[END]

970 37 3
                                    

(Last chapter)

Kelly POV

*1 month later*

"Boss! Hahahah wengya" Natatawang sabi ni Tyron habang kinukunan ng picture si Cairo na naka toga,kakatapos lang kasi ng graduation nila ngayon.si Cairo kasi yung summa cum laude.Sana oil.

"Stop that Zabala or else..." Banta ni Cairo,tumigil naman si Tyron.

"Wengya boss ang ganda ng kuha mo dito" Sabi ni tyron habang tingnan mga kuha nya kay Cairo.

"My loves!" Nakita ko naman papalapit si Keyden na naka toga din.

"Congrats Keyden" Bati ko kay Keyden.

"Salamat my loves wengya,akalin mo yun naka graduate ako pft" Natawa naman ako saka pabiro syang hinampas.

"Keyden my baby!" Nakita ko naman ang papalapit na si tita Kyla.

"Mom!" Suway ni Keyden ng halikan sya ng mama nya sa pisngi.

"Napapawisan kana baby boy halika muna dito at lalagyan kita ng polbo" Hinatak naman si Keyden ng mommy nya.

"Mom di na ako bata!I can handle my self" Inis na sabi ni Kedyden pero di parin sya nanaig laban sa mommy nya. Di mo talaga mahahalata na leader ng gang si Keyden.

"Kahit baby damulag kana ikaw pa din ang baby boy ko" Sabi ng mommy nya saka hinatak ito.

"Pft baby boy, kakaiba yun ah pero sana lahat may baby,o di kaya sweetheart nalang" Sabi ni Tyron saka nag simula na namang kumuha ng mga litrato.maya maya ay napatigil si Tyron sa pag kuha at tumingin sa isang direksyon kaya napatingin na din ako. Paparating pala sina Dianne at Travis.

"Ahem" Sumeryoso na naman ang mukha ni Tyron.

"Pwede kang umalis kung gusto mo hehe" Bulong ko dito.

"B-bakit ko naman gagawin yun ms. Kelly?" Sabi nya at tingnan na naman ang hawak nyang camera at kunwaring may tinitignan dun.

"Baka kasi nasasaktan ka pag nakikita sila na sweet hehe" Paliwanag ko.

"Wengya ms. Kelly naka move on na kaya ako, actually madami akong chicks ngayon"

"Ah ganun" Tumango nalang ako, halata namang hindi totoo yung sinasabi nya.

"Cairo congrats!" sabi ni Dianne ng makalapit na, tumango naman si Cairo. Napansin ko na naka tingin si Tyron sa magkahawak na kamay ni Travis at Dianne.

"Picturan mo din ang couple na sina Dianne at Travis!" Nakangiti kong wika kay Tyron.

"Bakit ako?!" gulat na tanong ni Tyron.

"Ikaw may camera eh saka sabi mo di ka na affected" Asar ko dito.

"Wengya ms. Kelly ang swerte naman nila pag pinicturan sila ng kagwapuhan ko, pero dahil mabait ako sige na nga" Sabi ni Tyron at kinunan sila ni Dianne at Travis ng picture.nakita ko naman ang pag higpit ng hawak ni Tyron sa Camera.

"Hoy picturan ko kayo" napatingin si Travis at Dianne kay Tyron.

"O-ok" nag aalangang sagot ni Dianne, inakbayan naman sya ni Travis.

"magpanggap naman kayong sweet,o di kaya mag kunwari kayong masaya sa isat isa para maganda kuha nyo" natawa naman ako, ang sweet sweet naman nila ah, ang bitter naman ni Tyron.

"Isa"

"Dalawa"

"Hoy Tyron!" Napatingin kami sa sumigaw na si Kate, pati ang mga tao ay napatingin din sa kanya.

My Gangster Twin ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon