#UM9

57.5K 2.2K 698
                                    

#UM9

Instead of calling Mommy again, I decided to just send her a greeting text. Sobrang sakit ng ulo ko sa sumunod na araw kaya buong maghapon akong tulog at hindi ko inaasahan na buhay na naman ang mga pinsan ko kinagabihan noon at pinagpatuloy ang inuman.

I went downstairs with only pair of black spaghetti strap and pajamas, I was eating grapes while searching for something to eat more in the fridge. Kung hindi pa ako tinawagan ni Chancent ay baka hindi ko na naisipang kumain. Although, he didn't really mean that. He just missed a call.

Nakita kong kumuha ng ilang tinidor si Bhaltie, napansin niya ako at nginisian.

"Hungry?"

I nodded.

"Maraming food diyan, we bought another set of supplies for the next days here. Don't starve yourself."

I nodded again and smiled. "Thank you. Kayo? Walang katapusang inuman?"

Humalakhak siya.

"We can't drink after holidays again, unless there's an occasion and it's Arki's birthday today."

My mouth dropped and I remembered it. "Oh my, God! I forgot!"

"It's okay, he's celebrating it this way!"

"I don't have a gift!"

Hindi ko man lang naisip na mamili ng pangregalo, kahit noong pasko. Si Papa lang ang naalala kong bigyan ng relo, matagal ko na rin siyang gustong bigyan ng relo pero hindi kami nagkikita noong nakaraang mga buwan. I should've bought two wristwatch, para mayroon din si Arki. 'Di bale, mamimili na lang ako pag nakauwi ng Davao. I can ship my gifts for them.

I miss shopping, too. I really need it after holidays.

Tumawa lang siya, saglit pa kaming nag-usap doon at nagtawanan.

"Where are the others?"

Nasa sala naman ang ilang bata at nanonood ng cartoons, pero mas lamang ang wala sa guesthouse. Baka nasa backyard din?

"Roaming around the island!" lumakad na siya sa sliding door para makalabas nang muli akong dungawin. "Join us out after eating!"

Tinanguan ko na lamang ang anyaya niya kahit wala akong plano, I just went down to eat and rest again. I got so tired last night, umaga na ring natapos iyon kaya nakakataka na mayroon pa silang lakas ngayon.

Naghanap ako ng maiaakyat na pagkain sa kuwarto para hindi na ako bababa kung sakaling gutumin ulit, kumukulo kasi ang tiyan ko at batid kong epekto ng alak iyon. It's acid, anyway. I didn't drink much but since I'm not used to drink any liquor, I am easily affected.

"Oh shit!" I screamed. I almost jumped when I closed the fridge and met Heidden's built behind me.

His hair was in a man bun tonight and newly faded sides, natawa siya sa pagkagulat ko bago nagkibit balikat at pinunto ang kanyang hawak na bucket.

"Sorry to interrupt your searching, I'll just get something."

Napasinghap ako at agad umatras para hayaan siya sa fridge, kukuha siya ng ice cubes. Kinuha ko ang gallon ng ice cream at saka naupo sa high stool. Sumulyap ako sa ginagawa niya, abala siya sa paglalagay ng ice cubes sa bucket.

Nasaan kaya si Patch? Inutos-utusan na naman siguro siya noon, puwede namang siya na lang ang gumawa. Bisita pa talaga ang pinakilos.

I started eating my ice cream quietly, saglit lang ang pagkuha ni Heidden ng ice bago ako muling natamaan ng tingin nang isara ang fridge.

Rouge Series #1: Unholy MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon