CHAPTER 32

451 17 0
                                    

Dianne POV

"Ano?! Nakatakas si Blaxton?" Inis kong tanong. Ibig sabihin di pa din kami safe.

"Hayaan mo na Dianne, sigurado naman ako na di na yun babalik pagkatapos ng mga pangyayari, saka mabait naman noon si kuya Blaxton eh sadyang galit lang sya" paliwanag ni Kelly.

"Kahit na!" Tss bat kasi antatanga ng mga pulis dun.

"Si Calista ba nahuli?" Tanong ko pa, dapat nang mahuli ang demonyitang yun ang kapal ng mukha traidor naman.

"Oo, nasa kamay na sya ngayon ng mga awtoridad" gumaan naman ang pakiramdam ko.

"Buti nga sa bruhang yun, tangina nya" Sambit ko.

"Sige Dianne ibababa ko muna ang tawag, tinatawag na kasi ako ni tita"

"Sige" Sabi ko saka nya pinatay ang tawag.lumabas naman ako ng bahay saka mag jogging, syempre kahit may mga nangyari na mga trahedya kailangan ko pa din ng healthy lifestyle. As always Nag libot lang ako sa subdivision. Napadpad ako sa park at dahil sa pagod nag pahinga ako sa isang bench.

"Ayun sya!" Napatingin naman ako sa sumigaw na lalaki na kakababa lang sa pulang van at nakaturo sakin. Ako ba tinutukoy nya?

"Sya nga!" Sang ayon pa ng iba nyang kasama. So ako nga?

"Oh no!" Tatakbo na sana ako pero huli na ang lahat, nakuha na nila ako saka isinakay sa van.

"Mga walanghiya bitawan nyo nga ako mga hinayupak kayo, wala kayong makukuhang ransom galing sa pamilya ko mga bobo!" Sigaw ko habang pumipiglas.pinagsasampal ko naman ang mga mokong.sigurado ako na tauhan to ng Blaxton na yun, ako na naman ang puntirya nya.

"ibang klase ang tipo ni boss ah,mapanakit" sabi nung parang manyak na lalaki na katabi ko nag sitawan naman ang iba nyang kasama. Sinuntok ko yung isa kaya dumugo ang ilong nun. Sinong boss? Wengya si Blax ba? Sabi ko na nga ba at babalik ang lalaking yun.

"Tangina pre bilisan mo mag maneho bago pa kami mapatay ng babaeng to!" Sigaw neto kaya sinakal ko sya.

"Papatayin talaga kitang hayop ka!" Sigaw ko agad naman nila akong itinali. Di lang kamay ko kundi pati buong katawan ko tinali nila kaya di ako makagalaw.

"Pakawalan nyo nga a---" tinakpan nung isa yung bibig ko gamit ang panyo kaya di ako makapagsalita. Buong byahe akong tahimik at di makagalaw.

"andito na tayo" Naramdaman ko naman na huminto na kami. Hide out ba to?

"Tara miss" Sabi nung lalaki saka kinalagan na ako kaya ginamit ko ang kamay ko para tanggalin ang panyo sa bibig ko.sinuntok ko na naman ng isa.

"Ano ha?" Paghahamon ko sa kanila.pero kinaladkad nila ako, apat sila ang kumaladkad sakin like seriously?

Dinala nila ako sa loob at pinasok sa isang kwarto doon saka iniwan. Gusto kong lumabas kaso naka lock na yun.

"Babe" napalingon naman ako sa lalaki na tumawag sakin.

"Travis?" sinamaan ko sya ng tingin.napaka walangya!

"Gago ka! Ikaw ba nag pa kidnapp sakin? May saltik kaba?" naka pamewang pa ako at tinignan sya ng nakakamatay na tingin. Akala ko matatakot ito ngunot tinignan nya lang ako na parang walang emosyon. Kinabahan naman ako ito yung aura nya kapag nakikipaglaban. Wag nyang sabihin na mag duduel kami?

"G-gusto mo bang masuntok? Anong tinitingin tingin mo dyan?" Di ko alam pero kinakabahan ako.lumapit naman sya sakin kaya napaatras ako. Wengya di naman ako takot sa kanya, sadyang ah basta!.napasandal nalang ako sa pinto dahil sa wala na akong maatrasan, ikinulong nya ako gamit ang braso nya. Napalunok ako dahil sa kaba.

My Gangster Twin ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon