Luminga ako saaking paligid, kaliwa't kanan ang paling ng aking ulo, hindi ko nais mahuli..
Akma akong maglalakad ng madama ang bigat saaking kasuotan, ginalaw-galaw ko ang mahabang ball gown na aking suot, I can't move, damn it!
Matapos ang pagpapakilala ng lalaki saakin at kay Ate Tanya ay kaagad din naman kaming nagtungo sa dining hall at kumain, the music box was passed to our maid. Nadinig ko pa sinabi noon ni Lola, sa silid ko daw ilalagay. My Lola is the most conservative woman I've ever met, kapag nasa unang palapag kami ay hindi maaaring lumapit ang kahit na sinong lalaki, even my Dad can't come closer to us, Ate Tanya, Mommy, me and Lola. Kailangan ay may dalawang kilometrong layo ito saamin, kapag naman sa guard at maid ay limang kilometro. No men can come to the second floor, unless Lola ordered them, or they have Lola's permission. Kahit si Dad ay ganoon, magpapaalam muna kay Lola.
But I don't know what's gotten into her, in the dining hall, she let that man sit beside me. She even told me to change my clothes to more elegant and fancy gown, now I am struggling with this piece of shit. I hate long gowns, lalo na ang ball gown, paano ako makakagalaw nito? Tipid na tipid ang bawat lakad ko, bawat galaw na aking ginagawa ay natatakot pa ako dahil baka madulas ako o matapilok, hindi ko na kasi makita pa ang aking dinadaanan.
She didn't even saying anything when that man pull his chair towards me, eventhough he acts like a gentleman, pulling a chair for me, I still don't like the idea of being that close to him. Masyado siyang malapit, sa sobrang lapit ay kinakapos ako ng hininga.
And here I am, in my room, after we finish eating, Lola ordered me to change my clothes, at ayoko ng lumabas pa na ganito ang itsura. Susunod ako sa sinabi niya, pero hindi ako lalabas ng ganito ang itsura, no way. Habang pinanonood ko pa si Lola kanina ay tila tuwang-tuwa pa sa nangyayari, ganoon niya ba kagusto ang lalaking iyon? Sino ba iyon?
I totally forgot his name.
Lola is smiling the whole time, she seems please to see that the man get near me, I even thought that her eyes is twinkling with happiness. That's great, hindi siya masungit ngayong araw, ang pinagtataka ko lamang, bakit may regalo? Ano iyon, suhol?
Bumusangot ako, alam kong ilang minuto na lamang ay aakyat na si Ate Tanya at kakatukin ang pintuan ko dahil hinahanap na ako ni Lola. I can't lock my own room, because Lola will get mad at me.
Malalim akong bumuntong-hininga at sinulyapan ang music box sa may bedside table, hindi ko pa ito ginalaw mula kanina, paano ba naman hindi ako makagalaw sa suot kong gown. And I don't want to touch it too, my mind says that I shouldn't, I trust my instinct so wouldn't.
Kahit hirap gumalaw ay pinilit kong lumakad palapit sa may balkonahe, paisa-isa lamang ang hakbang ko at halos yumuko na ako dahil hindi ko makita ang sahig. Maabutan pa ata ako ni Ate Tanya dito, I don't like to go down, tama ng nakasama ko sila sa umagahan ko. Hindi lamang ako maka-alma kanina dahil una, gutom na ako, pangalawa ay dahil baka mapagalitan ako ni Lola, pangatlo, I don't want to embarrassed our family name. Kung wala lang akong manners ay kanina pa ako nag-eskandalo.
I don't like men, they are just a headache, mga bato sa daanan, matatapilok ka lang at madudulas kapag hindi iniwasan.
Itinali ko ang dulo ng lubid sa dulo ng palaso, bahagya akong tumagilid at saka inilagay ang palaso sa pana. I stretched my arms as I firmly holds the bow, I positioned the arrow directly in the big three infront of my balcony. Mabilis ko iyong pinakawalan at kaagad na tumusok sa puno ang palaso.
Hinila ko ang lubid, sinisiguradong mahigpit itong nakatusok sa puno. Nang masigurado ay kaagad kong kinuha ang kabilang dulo ng lubid at itinali sa paanan ng kama, kumuha ako ng isang blade saka lumakad palapit sa balkonahe.
YOU ARE READING
Mythos
FantasyWhen the darkness started to creep.. And when the light wipe my tears.. Covers are not mine. Credits to the rightful owner.