#UM15

54K 1.8K 438
                                    

#UM15

Chancent and I continued dating for weeks, he's already staying in Davao for two months since our first meeting here and I don't know when will he go back to Manila. Madalas kasi siyang tawagan ng Mommy niya nitong nakaraang mga araw dahil namimiss daw siya.

"I'm going back, Pa." He scratched his left brow gently while talking to his father on his MacBook.

We're currently at the cafe near their site after my class. Dito kami madalas, kahit kasi dapat nasa office lang siya o unit niya ay masipag siyang magpunta sa site para i-check iyon.

"What are you really doing there? Heidden with the other engineers can handle the site, Arlow."

Chance didn't answer.

"Is that a woman?" his father asked again, sounds so curious.

My heart dribbled, I stayed casual even nervous.

"I'm working online, you don't need me that much in Manila. Wala naman akong gagawin diyan."

Mr. Cash Estrevillo sighed. "I know you're doing good but at least give your Mom a time to see you because she misses you. Puwede kang bumalik sa Davao."

Chancent glanced at me, I pouted and sipped on my milktea. Huminga siya ng malalim at muling bumaling sa ama.

"Yes, Papa. I will. Maybe, this week."

"I appreciate that, son."

Tumango lang si Chancent at sinara ang MacBook, minasahe niya ang tulay ng matayog na ilong-mukhang problemado. I smiled and sat down beside him, I gently caressed his nape and hair.

"Ayaw mo bang bumalik ng Manila?"

He sighed and turned to me with gentle eyes.

"Not that. I just don't like to travel back and forth but I need to go back and visit Mama."

"Then, you'll be fine! I'm sure you miss her, too! Ilang araw lang naman siguro iyon at makakabalik ka na, 'di ba?"

He nodded. "Maybe, a week. Is that okay?"

Gulat pa akong tinatanong niya iyon gayong alam ko naman kalaunan talaga siyang babalik ng Manila, hindi naman siya puwedeng tumira rito. I should get used to his absence sometimes, sana lang huwag ako masanay masyado kaso parang ang hirap.

"Why not?" I chuckled. "Basta, I want an update about you."

He laughed a bit. "I'll do that, for sure."

I smiled.

Iyon naman pala, walang problema roon. Ang inaalala ko na lang ay baka mambabae siya roon, I don't really wanna trust him that much when it comes to girls around. He might be tempted! Oo, nililigawan niya pa lang ako pero hindi iyon puwede sa akin. Hindi naman siya puwedeng may ibang habang nililigawan ako, 'di ba? Kabastusan iyon.

After school the next day, I went to the site because Chance was there. Maaga ang dismissal namin nang araw na iyon dahil walang professor sa huling klase, mabuti na lang at hindi ako nahahalata ni Mommy sa ilang buwang gawain. Hindi naman siya nanghihingi ng reports sa driver kaya panatag ako.

Naglakad ako papasok sa malawak na lote, the construction was already starting. I covered my nose while walking in because of the dirt, maingay ang mga makinang ginagamit at ilang trabahador na nagsisigawan tungkol sa kanilang mga kailangan.

Hindi ko nakita agad si Chancent pero siguro'y naggagala lang iyon sa paligid para panoorin ang ginagawa. Namataan ko ang madungis na si Heidden, he's wearing a white shirt with a few stains of mud and dirty jeans. Pawisan, nagpapagpag ng mga kamay mula sa binuhat na hollow blocks.

Rouge Series #1: Unholy MessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon