#UM34
I should not feel hurt or anything because in the very first place, I was the one who gave him all the freedom to love another or date someone else without thinking of me.
Kung may nararamdaman ako ngayon, siguro ay kasiyahan? Oo kasi mayroon na siyang iba, ang galing nga ng pagkakataon umaksyon. Para bang sign iyon agad na hindi ko na kailangan pang kumpirmahin ang estado niya gaya ng inaalala ko tuwing nalalaman kong may nagkakagusto at nagtatangkang manligaw sa akin.
Kung mayroon man sa aming dalawa ang talagang nag-iisip tungkol sa kanya, ako iyon. I had been wanting to see if he's still single, reason why I couldn't step up to another. That was the first mission I'd want to know when I come back and it welcomed me.
I smiled at the thought, marahan kong kinapa ang bigay niyang singsing na ginawa kong pendant. Iyong pangalan niya.
Masyado yata akong umasa na matutulad ito gaya sa libro kung saan naghihintay ang kanilang leading man kahit gaano pa katagal. Masyadong idealistic, masyadong unrealistic.
Asa pa ako.
I chose it, I led him to it. It's his freedom. That was my choice...
Zac and I went to Duty Free to buy chocolates for Philo and Palmira, hindi na kasi ako nakapamili bago umalis ng Canada at nakakahiya kung wala man lang akong pasalubong sa mga kapatid ko at ibang batang pinsan. I know that they're not living in Manila but we'll all meet on Holidays, I can give it to them.
"Sabi ko ako na, Zac!" iritado kong sinabi kay Zac pagkasakay ng sasakyan niya.
Ngumisi siya. "Huwag natin pagtalunan ang simpleng chocolates, Pal. Hindi naman natin sasabihin na ako ang bumili."
"Hindi naman kasi 'yon, e! Nakakainis ka! Alam ko namang matipid kang tao at hindi ka gumagastos sa mga babae mo—"
"Mga babae? Ginawa mo naman akong babaero." He gasped.
I rolled my eyes. "Basta, hindi ka gumagastos. Tapos ngayon, ang dami nitong pasalubong sa mga bata!"
He started maneuvering the steering wheel and drove away while our argument was on going, natatawa siya tuwing hinahampas ko siya dahil sa mga walang kuwenta niyang palusot hanggang sa ako na lang ang natalo at napagod sa panenermon sa kanya.
"Pal, it's nothing. Nagtitipid lang ako para makapag-ipon pero mayaman pa rin naman ako kahit walang ipon." Halakhak niya.
I can't believe him! "Ang yabang mo! Pera pa rin iyon, pinaghirapan mo! Pinanganak ka ngang mayaman pero hindi pa rin! Ugh, hirap mag-explain sayo! It's just that, I've been there, money was so easy for me but when I realized the value of every coin—I don't wanna waste it for something, lalo na kung hindi naman para sa akin o kamag-anak! At ikaw, alam kong hindi ka talaga umaasa sa parents mo!"
Nalaman ko iyon sa kanya noong minsang magkuwento sa akin, sa mga Zobel—silang dalawa ni Jace iyong naiiba dahil sila iyong labas sa pamilyang iyon. I haven't heard the whole family story but I know their culture and I think, their parents decided to not include them to the family tradition.
And this is how they discipline and teach their children, Zac and Jace' rules are way too different from other wealthy family members like them, pangalan pa lang nila—tila mga kumakain sa gintong plato at humihiga sa kayamanan, pero ano? Pinili pa rin silang sanaying tumayo mag-isa. Kung tutuusin, mas namumuhay pa ng marangya iyong kambal kaysa sa kanila.
He shrugged and chuckled. "Ayaw nila ako paasahin sa kanila, wala akong choice noong mag-eighteen. If I had a choice to lean on their wealth? I wouldn't work hard for myself."