#UM29

53.1K 2.2K 1.1K
                                    

#UM29

Hindi ko alam kung saan mag-uumpisa, I told the whole story that night in front of Tita Fili and Arki who stayed for the night. I cried and begged them to hide me from that family, Papa was just watching me with bloodshot eyes as if he feels everything I'm holding. I feel so awful and bad for pushing Gabanni that caused her bleed.

She might lose her baby or she did. Pero takot akong magtanong, ayaw kong malaman iyon at baka negatibo ang resulta.

"Hindi ko iyon sinadya, pero nadala talaga ako ng galit kaya gumanti ako nang saktan niya—" hindi ko maituloy ang pagsasalita ng maayos dahil sa pag-iyak.

Arki was biting his bottom lip, he was quietly listening the whole story. Nakatingin siya sa akin, walang mabasang ekspresyon.

"Shh, it wasn't a bad thing to fight back and you didn't know her situation. I know you wouldn't do that if you knew." Papa caressed my arm gently to comfort.

I nodded like a kid, my eyes were swollen from crying badly. "Basta, Papa. Ayaw ko na roon, hindi na ako babalik sa kanila. They will surely sue me or punish me, I've been suffering from loneliness and insults there. I don't wanna go back."

Papa was nodding at anything I say.

"P-Paano kung nawala ang baby niya? Hahanapin nila ako, ayaw ko Papa! Tapos si Lolo, inatake siya dahil din sa akin! I'm in a bad mess, please. Help me, I don't wanna be sued. Hindi ko na ulit gagawin, Papa!" I was crying like a scared kid.

He nodded and closed his eyes tightly, ilang minuto niya akong tinatahan at ganoon din si Tita Fili na panay ang pagpapakalma sa akin. Tinakip ko ang mga palad sa mukha habang nakayuko ang ulo. Papa's cell phone suddenly rang, kinuha niya iyon sa lamesa bago pa ako makapag-angat ng tingin at saka siya tumayo para lumayo sala.

Arki went on my other side and caressed my hair, ang isang braso niya ay hinila ako para akbayan at yakapin doon para aluin. He sighed heavily.

"You just fought back, you didn't make her bleed willingly. Iyan ang isipin mo, hindi mo kasalanan iyon. Siya ang nauna at dumipensa ka lang, Pallavi."

I cried more in silence, yumakap ako kay Tita Fili habang si Arki ang nag-aalo sa aking likuran. I don't know how to comfort myself from the mess I'm in.

Limang araw ang lumipas na puno ako ng takot, dapat ay nag-aasikaso na ako sa paglipat ko ng eskuwelahan pero pinili kong magkulong sa bahay nila Papa at hindi nila binanggit ang tungkol doon kahit kailan. They're letting me have my time here to think and be comfortable around, I was out of social media and gadgets. Everything. Wala akong ginawa sa mga araw na lumipas kundi ang matulog at kumain dala ng anxiety at pagkatakot, may mga oras na nagigising ako sa gitna ng pagtulog at umiiyak.

Alam kong tumatawag si Mommy kay Papa, minsan ko kasing nakita na tumunog ang cell phone niya at pangalan ni Mommy ang caller pero hindi rin binanggit ni Papa ang tungkol doon. I really appreciate him for shielding me but that's also scaring me. Naiisip ko na baka puntahan ako at sapilitang kuhanin ng mga Miramontes o ang malala ay damputin na lang ako ng mga pulis dito.

Nawaglit ang pagtulala ko sa kisame nang may kumatok, nataranta agad ako at hindi sumagot sa kaba.

"Hey, Pal. This is Bhaltie!"

Suminghap ako at dinala ang sarili sa pinto para buksan iyon. "O-Oh, hey..." I greeted when I saw him behind the door.

Hindi ko mapigilan ang kaba tuwing may kumakatok, pakiramdam ko ay iyon na ang hatol sa akin. My heart was ripping everytime.

His lips puckered.

"Wanna go shopping today?"

Hindi ako makasagot dahil wala akong planong lumabas ng village.

Rouge Series #1: Unholy MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon