CHAPTER 1

2.6K 75 6
                                    

KELLY POV

"Good morning mother nature" Nag unat pa ako bago tumayo sa kama, first day of school ko ngayon pero di naman ako ganun ka excited dahil matagal na naman akong nag aaral sa school namin na tinatawag nilang Cassiopeia university.

Pumasok na ako sa banyo para maligo at gawin ang morning routine ko saka bumaba sa kusina para mag breakfast. Di naman nahagip ng mata ko si mommy, nasanay kasi ako na sinasalubong nya ako ng good morning.Nag tungo ako sa ref para kumuha ng tubig nang makakita ako ng notes na naka dikit dun.

"Good Morning darling,umalis muna ako para mag grocery.nasa mesa yung breakfast mo,eat well" Napangiti naman ako. Love talaga ako ni mommy. Umupo naman ako sa mesa at tinignan ang ulam as expected bacon yung niluto ni mommy dahil favorite ko yun.Payapa naman akong kumain kasi sabi ni mommy eat well daw. Nakita ko pa si kuya na pababa ng hagdan.

"Kuya kumain kana ng break---" Di ko natapos ang sasabihin ko nang dirediretso lang si Kuya palabas. Napaka walang galang! Napatungo naman ako, ganyan kasi ang pakikitungo ni kuya sakin at kay mommy.ay mali, pati pala sa lahat ng taong nakapalibot sa kanya.Marami nang nagbago sa kanya simula nung tumungtong kami sa edad na 9.di na nya ako kinakausap,lagi ding cold yung expression nya to the point na matatakot ka pag nagkatagpo ang tingin nyo. Basta kakaiba na sya.

*vibrates*

tinignan ko naman kung sino nag text sakin pero napakunot ang noo ko nang makitang number yun ni Kuya.

bakit naman sya mag tetext eh nasa labas lang naman sya?

"Im gonna leave you after 10 seconds" Nanlaki naman ang mata ko at napatayo.tumingin ako sa labas at halos lumipad na ako patungo dun nang makita ko ang pag andar ng kotse nya.

"Balak mo ba akong iwan?!" Sigaw ko pag pasok ng kotse at malakas na ibinagsak ang pinto.pinagpawisan pa ako dahil sa pag takbo ko.

"You're too slow" walang emosyon nyang sabi.

"Nakakaisang subo palang kaya ako ng bacon" Pigil galit kong sabi di naman sya kumibo. Grrr... Kailangan ko talagang mag aral ng mabuti para makuha ko ang price kong kotse kay mommy,nang sa ganun ay di na ako sasabay sa Kuya kong abnormal. Actually kakambal ko sya, opo yes po kambal kami! yung inaakala nilang nilang magkapareho ng gusto, magkatulad ng ugali, magkasundo sa lahat ng bagay,close, iisa ang gawi araw araw. Well di kami ganun ng kakambal kong si Cairo!

"Get the fuck out" mahina nyang sabi nang makarating na kami sa school. See?di kami magkasundo.

"Kung marunong lang talaga akong mag commute..." Bulong ko, di kasi ako marunong mag commute kaya aasa muna ako dito kay Kuya pero pag ako talaga may kotse na sasagasaan ko sya.

"I said get out" pag uulit nya kaya agad na akong lumabas.inilibot ko ang paningin ko sa buong university at pinagmasdan ng mabuti. well walang pinagbago...

"Tss" Napalingon naman ako kay Kuya na naka poker face, sa pagkakaintindi ko sa expression nya, ayaw nya sa school namin. First day ni kuya sa university namin dahil kaka-kick out lang naman nya sa school nila dahil sa pagbabasag ulo nito, actually ika 6 na paaralan nya na to.

"Cairo Creix De Ville?!" Sigaw ng isang babae kaya nakuha ang atensyon ng mga tao, nanlaki naman ang mata ko nang kinumpulan nila si Kuya Cairo.

Wahhh Cairo my love!

Cairo ang gwapo mo!

Cairo mahal na mahal kita!

'Aba aba! Di ko alam na sikat pala ang lalaking to, pano nangyari yun?'

may nag pi-picture pa sa kanya habang naka poker face lang sya, napailing nalang ako. 

My Gangster Twin ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon