CHAPTER 25

422 16 0
                                    

Kelly POV

Maaga akong nagising kahit di ako nakatulog kagabi. Grr si Cairo kasi eh. Bumaba nalang ako para mag luto ng breakfast dahil tulog pa sila.

"Dear pwede tayong mag usap?" Napalingon naman ako kay tita Karla.

"Sige po" sabi ko saka umupo katabi neto.akala ko tulog pa sya

"engagement na ni Cairo mamaya and soon he will get married" Panimula neto.natigilan naman ako.

"Alam ko po" Sagot ko.alam ko naman talaga eh, saan ba kasi patungo ang usapang to?

"Kaya naisipan kong kuhanin ka at pag aralin sa paris" Nanlaki naman ang mata ko.

"P-po?" di ko makapaniwalang tanong.

"Alam mo dear, pag nagpakasal na si Cairo aalis na sya dito at maiiwan ka, kaya gusto kong sumama ka sakin at ako ang mag aalaga sayo. actually may future ka dun sa paris" Kumirot naman ang puso ko, tama si tita pag nag pakasal na si Cairo ako nalang ang maiiwan dito. Naiiyak naman ako haha. Pero yung ideyang kasama ko si tita Karla? Mas nakakaiyak yun.

"So what do you think?" Napabuntong hininga naman ako. Wala naman ata talagang mangyayari sakin dito, pwede ko din namang subukan.saka makakalimutan ko si Cairo pag nandun nako. Opportunity bato?

"S-sige po tita" no choice ako eh.

"Well actually mamaya na ang flight" Nagulat naman ako sa sinabi ni tita.

"Mamaya po? B-bakit po biglaan?" Grabe naman yun.bakit ba lahat ng tao nagmamadali at agad agad kung makapag desisyon.

"Dahil kailangan. Aalis tayo pagtapos ng engagement party" Napayuko naman ako nubayan.parang pinag planuhan na ata to ni tita ah.

"S-sige po" Ang sakit sa dibdib at parang gusto kong maiyak.

"Oh sya gisingin mo na si Cairo para makapaghanda na sya mamaya sa event" Mas lalo pang sumikip ang dibdib ko habang iniisip na mamaya na ang engagement.

"Sige po" Sabi ko saka umakyat sa taas para gisingin si Cairo. Pumasok na ako tutal di naman naka lock yun. Nakita ko naman ang naka topless na si Cairo at mahimbing na natutulog. Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan sya, nagsitulo naman ang mga luha ko. Oo mahal ko na si Cairo pero mali.hinaplos ko naman ang buhok ni Cairo.

"Sorry kung di ko maamin na mahal kita, natatakot kasi ako. Takot na takot dahil alam kong walang kasiguraduhan to, maraming tutol.Siguro nga pinagtagpo lang tayo at di tinadhana haha" Natatawa kong sabi habang patuloy na tumutulo ang luha ko.

"Alam mo bang nasasaktan ako nung pinaplano nilang i engage ka sa iba? Kaya nga nag lasing ako eh" Sabay pahid ko sa mga luha ko.

"Alam mo nakakainis ka dahil para kang tanga, minsan cold ka tapos minsan manyak pero... Kadalasan sweet haha corny na kung corny" napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.

"Alam mo aalis na ako mamaya pagtapos ng engagement party mo. Sana di kana basagulero ha saka lagi mong tandaan na mahal na mahal kita" Sabi ko saka napahikbi na sa sobrang sakit. Buti nalang tulog sya at di nya naririnig ang sinasabi ko baka kasi sabihan nya ako na iyaking bata.

"Gusto sana kitang halikan sa huling pagkakataon sweetheart" Parang tanga na ako dito dahil kinakausap ko ang tulog.

"Then kiss me sweetheart" napatakip naman ako sa bibig ko nang magsalita si Cairo. G-gising sya?!

"Pfft you're blushing haha" Natatawang sabi ni Cairo.

"N-narinig mo lahat?!" Di ko makapaniwalang tanong.

My Gangster Twin ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon