Chapter 4. Mythos

58 6 0
                                    

"Third Person POV"

"Sa tingin mo ba talaga ay mapaghihiwalay natin silang lahat mula sa isa't-isa?" Inikutan ng nakaitim na babae ang bolang apoy, huminto ito sa bandang likod saka tumingin sa isa pang babae.

"Bakit hindi? Maaari naman nating ibahin ang kanilang tadhana." Dumiin ang titig ng pangalawang babae.

"Oo nga at maaari natin itong baguhin, ngunit tandaan mong maaari ring magbago ang daang kanilang tatahakin, isa pa. Hindi mo mababago ang nakasulat sa propesiya, dahil sila lamang ang may kayang gumawa nito, maaaring hindi sila makapasok sa mundong ito, ngunit kaya nilang sirain ang hindi lamang iisang mundo, at kapag nangyari iyon, mawawalan ng saysay ang nakasaad sa libro. Magdudulot lamang ng isang malaking destruksyon ang nais mo." Tinitigan lamang ito ng pangalawang babae, saka muling pinagmasdan ang apoy habang naglalakad paikot dito. Sinubukan nitong idampi ang sariling daliri ngunit mabilis lamang na lumutang palayo ang bolang apoy.

"Kung ganoon ay ano ang nais mong gawin? Kung hindi natin sila maaaring iliko sa maling lugar, paano natin ililigaw ang mga kalaban?" Ngumisi ang nakaputing babae.

"Kuhanin natin sila, dalhin sa mundong ito."

"Ngunit hindi tayo maaaring magsagawa ng ganoong kilos, malalagay tayo sa kapahamakan." Ngumisi ang nakaputing babae.

"Hindi naman tayo ang kikilos, kung hindi sila.."

"Mystica's POV"

"Every Gods and Goddesses have their own symbolizes, mga simbolong maaaring magpaalala at magpatatak sa kanilang pangalan sa bawat isipan ng tao, ang mga Dyos at Dyosa na mga ito ay umiikot lamang na paniniwala sa loob ng isang grupo o nasa mismong kultura ng mga tao. Ang mga ito ay paniniwala lamang at walang sinuman ang nakapatunay na totoo ito." Kinagat ko ang aking labi habang pilit na itinatago ang sakit.

Kanina pa kumikirot ang buo kong katawan matapos ang pangyayari kahapon, walang nakapansin o nakakita man lang sa pangyayari, hindi ko batid kung dapat ko ba itong ipagpasamalat o hindi. Nagising ako sa ilalim ng malalaking tipak ng bato na sa tingin ko ay ang nasirang pader, nang araw ding iyon ay nawala ang misteryosang huwad na nilalang na gumaya kay Gen, ang ipinagpasalamat ko lamang noon ay hindi ako masyadong napuruhan at hindi tuluyang natibag ang gusali, kung hindi ay siguradong patay na ako ngayon.

Hindi ko ito nalunasan dahil pumuslit lamang ako sa bahay at kaagad nakatulog, kalat ang mga kapatid at magulang ko sa buong bahay kaya hindi ako makapuslit sa lagayan namin ng gamot.

"G-gen, pwede bang umusog ka doon ng konti?" Kanina pa naipipit ang sugat ko. Lumingon ito saakin saka ngumiti, kaagad naman itong umusog saka ibinalik ang tingin sa unahan.

Hindi man ako sigurado, ngunit sa tingin ko ay totoong Gen ang nasa tabi ko.

"Saan ka nga pala galing kahapon? Bakit bigla kang nawala sa library?" Palihim akong napangiwi ng lumikot ito sa upuan at masagi ang braso ko.

"Ouch."

"Huh?" Bigla itong lumingon saakin, kaagad naman akong umayos ng upo saka ngumiti sakanya.

"Wala."

"Okay class, hanggang dito na lang muna tayo, itutuloy natin ito sa susunod na linggo dahil may bisita tayo ngayon, isang linggo silang mamalagi kaya umayos kayo." Muli akong napangiwi ng magsigawan ang lahat, ang iba ay tumayo pa at napasuntok sa hangin.

Halatang ayaw sa mag-lesson.

"Nandyan na sila!!" Tuluyan na akong napadaing ng yugyugin ni Gen ang braso ko, mabuti na lamang at hindi niya ito napansin dahil kaagad siyang tumayo at pinagsigawan kung sino ang magiging bisita namin. Mukhang kahapon niya pa ito gustong sabihin.

MythosWhere stories live. Discover now