Kelly POV
Bumaba na ako sa kwarto pagtapos kong mag bihis, may lakad kasi kami ni Keyden ngayon. Nag paalam na ako kay Cairo kahapon at sabi nya wala naman daw kaming gagawin sa hide out ngayon kaya free ako. Pagbaba ko nadatnan ko si Cairo sa sala na nanonood ng movie ata. Naka pajama pa sya at naka kumot. Patay naman ang aircon ah,bat mukhang nilalamig sya?.
"Where are you going?" Sabi neto habang di pa rin inaalis ang tingin sa screen ng tv. Bat naman nya natanong? Di kaya sya nagtatanong noon kung saan ako pupunta nung magkaaway pa kami.
"Uhm may pupuntahan lang " Sagot ko, pake naman nya? Bat sya namumutla?
"Sino kasama mo?" Naningkit naman ang mata ko.bakit ba?
"Si Keyden" Bigla naman nyang pinatay ang TV.
"Tell him na di ka makakapunta dahil may gagawin tayo sa hide out" Nanlaki naman ang mata ko. Sabi nya wala kaming gagawin ah!
"H-ha? Sabi mo kahapon wala tayong gagawin ngayon?" Pag dadahilan ko.
"Ngayon meron na" Napa buntong hininga ako.ano bang problema nya? Sinasadnya nya ata akong pahirapan ah!
"Tss pass muna ako" fast learner naman ako kung sakaling mag tra-training lang kami ngayon. aalis na sana ako nang magsalita na naman sya.
"May mas importante tayong gagawin kesa sa date nyo" Sabi pa nya. Date? Di naman ako mag dedate ah! Pero dapat pala maging malapit ako kay Cairo kaya papayag nalang ako.
"K fine pero half day lang ah" Sabi ko dito syempre ayaw ko namang di suputin si Keyden eh.
"K" Sabi nya. Ti next ko naman si Keyden na mamaya na kami mag kita. Umakyat ulit ako sa kwarto para mag bihis ng itim, syempre di na ako nag croptop dahil nakasaad na daw yan sa bagong rules.
----
Papasok kami ngayon sa hide out. As always nakatingin na naman sakin ng masama ang mga babae myembro ng black Scorpio. Pumunta kami sa isang room na ngayon ko lang napuntahan.pag pasok namin dun ay humiga si Cairo sa kama saka kinuha phone nya at nilaro yun.kumunot namana ng noo ko.
"Cairo sabi mo may importante tayong gagawin?" Inis pero kalmado kong sabi,di ko alam kung pano ko nagawa yun. Pinagpalit ko lakad ko kay Keyden para lang humiga sa kama at mag cellphone?.
"Meron nga" Sabi nya at ibinaling ang tingin nya sakin
"Ano yun?" Nakapamewang kong tanong.
"Bantayan moko" Sabi neto saka humiga at natulog. Bigla naman uminit ulo ko, bakit naman sya mapapabantay?at bakit ko naman sya babantayan?ginagawa talaga nya akong aso dito eh!. Padabog akong lumapit sa kanya.akala ko ba mas importante to?
"Anong bang trip mo?" Inis kong tanong pero tinitigan nya lang ako.
"Tss aalis na ako ok?" akmang aalis na nang hinawakan nya ako sa braso.
"don't...leave me alone in here" Nanghihinang sabi neto. Bat ang lamig ng kamay nya?at kanina pa sya namumutla at matamlay.
"Hoy ok kalang ba?" nagaalalang sabi ko dito.
"If I tell I'm not, hindi ka narin aalis?" Sabi nito. Wahh kinokonsensya ba nya ako.
"Hmm" Tumango ako. syempre alangan namang iwan ko sya nang ganyan ang lagay nya.
"I'm not ok" Pinaningkitan ko naman sya ng mata.wengya! Pero sa tingin ko di nga sya ok.napabuntong hininga naman ako.
"S-sige di na ako aalis" Sabi ko saka umupo sa tabi nya.naramdaman ko namang giniginaw sya kahit naka kumot ito.sinapo ko naman ang noo neto at nanlaki ang mata ko nang umaapoy ito sa init.

BINABASA MO ANG
My Gangster Twin Obsession
AcakMeet Kelly De Ville and Cairo De Ville,the twins with different personalities. Kung saan malalaman ni Kelly na lahat na nakapalibot sa kanya ay di nya pa lubusang kilala,lalong-lalo na ang kambal nya...