CHAPTER 27

410 19 3
                                    

WARNING:MEDYO SPG HAHA

Kelly POV

"Basta miss Kelly ang piliin mo lang ay heaven" Sabi ni tyron kaya tumango ako bago bumaba sa sasakyan. Andito ako ngayon sa labas ng hide out ng black scorpio.alam kong parang nasisiraan na ako ng bait dahil pumayag ako sa ideya ni Tyron sa sumali sa black scorpio.

"Ready?" Tanong nito na lalo kong ikinakaba. Bat ba ako kinakabahan eh ilang beses na naman ako nakapasok dito.

"Tara" Sabi ko saka pumasok na sa loob ng hide out.

"Uy boss sino yan?" Tanong ng isang balck scorpio na babae.

"Wala Bagong recruit lang" Sabi ni tyron, sana di nila ako makilala dahil sa kapal ng make up ko.

"Ganun ba? Sige sumunod ka sakin" Sabi nung babaeng gangster saka hinawakan ako sa braso. Nilingon ko naman si Tyron dahil sa kaba pero kinindatan nya ako na para bang sinasabi na ok lang. Dinala ako ng baba sa isang room, di pa kami nakapasok pero rinig na rinig ko na ang mga daing ng tao sa loob na para bang nilalatigo. Napalunok naman ako dahil sa kaba.

"Goodluck" Sabi nung babae saka ipinasok ako sa loob at agad nyang sinara ang pinto.

"Anong kailangan mo?" Muntik naman akong mapatalon dahil sa gulat nang may nag salita na namang babae, di sya yung kanina.I cleared my throat bago sumagot.

"G-gusto ko sanang sumali sa gang nyo" Biglang bumulis ang tibok ng puso ko nang tignan nya ako ng masama.

"Pumunta ka dun" Tinuro naman nya ang mga babae na nakalinya sa gilid, pumunta naman ako dun. Kanina pa nila ako pinapasa pasahan ah, naiinis nako char para to kay Cairo.

"Tumayo kayo ng tuwid" Mahinahon pero ma awtoridad na sabi nung babaeng naka black na agad naman naming sinunod. Oo madami kami mga 6 siguro

"Ngayon tatanungin ko kayo kung disidido naba kayo sa pagsali?" Tinignan ko ang mga kasama ko pero nakatingin lang sila sa harap na nag sasalitang babae.

"Sagot!" Sigaw nung bababeng gangster sa babae na ikalawa mula sa gilid ko.

"Oo" Agad namang sagot nung babae, tumango tango naman yung gangster, mukhang ang aangas ng mga kasa ko ah, ako lang tlata kinakabahan.

"Ikaw! Disidido kaba!" Tanong nya sa katabi ko, napalunok naman ako sa kaba na baka ako na ang sunod.

"Opo!" Walang kabang sagot ng katabi ko.

"How about you?" Napa lunok naman ako nang ako na ang tanungin nya.

"O-opo" Nauutal kong sabi.

"Bat ka nauutal? Umiling naman ako.

"Ngayon inuulit ko disidido kaba!" Sigaw nito sa mukha ko.

"Oo!" Pinigilan ko namang mautal. Wahhh mommy sorry kung sumali ako sa illegal Gang huhu.

"Good ngayon naman ay papipiliin ko kayo" Kinabahan naman ako,ito naba ang sinasabi ni Tyron?.

"Heaven...or hell!" Napuno naman ng boses nya ang buong kwarto dahil sa sigaw nya. Malapit lang naman kami ah! Akala ba nya bingi kami? Pero sabagay kahit di naman sabihin ni Tyron na heaven ang pipiliin ko ay pipiliin ko din naman yun,ayaw kong mapunta sa empyerno noh.

"Hell" Sabi ng katabi ko ,nanlaki naman ang mata kong napatingin sa kanya. Agad agad talaga ang sagot? Saka hell daw? Bakit hell?

"Hell din" Sabi pa nung isa. Luh? Nababaliw naba sila? Napatingin sakin yung babaeng gangster kaya napabuntong hininga ako at napalunok.

My Gangster Twin ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon