngayon ay bahagyang nakanganga at hindi makagalaw sa kinatatayuan.
YOU ARE READING
Mythos
FantasyWhen the darkness started to creep.. And when the light wipe my tears.. Covers are not mine. Credits to the rightful owner.