CHAPTER 26

398 18 0
                                    

Kelly POV

Tatlong araw ko nang binabantayan si Cairo, di pa kasi sya nagigising And yes it's my fault. Nung nalaman daw kasi nya na aalis ako ay hinabol nya ako sa airport kaya ayun...

"Cairo gumising kana please" Sabi ko habang patuloy pa ding tumutulo ang luha ko.

"Sorry na" Para akong tanga dito at kinakausap ang tulog

"Dear kumain kana,ilang araw kanang nagbabantay dito,wag mo namang pabayaan ang sarili mo". Napatingin naman ako kay tita na may dalang pagkain pero di ko yun pinansin. Di rin ako sinermonan ni tita dahil sa ginawa ko sa kanya dahil alam naman nyang nahihirapan ako ngayon.

"Stop crying dear" Sabi nya pero di ko talaga mapigilan. Tumayo nalang ako para mag pahangin sa labas. Pumunta ako sa likod ng hospital, mapuno dun at mapayapa kaya baka mahibsan ang bigat ng nararamdaman ko.

"My loves" Napalingon naman ako kay Keyden na hingal na hingal.

"Kanina pa kita tinatawag, lutang ka na naman" Sabi neto kaya napayuko ako.

"Pasensya na nang dahil kasi sa katangahan ko ganito ang nangyari" Naiiyak na naman ako wengya.

"Ano kaba my loves di mo naman kasalanan eh" imbis na gumaan loob ko mas lalo pa akong naiyak dahil alam kong sinasabi nya lang yun para gumaan ang loob ko.

"Kasalanan ko yun keyden, kasalanan ko" Pag uulit ko. Namumugto na yung mata ko kakaiyak.

"Ganito nalang may joke ako sayo" napatingin naman ako dito,di ko alam king maiinis ako o ano.

"Tss siguraduhin mong nakakatawa ah" Sabi ko ko saka pinahiran ang luha ko,di naman pwedeng sungitan ko so Keyden dahil malungkot ako.

"Pfft oo naman" Natatawa nyang sabi, wala pa nga eh!

"sa kanto, na uusap si juan at pedro" panimula nito

"Sabi ni Pedro 'juan sabihin mo nga dyan sa kano,yung bag nya bukas saka baka may mahulog' " dugtong pa nya. Natatawa pa sya habang ako ay hinihintay ang susunod nyang sasabihin.

"Sabi ni Juan 'hey yow men!Your bag is tomorrow,cow is falling' hahaha wengya nakakatawa yun pfft hahah" tawang tawa si Keyden habang ako ay nakasinangot. Nakakatawa ba yun?.tinignan ko nalang sya habang sya ay tawa ng tawa.

"My loves bat di ka natawa?" Tanong neto at parang naiiyak na sa kakatawa.

"Di naman kasi nakakatawa" pabiro ko naman syang inirapan.

"Talaga? sige, heto may isa pa" sabi pa neto na parang excited pa. Ano bang nangyayari kay Keyden? Tss.

"Naku wag na di na naman yan nakakatawa" pag tanggi ko.mukhang di naman ako tatablan ng joke sa sitwasyong to.

"Sige na my loves" pilit nya.

"Fine!"

"Ano ang tawag sa bahay ng mga shoe?" kumunot naman ang noo ko.

"Di ko alam" Sagot ko

"Tanungin mo kung ano" Nag pout pa sya kaya natawa ako.

"Sige ano?" Go with the flow naman ako.

"Ang tawag sa bahay ng mga shoe, Edi palashoe hahaha" Peste talaga to, sya lang kasi natatawa sa jokes nya.

"Alam mo di nakakata--" Di ko natapos ang sasabihin ko nang dumating si Dianne na mukhang nag mamadali

My Gangster Twin ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon