Kelly POV
Sabado ngayon kaya nag yaya si Dianne na mamasyal. Naka recover na naman sya sa mga pangyayari.
"I want this" Sabi nya sabay pakita sakin ang couple shirts. May disenyo yun na broken hearts at mabubuo yun pag dinugtong ang dalawang damit. So bale pag nag dikit kayo ng jowa mo kunwari,magiging buo yung heart.
"Mainit kaya pa dalawa yung suot mo" Sabi ko dito,sinamaan naman nya ako ng tingin.
"Shunga kaba? Bakit ko naman susuotin ang dalawang to?" Binatukan pa nya ako. Aba!
"Eh sino mag susuot ng isa eh wala ka namang jowa. Masungit ka kasi" Sabi ko dito sinamaan na naman nya ako ng tingin.
"Hehe joke" Sabi ko nalang baka kainin ako neto ng buhay eh.
"Hmmm... Pero may point ka" Sabi nito at humawak pa sa baba nya na parang may malalim na iniisip.
"So bale bibilhin ko to at ibibigay ko nalang sa future jowa ko hehe antalino ko naman" Nag flip hair pa sya at ibinigay yung couple shirts sa sales lady.
"Bibilhin nyo ma'am?" Tanong ng sales lady sa kanya.
"Haha hindi ano kaba. Gusto ko lang ipahawak sayo hanggang mangalay ka" sarcastikong sabi nya Inirapan pa nya ang sales lady. An sungit talaga ng babaeng to
"Ah eh miss bibilhin po nya yan" Sabi ko nalang sa sales lady, agad naman syang umalis at pumunta sa counter.
"Ano kaba Dianne bakit mo naman ginanun yung tao?" Nagtatanong lang naman eh.
"Like duh Kelly! Malamang bibilhin ko yun! Narinig naman nya na sinabi kong bibilhin ko diba. Ano gusto nya ipa laundry ko sa kanya yung damit?" Paliwanag ito at umaktong na iistress.
"Ito na po ma'am" Sabi nung sales lady na kakarating lang at ibinigay sakin yung bag. Ako na ang nag abot nun l kaya umalis na yung sales lady.
"Oh" sabi ko at binigay sa kanya ang bag na kinuha din naman nya, naglakad nalang kami ng tahimik.
"Ano kayang nangyari kay Travis?" Tanong ni Dianne out of no where.oo nga noh. Patay na kaya yun?
"Di ko nga alam eh. Hintayin nalang natin kung makapasok pa sya sa lunes" Sabi ko nalang.
"Erkey. Pero gusto kong malaman yung reason nya kung bakit nya yun ginawa" Napatingin naman ako kay Dianne na parang malalim ang iniisip,napangiti naman ako.
"Ayiee na miss mo sya noh?" pangaasar ko.
"What the heck?! Pano mo naman naisip ang nakakadiring bagay na yun? Gosh!" Sabi pa nito at gulat na gulat parin ang reaction.Hehe OA naman nya biro lang naman yun.
"Haha biro lang ito naman" Sabi ko.
"You know what? Im hungry na. Kain muna tayo" Tumango naman ako, gutom narin naman ako eh. Pumunta naman kami sa isang coffee shop?. Bakit naman dito kami nag tungo?. Napatingin naman ako kay Dianne na nagtatakha.
"Nauuhaw ako eh" Depensa nito. Napailing nalang ako at pumasok sa loob,sumunod naman sya. Nag hanap ako ng table na muupuan namin habang si Dianne ang nag order.bumalik sya na parang paika ika.
"Oh my gosh. Ansakit na nang paa ko" Daing nito. Kaya napatingin ako sa paa nya,nag heels ba naman kasi.
"Eh bak--" Di ko na natapos ang sasabihin ko ng mag salita sya.
"Is that keyden?" Tanong neto. Napatingin naman ako sa direksyon kung saan nakatingin si Dianne. Nanlaki ang mata ko ng makita si keyden na may kasamang babae. May iba na ba syang nililigawan?
BINABASA MO ANG
My Gangster Twin Obsession
RandomMeet Kelly De Ville and Cairo De Ville,the twins with different personalities. Kung saan malalaman ni Kelly na lahat na nakapalibot sa kanya ay di nya pa lubusang kilala,lalong-lalo na ang kambal nya...