#UM4

80K 2.6K 1.1K
                                    

#UM4

Kagaya ng plano, iyon nga ang ginawa namin kinabukasan. Gabi pa lang ay nag-impake na ako upang walang makalimutan sa bagahe, I was so excited since last night that I didn't get much sleep.

Sobrang nakakaexcite iyong bonding, once in a year lang kasi ito at Miramontes na ulit ang makakasama ko sa buong susunod na taon.

It's December twenty-three and we'll stay in Cebu until New Year, I don't know when are we going home exactly but I need to go back to Davao on January four because the class will be back to normal. Iyon ang usapan namin ni Mommy at sumang-ayon si Papa sa pabor na iyon dahil naiintindihan niyang balik klase ako.

We flew to Cebu and landed safely at ten in the morning, napakagulo at ingay ng pamilya namin sa airport habang naghihintay sa sundo.

Naghaharutan sila Fifth, Bhaltie, Capriana at Diamante habang nagtatawanan. Nakikipaglaro si Arki sa mga bata, nakatanaw lang si Brillante at tahimik si Troilus na dinadaldal ni Philo at Fiorene habang nakikinig lamang si Primmie sa tabi at ngumingisi ng tipid tuwing may nakakatawang naririnig. Wala sila Callistaire, susunod daw bukas dahil busy pa ngayon sa Batangas.

The elders were busy talking about the place we'll be staying in here.

"Patch, ano?" lumapit si Tita Pate. "Sasabay ka ba sa amin?"

Patch tsked and glanced at her cell phone.

"Heidden will fetch me."

Huminga ako ng malalim at pinanood na lamang si Arki na hinahagis sa ere si Desmond, Tito Linus' youngest son. Natawa ako nang hampasin siya ni Tita Fab at pagalitan, Arki was just laughing.

"Okay. Nasaan na raw?"

"On the way."

Tumango si Tita Pate at bumalik sa kanilang grupo, nagtatawanan sila roon.

"Ang gaganda ng kasama nating dalaga, baka makuha tayo ng itim na van!" biro ni Tita Bistre.

"That's white, Momsy!" ani Capriana.

"Pake mo ba? Hanggang dito lang usapan, e!"

Nagtawanan sila, napailing ako at natawa rin kahit nakikinig lang. How I wish I can talk with Mom like that, iyong sobrang kumportable. Tuwing naririnig ko silang magkausap ni Tita Bistre ay wala akong ramdam na intimidasyon at ang sarap siguro sa pakiramdam noon.

Palakad-lakad si Patch sa harapan ko habang abala sa cell phone, tinapat niya iyon sa kanyang tainga.

"Where are you?" aniya. "Sinong kasama mo? Wala pa sundo namin pero kung sa inyo tayo magla-lunch, puwede akong mauna sa kanila. Nagpaalam na ako kay Dad."

She sat beside me and took out a compact mirror to see her face.

"Okay, I love you." Nagtakip siya ng bibig at agad binaba ang tawag. "Fuck, scratch my mouth."

Nagkatinginan kami at bumusangot siya na tila dismayado sa sarili.

"Bakit?" natatawa kong tanong.

"Ayaw ko nang magsabi noon sa kanya, e. Kahit kailan wala namang I love you na binalik 'yon, napapahiya lang ako. Kainis!"

My forehead creased. "Baka hindi lang showy."

Boys are different in showing affection, most of them are not showy and secretive. They like to hide their affection towards anyone or anything because for them, it will kill their coolness. May kapatid akong lalaki kaya alam ko iyon kahit papaano.

"Hindi naman talaga showy pero napapahiya pa rin ako 'pag nagsasabi ako, parang hangin kasi. Pero bahala na, at least hindi ako nagkulang." Tumawa siya.

Rouge Series #1: Unholy MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon