CHAPTER 15

618 25 4
                                    

TYRON POV

"wengya tol naiwan ko sa bahay nina bossing" kaharap ko ngayon ang isang myembro ng black scorpio at di mo maipagkakait na mas gwapo ako sa kanya.

"niloloko mo lang ata ako eh, mag dadahilan kapa" wengya gago to ah!mukha ba akong budol budol at sinungaling.

"gago naiwan nga, bukas ko nalang dadalhin" sabay batok ko sa kanya.

"tss wag na sayo nalang yun kung meron nga!" napakamot pa sya sa batok at umiling paailis.

"di ko na kailangan yun! patay na patay na sakin ang mga babae!" sigaw ko pa sa kanya. tinawagan ko muna si ms. Kelly para siguraduhing nandun nga yun, sa pag kakakaalala ko nasa ref ko yun nailagay. pipindutin ko na sana ang numero ni ms. Kelly nang napunta sa screen ko ang pangalan nya.

"Wazzup miss Kelly!" bungad ko. kapag sineswerte ka nga naman, naalala ko kasi na wala nga pala akong load, buti nalang tumawag sya.

Kelly POV

Walang pasok ngayon kaya bulok ako sa bahay, at ang masama pa dun kasama ko si Cairo at di kami nag papansinan mula pa kahapon.

"Hays" Bored kong sabi kaya nag tungo nalang ako sa sala para manood ng tv. Barbie ang palabas ngayon kaya medyo naaaliw ako.masaya akong nanonood pero maya maya ay biglang nawala ang barbie sa screen ng TV at napalitan ng barilan. Lumingon lingon naman ako kung sino ang nag lipat ng channel nang mahagip ng mata ko si Cairo. Pinaningkitan ko naman sya ng mata

"Ano ba?!" Sigaw ko sa kanya pero binalewala lang nya ako. Sinubukan ko namang kunin ang remote sa kanya pero inilayo nya iyon.

"Akin na kasi, ako nauna eh!" Inis kong sabi. Tinignan naman nya ako saglit at ibinalik ulit ang mata nya sa TV.

"Did your mom know that you have boyfriend?" Sabi neto bigla. Nanlaki naman ang mata ko ng makita sya na may pinipindot sa cellphone. Huhu sana di nya sabihin kay mommy. Sigurado akong magagalit yun at di ako bilhan ng kotse, di pa naman ako marunong mag commute.

"P-pake mo ba?" Kinakabahan kong tanong. nakita ko namang nag simula syang mag dial ng number. Grrr bina black mail nya ba ako? Eh di ko nga sinumbong na may girlfriend sya eh!

"A-ano ginawaga mo?" Tanong ko dito pero di nya ako pinansin at nag dadial parin sya kaya agad kong inagaw ang phone nya.

"What the heck?!" inis nitong sabi, waahh lagot talaga ako pag nalaman to ni mommy, ang sumbungero talaga ni Cairo.inggit ba sya?eh di ko naman sya pinapakealaman eh.

Tinignan ko naman ang phone nya para i off sana ang tawag pero nanlaki ang mata ko na ibang pangalan pala nasa screen. Wengya! Si calista pala ang tinatawagan nya.

'Ang tanga mo talaga Kelly De Ville!'

"s-sorry a-akala ko kasi si mom tinatawagan mo eh hehe" Ibinalik ko naman ang phone nya sa kanya. Kelly naman, pinapahiya mo sarili mo eh!

"Stupid" Sabi neto. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Maka stupid sya akala mo si Einstein. Edi tawagan nya yang Calista nya at mag sama silang dalawa!

"Sorry nga eh. Maka stupid akala mo naman duh!" Sabay irap ko. Palihim kong kinuha ang remote at inilipat sa Barbie na pinanonood ko kanina.

"Tss" sabi neto at tinignan ako ng masama.

"Bakit? Di ka naman manonood ah, may tawag ka diba?" Inis kong sabi. Tumayo naman sya at lumabas.kala nya ah!I-dinail ko nalang ang number ni Tyron.

My Gangster Twin ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon