#UM31

56.3K 2K 659
                                    

#UM31

I was crying in fear, I just fixed myself before going down to get Papa's permission for my leave.

"Where are you going?" he asked while busy typing on his Macbook, nasa sala pa rin siya at inuugoy ang crib ni Palmira gamit ang kanyang paa.

I bit my lips, stopping my emotions. "Uh, mamimili lang po. May nakalimutan kasi akong bilhin kahapon."

"I can drive you to the mall and wait until you're done."

"Huwag na, Pa. Ako na lang, gusto ko ring matutong umalis mag-isa. Hindi ko kasi nagagawa ito sa Davao."

Tumingin siya sa akin at mabilis akong nagyuko ng ulo para magkunwaring abala sa aking cell phone.

"Did Chance text you already?"

I nodded.

"Okay... are you gonna commute? Or book a Grab?"

"Commute, po." Though, I already booked a Grab.

He nodded, ilang saglit pang nagtagal ang panunood niya sa akin at kaswal lamang ang kilos ko. Kalaunan akong nagpaalam sa kanya, si Tita Fili ay lumabas pala kasama iyong kapatid niya kanina kaya hanggang ngayon ay wala pa.

Ayaw ko talagang magsumbong kay Papa, malaki na nga ang gulo kong nagawa at alam kong nadadamay talaga siya sa lahat—hindi lang sinasabi sa akin. Sapat na itong pagkuha niya sa akin mula sa puder nila, ayaw ko na makadagdag pa sa sakit ng ulo niya lalo't kami ni Patch ang may iringan na pangit tingnan sa pamilya. Kami lang yata ni Patch ang may ganitong sitwasyon, e. Sila Capri, tahimik at malalapit sa isa't isa. Kami lang ang tanging nag-aaway, dahil pa sa lalaki.

Chancent:
Can I visit you tonight?

Chancent:
Kahit saglit lang.

Hindi ko sinagot iyong mga huli niyang texts sa akin, wala akong oras para isipin iyon ngayon. Marami pa namang araw na magkakausap at makakapagkita kami.

Patch:
I'm at the parking area, I'll wait.

Nagpuyos ako sa galit at frustrations, I want to hurt her but I don't wanna make another sin like what I did to Gabanni. Gusto ko na lang tapusin ang pag-uusapan namin at kung ano mang demands niya, gusto ko nang manahimik at hindi iyon mangyayari kung hindi kami magkakalinawan dalawa.

Narating ko ang parking area na sinabi niya, it was just on the condominium building where she was staying with Nyxinea Estrevillo. Kabado akong patingin-tingin sa paligid habang hinahanap si Patch, I walked faster to search for her and I found her on the near end of the area.

Malamig ang simoy ng hangin at iyon ang nagpapatindig ng balahibo ko, naghahatid kaba lalo sa aking dibdib. Nagsisigarilyo siya habang nakahilig ang likuran sa bumper ng kanyang sasakyan, she's wearing a baby pink silky dress and a pair of high heels—her hair was up in a clean bun.

I seriously loved Patch as my best cousin back then, I don't know what's happening to us... dahil talaga kay Chancent ay nagkakaganito kami? This is really ridiculous.

She met my eyes as I walked closer, tinapon niya ang sigarilyo at inapakan iyon gamit ang kanyang takong. She smiled a bit.

My lips trembled but I forced myself to talk first.

"Come on, Patch. Tell me what you wanna talk about right now."

Tumitig siya sa akin, parang hindi ko makilala ang matalik na kaibigan at paborito kong pinsan sa kanya. I feel like a stranger in her eyes.

"I hate you, Pallavi. I hate you for taking Chance even when I already told you all the bad things about him."

"Iyan ba, Patch? Iyan lang ba talaga ang dahilan ng pag-aaway natin? Sa puntong talagang tatakutin mo pa ako gamit ang problema ko, huh? You don't know how much I'm scared of everything now and because of Chancent, you really used my weakness and fear. Ano bang gusto mo?" pigil galit kong sambit. "Si Chance? Sayo na nga, 'di ba? Hindi ko na kasalanan kung ayaw sayo."

Rouge Series #1: Unholy MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon