~Imulat ang mata,
Sa mundong mapanghusga,
Damhin ang bawat hapdi,
Isigaw yaring tinig.
Ipikit ang masakit,
Takpan ang tenga't bibig,
Yakapin ang mapanakit,
At hagkan ang dilim.
Dinggin ang panalangin,
Abutin ang panaginip,
Isatinig ang pasakit,
Hawakan ang aking bisig.
Tanglawin ang umaga,
Ako'y iyong tingnan,
Gumising ka binibini,
At harapin ang gabi~
Marahan kong iminulat ang aking mga mata, kaagad dumapo ang aking paningin sa babaeng nasa aking tabi. Napakurap ako ng mamataang nakaupo sa sahig at hawak ang aking kanang kamay.
Umangat ang ulo nito at kaagad na nanlaki ang mga mata ng makita ako.
"I-ibig mo ba ng tubig? Nang makakain? May humahapdi ba saiyong katawan? May masakit pa ba? Ikaw ba ay nagugutom? Ano ang iyong nais, Dyosa?" Kumunot ang noo ko saka sinubukang igalaw ang aking katawan.
"A-ayos lamang ako.." Mabilis akong napaupo ng may maalala.
"N-na saan ang mga kasama ko?" Tumingin ako dito.
"Sila ay namamalagi sa ibang kubo, Dyosa." Umiling ako dito saka umalis sa kama.
"Ngunit Dyosa--"
"Hindi ako Dyosa, hindi kailanman." Nilingon ko ito, namataan ko siyang nakayuko habang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri. Napakadilim ng paligid, at tanging ang sulo lamang na nagkalat sa buong kubo ang nagsisilbing liwanag sa maliit na bahay, pansin ko rin ang kakaunting gamit na nakakalat sa paligid, sinigurong nakadikit ang mga ito sa pader upang hindi makapanakit dahil sa sobrang dilim. Ang tangi ko lamang naaaninag ay ang maputi nitong balat at bilugang mga mata. Sa palagay ko ay mas bata ito ng ilang taon saakin, ngunit ang pagtawag niya pa lang saakin ng Dyosa ay isa ng paggalang. Ngunit mali, ang pagtawag saakin ng Dyosa ay isa ng kalapastanganan sa mga nakakataas, ikubli man ang katotohanan. Ngunit lalabas pa rin na ito ay kasinungalingan.
"Ngunit ang sabi saamin ng punong-guro, ang mga babaeng darating sa ika-walo ng gabi, limang araw bago ang bagong taon. Ang siyang Dyosa na magliligtas saamin." Umawang ang labi ko sa narinig. Hindi ko maipaliwanag ang nadarama sa mga oras na iyon, bumilis ang tibok ng aking puso habang inaalala ang huling tingin ko sa oras bago ako masadlak sa pintong iyon.
7:30 pm.
Iyon ang eksaktong oras ng aking pagbaba sa hagdan, ngunit ang petsa. Hindi ko na matandaan.
"A-anong ibig mong sabihin? Bagong taon na?" Umangat ang tingin nito saakin saka marahang tumango.
"Opo, mahal na Dyosa. Sampung araw kayong nahimlay sa higaan, at sa kasamaang palad ay kayo pa lamang ang nagigising mula sa mahabang pagkakatulog." Huminga ako ng malalim.
أنت تقرأ
Mythos
خيال (فانتازيا)When the darkness started to creep.. And when the light wipe my tears.. Covers are not mine. Credits to the rightful owner.